THE TRUTH

32 1 0
                                    

Umatras ako nang umatras hanggang sa mahulog ako.

"Hannah!" Sigaw ni Erik habang tumatakbo para tulungan ako.

Umatras ako at pinangharang sakanya yung kamay ko. "Wag kang lalapit sakin! Wag na wag kang lalapit kung gusto mo pang mabuhay!!"

Good Lord! Hinarrass niya ang napaka maka-anghel kong pagkatao!

"Sheesh, sorry na. Ito naman, akala mo di din yumakap sakin."

Hindi ko na siya pinanasin nang maubo ako. Shock ang daming plema.

"Ehem!! Ehem!! Ehem!!"

Lumapit siya sakin at hinimas ang likod ko. Shet.. Ang aligasgas sa lalamunan!

"Tara, inom ka na ng gamot mo." Tinulungan na niya akong makatayo.

Pinaupo niya ako sa kama at kinuha yung gamot ko.

Uminom ko din naman agad yung gamot pagkabigay niya. Uminom ako ng tubig bago ko lunukin yung gamot. Huminga ako nang malalim. Nararamdaman ko pa din yung plema na nakabara sa lalamunan ko.

Ang hirap na talagang huminga. Swerte ko nalang at hindi ako namamaos.

"Okay ka lang ba?" Tanong sakin ni Erik. Nang marinig ko ang boses niya ay naalala ko bigla yung atraso niya. Atraso talaga! Sexual harassment yun ah.

"Don't touch me! Hawakan mo pa ko, kakasuhan na kita ng sexual harassment!!''

Ay wow... Tinawanan ako ng tukmol. Ang walangya! Akala ba niya nagbibiro ako??

"Hannah, babe... Wag ako. Ikaw din naman ay yumakap sa maganda kong katawan."

Nalaglag ang panga ko. Ang kapal naman ng pagmumukha niya! Tinawag pa akong babe! Litsi siya!

"Ano?? Ang kapal ng---"

"Hi, Erik! Morning---" napatigil si Cindy nang makita ako. Napatingin ako kay Erik at sheteng tupa! Naka boxer shorts lang siya! Tapos... Tapos nasa iisang kwarto lang kami! "Natulog kayo nang mag katabi???"

Nanginig ako. Sheesh... Malas kung maituturing pero yup. Pero... Di ko yun sasabihin. Sayang sa laway.

"Unfortunately, yes."aniya.


KENDRA'S POV

Nagising ako nang 8:30 A.M para pumasok nang 9:30. Kumilos na ko. Hindi na ko nagtaka kung bakit wala na akong naabutang tao. Maaga kasi ang pasok nila. Pare pareho ba naman ng block.

Pagkababa ko ay nagtaka ako nang may makita akong sasakyan sa tapat. Isang Ford Ranger. Wild track pa.

"Hey, Ken. Sabay ka na?"

Nalaglag ang panga ko nang makita ko si Ben. Sakanya ba yan?? Nakakapanibago naman.

Pero sumakay pa din ako kahit nahihiya akong sumakay. Mas nakakahiya kung nag effort pa siyang sunduin ako pero mas pipiliin kong magbyahe diba?

"Iniisip mo pa din ba yung nangyari kahapon?"

Tinignan ko siya. I knew he would bring up that topic. I breathed in and out before answering his question.

"Yup. Halos hindi ako makatulog. Pasensya ka na pala kahapon ah? Thank you na din at ikaw pa yung nasandalan ko. Hindi ko kasi magawang sabihin kay Hannah. Marami pa siyang problema."

Bumuntong hininga ako at tumingin sa bintana. It was all silence all throughout the ride.

Nang makarating na kami ay sinamahan ako ni Ben papasok at binuhat pa yung bag ko. Sinubukan ko pa ngang kunin  sakanya kaso itinaas niya kaya di ko na maabot. Tsk ang hirap maging pandak.

And She's Dying [On Going]Where stories live. Discover now