Her Jolly Side

45 2 0
                                    

Nagising ako sa lakas ng alarm. Agad ko yun pinatay at umupo na sa gilid ng kama ko.

Like the old times, maliligo ako at magbibihis ng uniform. Pagkatapos ay kakain ako ng breakfast.

Ang hindi ko alam ay meron pala kaming maid dito. Kaya may almusal na agad kami. Iba ka talaga, Hannah Medrano.

"Hannah, Kendra!! Ang kupad ah!!!"

Nanakbo na kami ni Kendra palabas ng bahay. Masyadong mabilis si Erik kumilos. Siya na.

"Tara na." Sumakay na ko sa passenger seat. Napansin ko na sila dapat ang mag kapatid ang mag katabi. Ang kapal ko naman masyado.

"Oh, saan ka na naman?"

"Sa likod na ko." Sabi at aalis na sana nang hilain ni Erik ang kamay ko para maupo ulit at nakita ko si Kendra na sumakay na sa likod.














Akala ko naman, ay matapang na ko. Bakit kapit na kapit ako kay Kendra ngayong pinagtitinginan kami ng mga tao? Akala ko ba wala akong hiya?

"Best, magkaiba tayo ng section... Kayo ni Erik ang mag kasama sa room."

Dahek naman oh. Hiwalay pa talaga kami. Saan ako kakapit ngayon? Ganito pa naman ako kabahan. Kailangan ko nga makakpitan.

Nagulat ako ng pinakapit ni Erik ang mga kamay ko sa braso niya. Napatingin ako sakanya nang nagtataka. Hindi naman niya ko tinignan at naglakad na ulit.

"E-erik..."

Damn it! Matagal na bago ko maramdaman ulit toh. Yung matinding kaba.

"Kapit ka lang sakin at wag kang kabahan. "

At yun nga ginawa ko. Kumapit ako nang mahigpit sa braso niya. Lumunok ako nang mariin. Bakit ka nga kinakabahan ,Hannah?

"Marunong ka palang mahiya?"

Napatingin ako sakanya nanag nakataas ang kilay.

"Ano naman ang akala mo sakin? Ganun ba kakapal ang mukha ko para sayo?"

Hindi niya ako sinagot. Inakbayan niya lang ako.

"Ganyan ka lang sana lagi. Yung hindi masungit. Yung marunong naman mahiya."

Binitawan ko siya at hinampas sa braso. Marunong naman ako mahiya. Hindi niya pa ako gaanong kilala kaya niya yun nasabi. Ang kapal naman.

Napansin ko lang... Parang hindi ko siya namumura sa isip ko ah...

"Erik? Hannah?"

Napatigil kami nang makita si Kevin at yung barkada niya. Nakatingin siya sa amin na nagtataka. Alam naman niya na dito kami mag aaral pero nagtataka siya.

"Anong section niyo?"

"One."

Nagkatinginan kami ni Erik at natawa nalang magkabay kami nang sagot.

Hinawakan ko ang kamay ni Erik at tumingin na kay Kevin."Sige, una na kami sa inyo ah?" Sabi ko at umalis na kasama si Erik.

Nagtaka ako nang tinanggal niya ang kamay niya sa kamay ko. Inakbayan niya ulit ako.

"Sandali lang." Hinawakan ni Kevin yung freehand ko kaya napaharap kami ni Erik sakanya.

"Sabay na ko sa inyo. Parehas tayo ng section."

And She's Dying [On Going]Where stories live. Discover now