Ulan

324 6 0
                                    


CYD

Hahaaay, umuulan na naman. Mula pagkabata, ayoko talaga pag umuulan. Di kasi ako nakakapaglaro sa labas.

Nandito ako sa tabi ng bintana, tinitingnan ang mga halaman at punong isinasayaw ng malakas na hangin.

Rain, rain go away. Come again another day. Little Thea wants to play...

Seryoso Dit? Kinakanta mo talaga yan? - biglang may nagsalita sa likod ko.

Ayy, ikaw pala Kimmy.

Bakit ayaw mo sa ulan?

Kasi diba, hassle pag may lakad ka. Tas pag masyadong malakas, di ka pwedeng lumabas.

Aah. Pero para saken, maganda ang ulan.

Huh? Bat naman?

Kasi yung ulan ang nagpapaalala saken na hindi palaging masarap ang buhay. Na minsan, kailangan mong maranasan ang pait at sakit para paglabas ng araw, mas maaappreciate mo. At saka diba, kailangan nating mga tao, halaman at hayop ang ulan para mabuhay? Parang buhay lang natin yan, kailangan nating maramdaman ang sakit para alam nating buhay pa tayo.

Gosh, words of wisdom from KAFtain. :'D

Mabuti na yun kaysa kumakanta ng Rain, rain go away. Tas little Thea daw?  Di ka na little oy, ang taba mo nga eh.

Hala, ang sama mo Kimmy. :( Sexy daw ako.

Malabo na ang mata ng nagsabi nun.

Ang sama mo talaga saken Kimmy. Sabi ko sabay pout

Wag ka nga magpout jan, di bagay.

Di mo na ako lab Kimmy.

Sinong may sabing lab kita? Ilusyon mo Dit, over na.

Grabe ka. Jan ka na nga, nagugutom ako.

Lalo kang tataba nyan. Hahaha

Cheeeee..


***Naglalakad ako ngayon pauwing dorm. Gusto ko kasing mapag isa. Char, wala talaga akong pamasahe. Naubos pera ko sa pagkain, nagutom ako eh. :'D hehehe

Hala, uulan yata. Ang dilim ng langit. huhu

Hoy Dit!

Ayy kabayo!

Hahahaha

Sige, tawa pa Kimmy. Para kang kabute, bigla nalang sumusulpot kung saan saan.

Ikaw parang baliw, nagsasalita mag-isa.

Urgh, bat ba lagi kang may pambara saken?

Ganyan talaga, I'm so genius eh! Hahaha

Mukha mo

Mukha ko gwapo.

Ang feeling mo.

Di ah. Totoo kaya yun. Nga pala, bat ka naglalakad?

Ah eh kasi ano, gusto kong mapag isa kaso dumating ka.

Hahahaha lokohin mo lelang mo Dit. Naubos pera mo noh?

Sshh, wag kang maingay. Baka may makarinig.

Makarinig na ano? Na ang takaw mo? Na sa pagkain lang nauubos ang pera mo? Hahaha

Inaaway mo na naman ako:( Ayy hala, umaambon na Kimmy. Sumilong muna tayo.

KimCy- One Shots CollectionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon