Napagod na nga si Denise sa try out, napagod ulit siya sa pagtakbo palayo kay Mr. Chickboy at buti na lang naabutan niya pa ang mga kaibigan niya na paalis na rin sana.
" Hoy iiwan niyo prinsesa niyo? Wow ha!"
" Siyempre hindi, kanina ka pa pala namimiss ni Mark haha" pangaasar ni Kevin
" Gago ka talaga pre haha, buti naman andito ka na, san ka ba galing at parang hingal na hingal ka diyan?" ani Mark
" Diyan lang sa tabi tabi, nastuck kasi ako dun sa may unggoy" sagot naman ni Denise
" Tinatawag mong unggoy yung poging yun?" tanong naman ni Niko at James
" Kilala niyo yun?" gulat namang tanong ni Denise
" Oo schoolmate at teammate ko yun nung highschool eh" - Niko
" Ayy ganun ba, hehehehehe " nakakalokong sagot ni Denise
" Don't tell me you like him?" umeenglish naman tong si James
"PFFFFFFFFTTTTTT! Hindi noh, badtrip nga ako sa taong yan, tara na nga baka maabutan pa ako, tinadyakan ko sa paa eh, bwahahahaha" masayang sambit ni Denise
" Uyyyyy, dalaga na siya" asar pa more Kevin
" Nagkakacrush na siya, pano na si Mark niyan? HAHAHA" dagdag asar pa Angelo
Samantalang tawanan lang yung apat.
" Tigilan niyo nga ako, diko nga yun crush.Hmp" sabay pout si Denise
" Hahaha sige na nga, ayy pala Denise di kami makakasabay ngayon sayo, dahil pagod kami gusto namin magrelax konti kaya mgalalaro kami ng dota unless gusto mong sumama?" sabi naman ni Kevin
" Sige okay lang, kain muna tayo garud" pagaaya naman ni Denise
" Pass din muna, di kami gutom, ikainan mo na lang kami" - Niko
" Sige alis na kami, text mo na lang kami kung sakaling mapatrouble ka, lalo na lay unggoy este ke Alex hahaha, ingat ka" dagdag naman ni James
" Text ka kung nakauwi ka na" - Mark
" Uyyy" panunukso naman ni Angelo
Tinignan naman siya ng masama ni MArk/
" Andadaya niyo ah, oh sige basta wag kayo masyado magpagabi, ingat" - Denise
At umalis na nga ang lima, siyempre nagbihis muna sila. Samantalang si Denise naman ay pumunta na rin nagbihis.Dahil mga alas kwatro na rin ng hapon ay napagdesisyunan ni Denise na magshort at white tee shirt na lang, konti na lang naman ang tao sa school at Friday naman. Pagkatapos niya magbihis ay dumiretso na siya sa canteen, may try out man o wala sadyang gutumin lang talaga siya.
Favorite niya ang Sunkist apple juice kaya un ang binili niya at bumili din siya ng burger, hindi pa siya kontento ay bumili pa siya ng mamon at ensaymada. Katakawan overload ang peg ni Denise. Wala rin namang masyadong tao sa canteen kaya feel na feel niyang kumain ng marami. Sabagay, may tao man o wala marami pa rin naman siyang kakainin.
Isusubo na sana niya ang burger nang nanlaki ang mata niya sa lalaking paparating, kitang kita niya dahil ang pwesto niya ay nakaharap sa entrance ng canteen.
"Ano ba yan, nakakawala naman ng gana, tsss" bulong niya sa sarili
Nagpatuloy na lang sa pagkain si Denise, pero mas nainis siya nung umupo sa medyo malapit si Mr. Yabang at ang direksyon niya ay nakaharap sa kanya.

BINABASA MO ANG
Daydreamer
RomanceSi Denise Jhoy ay isang babaeng punong puno ng pangarap, mahilig magimagine nang walang pinipiling oras. Ngunit paano kung ang mga pinapangarap niya lang ay unti unting nagkakatotoo? Paano kaya mababago ang kanyang buhay ng dahil dito?