Lies And Truth

49 5 2
                                    

A/N: Hahaha... Bitin ulit? Sadya yun!Don't worry mga men!
Focus pa din po tayo kena Hannah at Erik... Tsaka na sila Kendra at Keno

HANNAH'S POV

Pagkatapos kong magpa check up, kumain kami ni Kendra sa canteen ng hospital. At dun ko na ikinwento sakanya ang tungkol samin ni Erik. And guess what her reaction is?

"KYAAAHHH!!! Ang saya ko! Alam mo ba na ikaw talaga ang gusto kong maging sisters in-law??"

Pinanlakihan ko siya ng mata. Seriously? Wala pa kaming 24 hours ng kapatid niya tapos ikakasal na kami??

"Over, Ken. Seriously. Wala pa kaming one day tapos yan agad ang iniisip mo?"

Nagkibit balikat lang siya na parang nag aasar lang. Napailing nalang ako. Nanlaki ang mga mata niya sakin. Tinanong ko naman siya kung bakit.

"Hala, best! Hindi mo ako inirapan! Usually, nang iirap ka pag inaasar kita!"

Natameme ako. I imagined it and it looks awful. Ang sama ko namang kaibigan. Tsk.

Biglang tumunog yung cellphone niya. Pagkabasa niya ay pinatayo niya na ako. Baka yung dad niya na yun.

And I was right! Dad nga niya yun dahil dun yung bagsak namin. Ang bilis naman ata ng results. Oh well.

Kahit ramdam ko na ang paglala ko ay umaasa pa din ako na may improvement sakin.

"Dad, straight to the point na ah?" Nakangiting hiling ni Kendra sa dad niya. I think, she thinks that I improved,now.

Bumaba naman ang mata ng dad niya papunta sa mga papeles sa desk niya. Looks like, he doesn't like the request. Mukhang alam ko na ang sasabihin niya. I just can't confirm.

"If it's what you ask for, then she's not improving yet. In fact, she's getting worse."

Naramdaman ko na ang pag init ng mga mata ko. FCK! I can't cry now!

"P-po? Pa-ano po y-un mangyayari?"

"Alam na ito ng mga magulang mo. They've desided to get you admitted. But I still consider what you choose to do. Tandaan mo, hija... Hindi na kakayanin ng gamot."

Pinagpawisan na ako nang malamig. Consider what I choose to do? Ni di ko nga alam king ano nang gagawin ko. But then again,

"I don't wanna be confined, doc. Pero sana po..."

They looked at me as if they were so interested to what I'm about to say.

"Uhmm.. Ken, pwede mo ba kaming iwan? 10 minutes."

Kahit nagtataka siya ay lumabas din ito agad. Nabalik ang tingin ko sa doktor. One last choice, Hannah. I hope you won't regret this...

ERIK'S POV

Pagkahatid ko kay nila Hannah at Kendra, pumunta ako sa bahay ng mga kaibigan ko dito sa Maynila. Namiss ko sila eh.

"Oy! Si pareng Erik! Kamusta??"

Nag apir pa kaming lahat nang makita nila ako. It's good to be back. Kahit pansamantala lang naman.

"Good.. Kayo? Ikaw, Ton? Napasagot mo na ba si Mia?"

Napailing nalang siya kaya nagtawanan kami.

"Wala! Mahina yan! Ikaw ba? Taken?"

That made me stop for a moment. Napangiti nalang ako sa sarili ko nang maalala ko si Hannah. Tsk. Masama na yan, Erik!

"Napapangiti siya oh! Sabihan mo nga! Taken na ba ang isang Erik Villanovan??"

What can I say? I like her. Lalo na nung nakita ko yung mabait niyang side.

And She's Dying [On Going]Where stories live. Discover now