Lipat Section

36 3 0
                                    

Naiinis ako sa sarili ko dahil sa nangyari kagabi. Malamang na offend si Keno. Pero kailangan ko lang naman talagang umuwi kasi baka isumbong ako ni Erik kay papa na pumupunta ng bar.

"Saan ka nga galing kagabi??''

Katulad nalang ngayon, ang aga aga niyang manumbat na galing na naman ako sa bar.

"Jan nga lang sa tabi- tabi! Hindi naman ako pumunta ng bar!" Pagmamaktol ko.

Tulog na kasi siya nang makauwi ako.

"Yung totoo, Maria Kendra Villanovan!"

Pinaningkitan ko siya ng mata. Ang kulit niyang kausap! Paulit- ulit nalang naman kami.

"Maaga pa nga akong nagising sayo tapos sasabihin mong galing ako ng bar??''

Ilang beses niya pa ako kinumpronta pero sumuko din naman siya pagkatapos. Kasi... Aawayin ako pero siya din naman ang unang susuko.

" AAAHHH!!!"

Sabay kaming napatakbo ni Erik nang marinig namin si Hannah na sumigaw.

Pagpunta namin sa tapat ng kwarto ni Hannah ay bumukas na ito at niluwa si Hannah papunta kay Erik.

"Bakit??"

Pagpasok ko ay atras agad ako. Ghad!!
Bakit ang daming ipis dun??

"Erik, ipis!!" Sigaw ko habang umaatras. Yiiiee!!! Eeewww!

Wala naman masyadong nangyari nung linggo. Bilib nga ako kay Erik. Nagshift pa siya ng course para mabantayan si Hannah. Kaya magkagrade kami. Dapat 2nd year college na siya ngayon.

Secret lang ah! Pero bagay kasi si Hannah at Erik. Hihi...

Pagkadating ko sa room ay Naupo na agad ako dun sa pwesto ko. Kaso pinigilan ako ng prof. na maupo.

"Kendra Villanovan? Pinapalipat ka sa section 3.''

What??? "Po? Bakit po?"

"Kulang dun ng isa at sobra naman dito. At ikaw lang ang last na nag enroll."

Lumabas na ako at hinatid ng prof sa room ng section 3. Dapat section 2 ako. Pero... Hayyy...

Tumigil kami sa pinto nayun. Pumasok ako at dun na nakita ang mga kaklase ko. Nilibot ko ang paningin ko sakanila. Tumigil ang mata ko sa isa ko pang kaklase. Sa lahat ng may bakanteng upuan.... Sa tabi pa talaga ni Keno???

"Sit down miss Villanovan." Sabi ng prof at napa angat ng tingin si Keno na kanina ay sa phone ang focus. At tulad ko ay nagulat siyang makita ako.

Nakayuko akong lumapit sa bakanteng upuan sa tabi ni Keno.

At buong klase akong nakayuko...

HANNAH'S POINT OF VIEW

"Class, group yourselves into 5. No, I'll group you instead."

Grinupo na kami isa-isa at nung mabanggit ang pangalan ko ay inabangan ko na ang mga kasunod na pangalan na babanggitin.

"Hannah, Erik,Kevin, Cindy and Sophie."

Naglapitan naman yung dalawang babae na may malapad na ngiti. Hula ko, crush nila tong dalawa kong katabi.

"Hi, Erik! I'm Cindy."

"Hi, Kevin! And I'm Sophie."

Oha! Sila na ang gwapo! Sila na talaga! Extra nga lang ata ako sa grupo na ito eh!

And She's Dying [On Going]Where stories live. Discover now