Jeepney Lovestory

239 7 0
                                    

Cyd

Waaaaah! Late na naman ako neto. Bat ko ba kasi binato alarm clock ko kahapon? Ang late ko na tuloy nagising kanina, antagal ko pa namang natulog kasi busy ako kakagawa ng visual aid para sa report ko mamaya. Buti na lang at isang ride lang from my condo to the school na pinapasukan ko. Pero pakshet pa rin, 30 minutes na lang at magsisimula na class ko. Punuan mga jeep ngayon for sure, rush hour kasi tas ang dami ko pang bitbit. Hahaaay... Ang hirap ng life, parang buhay.😥


Pagdating ko sa sakayan, sakto namang pagdating ng jeep na medyo puno na. Oks lang kahit sabit lang ako, wag lang ma-late. Baka magbeast mode si Ms. Maraño eh, mahirap na.

Miss, dito ka na. Sabi ni kuyang nakaupo sa may bandang gilid. Teka? Lalaki ba talaga yun? Parang babae eh. Pero infairness, ang gentleman nya, inoffer nya yung upuan nya saken. At dahil nga bangag ako, nakalimutan kong magpasalamat sa kanya. Yaan na nga lang.


The next day.

I'm on my way na sa sakayan ng jeep. Buti na lang at maaga akong nagising. Di na ako masyadong nagmamadali ngayon.

Naks naman, swerte ko ata ngayon. Di masyadong puno yung jeep kaya nakapwesto ako sa favorite spot ko, yung sa may bandang pintuan. Nagulat nga ako kasi pagharap ko, si kuyang gentleman pala yung nakaupo dun. Gusto ko sanang magthank you sa kanya kaso natutulog sya. Nakakahiya naman kung gigisingin ko di ba? Tsaka malay ko ba kung natatandaan nya ko?
At dahil tulog nga sya, I'm free to stare at her. Yep, her. It's because babae sya. Babae pala sya, di lang masyadong halata kasi nakajacket sya ng may hood tsaka backpack gamit nya. Ang astig nyang tingnan. Nacurious tuloy ako kung straight ba sya o hindi.

Every morning kaming nagkakasabay sa jeep. At dun pa rin sya umuupo sa usual spot nya, which is sa harap ko. I mean, harap ng favorite spot ko. Natutulog sya, as always.

Since then, lagi ko na syang napapansin. Or more likely, hinanahanap ko talaga sya. It's like, my day won't be complete without seeing her inside the jeep. Tsaka sabi nga ni Mowky, yung bestfriend ko, na may time management na daw ako. Di na daw ako nalelate tsaka para daw akong may school bus kasi dumadating ako sa school almost the same time everyday.


But this time, it's different. She's not on her usual spot, me either. Instead, nasa gitna kaming dalawa. Magkatabi. I don't understand what I'm feeling, kinakabahan ako na kinikilig na ewan. It feels like butterflies are flying inside my stomach. Am I attracted with her? OMG, it can't be! We're strangers to each other.

Bayad po. Sabi nung ale sabay abot ng bayad nya saken. At dahil mabait ako, kinuha ko yun at inabot sa driver. At dahil din magkatabi kami ni ateng gentleman, naamoy ko yung pabango nya. Hmm, bango bango. Hihihi

Nagsipag abutan na sila ng bayad kaya di rin ako papahuli. Mama, bayad po. Isang magandang estudyante na nag aaral ng mabuti. Sabi ko sabay abot ng bayad.

Really? Sabi ni ateng gentleman saken, sabay smirk. Urgggh, kainis! Nagroll eyes na lang ako, wala akong time para makipagtalo. Masyadong maganda ang gising ko tsaka malapit na rin naman ako bumaba.


Two months na rin na ganito ang set up namin. Yung araw araw nagkakasabay sa jeep, nagngingitian, at minsan nagkakatitigan. Sa loob rin ng two months na yun, di ko pa din alam name nya. Pano ba naman, di pa kami nagkakaroon ng chance na magkausap ng matino.

Hi! Nagulat naman ako kasi biglang nagsalita yung katabi ko. Pagtingin ko, si ateng gentleman pala. Bat dito 'to nakaupo? Pagtingin ko sa harap, ahh. May babae na palang nakaupo dun.

KimCy- One Shots CollectionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon