Chapter 3: The Second Encounter

128 6 2
                                    

Masayang naglalakad si Denise, hindi maipinta ang ngiting namumutawi sa kanyang mga labi. Masaya siya dahil may mga bagong kaibigan siya, yung dalawang kaibigan niya kasi ay sa Baguio at Manila nag-aaral. May mga batchmates naman siya dito sa State University kaya lang hindi naman niya kadepartment. Wala naman siyang pinagsisisihan na dito siya nagenroll sa State University dahil maganda din naman ang quality ng education dito lalo na sa Engineering.

Habang nag-aantay ng sasakyan ay palinga linga siya sa paligid, nagmamasid ng mga kapwa niya estudyante at sa di kalayuan ay nakita niya ang di niya makakalimutang nilalang na sumira ng umaga niya, ang tinagurian niyang Mr. Yabang. Papunta ata siya sa direksyon niya at dumaan lang ito sa harapan niya na may binulong pa kunwari pero anlakas naman ng pagkakasabi, "You're looking at me again, stop drooling around  miss" at mas lalong nainis naman si Denise sa narinig. Hindi naman sa assuming siya na para sa kanya talaga yun pero siya lang naman kasi ang babae sa antayan ng sasakyan.

I admit he's handsome, not so tall, sakto lang maybe around 5'8, moreno, ang haba ng pilik mata at ang ganda ng mga mata niya, makislap na malungkot at mapupulang mga labi tapos ang fresh niya pang tignan, woah! Kahit sinong babae talaga maattract sa kanya eh. A total hunk. Shocks! ano ba yang iniisip mo Denise, loyal ka dapat kay Kiefer, erase! erase! Tsaka baka nakakalimutan mo, sinira niya umaga mo, ang harsh niya sayo, imbes tulungan kang tumayo eh binuhat pa ang sariling bangko at sinisi ka pa. Di na siya gwapo okay? Pero a part of me says na may goodness pa rin siya, well lahat naman ng tao may goodness, hayyy yan ka na naman kasi Denise! Oh, well, first impression don't last naman kaya I won't close the door for him, naks! Ang ewan lang talaga nitong nararamdaman ko towards that Mr. Yabang, strange. Ayun sa wakas may bus na rin...


Jake's POV:

I'm on a rush paano ba naman kasi yan first day of school late and someone bumped me, I really hate clumsy people. But when I looked at her, oh she's a cutie, what made her more beautiful is her reaction, just staring at me, maybe she was waiting for me to pick her up, but I didn't favored her, I just mocked her. Because I really don't give a damn, maybe , just maybe I misjudged her for being another attention seeker girl. And I'm really tired of those girls,I'm used to it since high school days, trying to get my attention but I can't blame them, I'm blessed with gorgeous looks. Di ako nagbubuhat ng sariling bangko, pero madami naman talagang nagsasabi. Mas nakakatawa pa siya nung may sinabi ako tapos nakatulala lang siya, though nung narinig niya yun sumama ang tingin niya sakin pero di pa rin siya nagsalita, siguro bad breath siya o bungi. Hahaha. Iniwan ko na nga lang baka pakulo na naman kasi yun ng mga desperadang admirer o stalker ko, mahirap na.  Pero may something, may nafeel akong kakaiba, ewan ko, lumingon ako, naglakad na rin siya palayo. Ayun baka papansin nga lang talaga. Ilang oras din akong nakaupo, nakaupo at nakikinig ng walang kwentang pagpapakilala, akala ko sa high school lang to uso, pati rin pala dito sa college. 3 hours pa man din tong subject na to, Engineering Drawing, ayy badtrip, sayang oras eh! Nagbasketball na lang sana ako edi masaya pa ko, kaso di naman ako makaalis kasi kapansin pansin, ayaw ko naman magkaroon ng bad impression, mahirap na. At sa wakas natapos na rin ang klase, wala na kong klase sa hapon kasi wala pa daw mga Instructor namin kaya uuwi na'ko. Naglalakad na ako sa hallway nang sa di kalayuan ay nakita ko ang isang pamilyar na mukha, mukha ni Ms. Tulala, at tulala siya ulit, tulalang nakatingin sa direksyon ko, lumingon ako wala namang tao sa likod ko kaya baka sakin nga talaga nakatingin. Palapit na ako ng palapit sa direksyon niya at nakatingin pa rin siya sakin, hindi ko alam kung anong nagtulak sakin bat ko nasabing  "You're looking at me again, stop drooling around miss" nung nakatapat na ako sa kanya, basta nasabi ko na lang. At gaya ng reaksyon niya kanina, nakatulala pa rin siya. Hahaha ano kaya talagang problema nun? Baka bungi talaga haha. Nasa tapat na ako ng sakayan at tanaw ko pa rin siya, late ata nagsink in sa kanya yung sinabi ko, umirap irap siya ,reaksyon ng naiinis, yung tipong pag malapit lang ako baka nasapak na niya ako. Hahaha pero infairness ang cute niyang mainis, parang bata. Padabog pa siyang sumakay nang meron nang dumating na bus. Teka, bat ako ngumingiti, bago to ah. Hmmm.

At mga ilang minuto lang pagkatapos umalis ng sinakyang bus ni Denise ay nakasakay na rin si Jake. 

Si Jake ay medyo playboy, di siya nagseseryoso sa babae, may mga naging girlfriend na siya pero puro fling lang, yung tipong pangdisplay lang. Playboy siya hindi dahil nasaktan na siya kundi para kasi sa kanya eh nagugustuhan lang siya ng mga babae dahil sa itsura niya, kaya ganun din ang ugali niya para maturn off ang mga babae sa kanya para tantanan na siya ng mga ito. So far, successful naman siya, pero mabait naman siyang anak at kuya. Basketball player din siya kaya mas maraming nagkakagusto sa kanya dahil mas naeexpose siya tuwing may laro sila.

A/N: Pareho silang may nararamdamang kakaiba, bakit kaya? Ano kayang magiging kaugnayan nila sa isa't isa? Abangan.....

DaydreamerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon