Sad Song

288 7 0
                                    

CYD


Didiiiit!!

Ateeee!

Kumusta ka na?

Ok lang po ate.

Tara, daan muna tayong coffee shop. Para makapagkape ka. Ang aga ng flight mo eh.

Sige te, tara.

Tinatanong nyo kung sinong kausap ko? Si ate Eshemee po. Sinalubong niya ako sa airport. Umuwi akong Cebu para makapagbakasyon. Magpapa- meet and greet din kasi ako bukas. Requested daw sabi ni ate. Pinagbigyan ko na. Ano ba naman yung konting oras with the fans di ba? Sila nga, lahat ng games namin pinapanood. Di man live pero ramdam na ramdam mo talaga yung suporta nila. Grabe sila kung mag-effort, A+ for effort talaga. Gusto nyo ng sample? Pinagtrend ba naman nila yung four days namin sa Japan? Nung nandun kami, hinahanap nila ako pag wala akong pinost. Tas may isang oras sa isang araw na sabay sabay silang nagtu-tweet ng same message para saken. Tas grabe din sila kung mag-alala lalo na nung nangyari sa event ng Close Up. Paggising ko, andaming tweets at dm na nagtatanong kung ok lang daw ba ako. Grabe talaga sila.

Oh, bat nakatulala ka jan Dit?

May iniisip lang ako ate.

Ano naman yun?

Kung gaano ako kaswerte sa mga fans ko. Mahal na mahal talaga nila ako.

Kaya nga nag-organize ako ng meet and greet para sa mga fans mo na di makakapunta sa meet and greet nyo sa Taft.

Wow naman, manager lang ang peg achii?

Excuse me ma'am, here are your orders. Sabi nung waiter

Thank you. Sagot naman ni ate

Kinuhanan ko ng picture ang kape at inupload sa twitter. Andami agad likes at comments. Pero isang comment lang talaga ang nakaagaw ng pansin ko.

Kim Fajardo
@theadidit ang daya, umuwi pala sya...

Napakunot noo ko sa nabasa ko. Ano kayang magandang reply? Hmmm..

Cydthealee Demecillo
@kimfajardo9 yan kasi, kung saan saan nagpupunta.

Ayy, parang iba ang dating. Erase erase erase..

Cydthealee Demecillo
@kimfajardo9 di ka naman nagtanong..

KimCy- One Shots CollectionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon