Uuwi na sana si Denise nang bigla siyang hinabol ng mga mokong. Mokong ang tawag niya dun sa mga lalaki kanina dahil di pa niya alam mga pangalan nila. Noong una ay di niya pa pinansin ang mga ito, snob kunwari pero wala rin siyang nagawa dahil hinarangan na siya ng mga to.
"Hey Denise, uuwi ka na agad? Jamming muna tayo. Kevin nga pala" nakangiting sabi niya sabay lahad ng kamay, bilang tanda ng pakikipagkilala. Si Kevin ang pinakamatangkad sa grupo, basketball player din pala to noong HS siya. Ngumiti lang din si Denise, sasagot naman sana siya pero naunahan siya ni Angelo.
" Kaya nga naman Denise, di pa kami nakakapagpakilala sayo eh" kunwari sad
" Recruit ka sana namin sa grupo, ikaw prinsesa namin hahahah " masayang singit naman ni Mark ang pinakamasayahin sa grupo at loko loko
Ayaw talaga nila ata pagsalitahin si Denise, ang kukulit..
"Pero wag mo iisiping type ka namin ha haha gusto ka namin maging kaibigan para may supplier kami ng bond paper HAHAHA " mas masayang dagdag naman ni Niko
"Wow ha! bond paper pala ah haha abusado. Di naman ako assuming, di tayo talo mga tol haha" sa wakas nakasagot na rin si Denise
Hindi nakapagtataka na gustong maging kaibigan ni Denise ang mga mokong na to dahil mukhang masaya kasama at walang arte at kumpetisyon. Di naman alam ni Denise na ganun din ang iniisip sa kanya ng mga to.
"Yan ang gusto namin sayo eh, haha mukha ka pang boyish , kaya pasok na pasok ka samin, yun eh kung gusto mo kaming kaibigan" nangungusap namang sambit ni James
" Haha oo naman, sure na sure, friends?" masayang sagot ni Denise sabay lahat ng kamay sa kanila.
Imbes makipaghand shakes ang mga mokong ay pinektusan lang nila si Denise sa pangunguna ni James na kinagulat naman ni Denise pero tawa lang siya ng tawa sa kalokohan ng mga to. Naging magkakaibigan lang ang mga to noong entrance exam nila, tatlo lang sila noong una, sila James, Kevin at Angelo. Nakilala lang nila sila Niko at Mark noong enrollment naman. Magkakaiba naman sila ng bayan ngunit magkatabing bayan lang sila James at Niko, sa Rosales at Villasis. Pero hindi naging hadlang ang pagkakaiba nila ng bayan para maging magkakaibigan, mas naging close pa sila dahil pare pareho silang mga athletic at matatalino din,di lang halata dahil loko loko sila. Kaya nga don't judge the book by its cover talaga. Hindi rin nila pinangalanan ang grupo nila at ayaw din nila ng tawagan, di naman daw yun kailangan.
" Mga gago, haha pasalamat kayo di masakit, may pagkagentle dog rin pala kayo eh. HAHAHA uwi na ako guys" sabi ni Denise, talagang uuwi na sana siya kaso may ibang trip pa ata tong mga bagong kaibigan niya.
"Hep! Hep! Hep! Kakain muna tayo uiyyy, at dahil bago ka sa grupo, ikaw manlilibre hahahaha" pangaasar naman at panghaharang ni Kevin
" Biro lang sige sagot muna namin basta wag ka munang uuwi, kuwentuhan muna tayo, tara" singit naman ni Niko
"Hmmm, lemme think guys" kunwaring nagdadalawang isip pa si Denise pero papayag naman talaga siya
Mukhang mabait tong si Niko, parang siya yung pinakaseryoso sa kanila, sa tingin ko lang ah. Sabi nila wag daw basta basta magtitiwala lalo na sa mga lalaki, pero iba, iba nararamdaman ko sa mga mokong na to, my instinct says na go lang ako. And I trust my instinct. I'm willing to take risk, I really want to be friends with these guys. At hindi ko naman sila makikilala kung diko sila bibigyan ng chance na patunayan ang kanilang sarili, ganun din ang aking sarili na makilala sila.
"Sige na nga, libre niyo ah, walang bawian? Tara, ambabagal oh haha"
" Wow, hyper oh, nakarinig lang ng libre oh, haha konting hiya naman Denise" pang-aasar pa ni Kevin

BINABASA MO ANG
Daydreamer
RomanceSi Denise Jhoy ay isang babaeng punong puno ng pangarap, mahilig magimagine nang walang pinipiling oras. Ngunit paano kung ang mga pinapangarap niya lang ay unti unting nagkakatotoo? Paano kaya mababago ang kanyang buhay ng dahil dito?