About Tatah... & Beast

84 4 1
                                    

***

Intro na ba? Ay tapos na pala. Sa know-the-bidas part na pala. Well, ako nga pala si Agatha Alejandre. Tatah for short. Chaka pag Aga or Gatha eh. Ew. I'm what, 16 years old? Parang di sure no? High school ako sa Aguida Institute. Isang semi-private school. Senior na pala ako ng di ko man lang napuna ang paglipas ng panahon...

Narito ako sa school canteen ngayon at nagpapahangin. Nagkapagtataka ba? Dalawa ang canteen ng AI. Ang isa sa first floor ng building at ang pangalawa ay nasa rooftop. Sosyal no? Sight seeing baga. Kahit bukid ang nakikita ko mula dito hanggang sa baba eh nagagandahan ako. Ang mga palay ay kulay berde na sa tuwing pinapasayaw ng hangin ay nagiging yellow green. Tila alon sa dagat ang galaw ng mga palay. Ang ganda...

"Tatah, andito ka lang pala."

Paglingon ko ang bestfriend kong si Icen ang nakita kung parating. "Wala namang klase kay Miss Gail eh. Dito muna ako." Ibinalik ko sa baba ang mga tingin ko.

Naupo si Icen sa harapan ko. "Bat gustung-gusto mo dito?"

"Quiet."

"Nagmumukha kang loner, Tatah. You don't like noisy places. You prefer quiet places than others."

"Parang di mo ako kilala, Icen. I want peaceful places to meditate. Naiirita ako pag magulo at maingay ang paligid."

"Pag ako ang kausap mo, Tatah, nakikita ko ang malungkot mong mga mata. Hinahayaan mo akong makita yun. Pag ibang tao naman you are annoyingly brat. Tatlo ang personality mo, Tatah, kaya di ka madaling basahin."

Napatingin ako sa kanya. "What are those?"

"Suplada, peppy, and that, loner. Abnormal ka alam mo yun? Ngayon loner ka tas mamaya peppy any moment."

Umikot ang eyeballs ko. "Look who is talking. As if you haven't had split personality." Gaya ko may split personality din si Icen. Icen used to be tough but sometimes she's so vulnerable and as cold as a snow.

"See. Now suplada ka."

"Urghh. Stop screaming it in my face." Natawa sya. "Haha," I said sarcastically.

"Somehow I understand you, Tatah."

I smile at her, thinking she's right. "Coz we're likewise, Ice."

"I bet we are."

Tang! Tang! Tang!

Tunog ng kampana ng school na nagsasabing it's class hour again. 

"We need to go. I'm sure meron si Mrs. Arci," sabi ni Icen na nakatayo na. I followed her and we walk in the same speed.

"GOOD EVE, senorita." Sinalubong ako ng personal maid kong si Aileen pagpasok ko pa lang ng front door.

Hindi ko sinuklian ang bati nya bagkus nagtuluy-tuloy ako sa hagdanan at umakyat. Nakakalimang hakbang pa lamang ako nang mapahinto ako sa sumunod nyang sinabi. "What did you say??"

"Ang papa nyo po, senorita, ay wala."

I know he is. "What country?" di ako lumingon sa kausap ko. Diretso lang ang tingin ko.

"Russia daw ho."

Nagulat ako sa narinig. Russia? Heck! Uminit bigla ang tenga ko sa nalaman. "Hell!" D-in-ail ko agad ang number ng hukluban kong ama.

"Yes, my treasure?" malambing na sabi ng kabilang linya.

"Treasure your effin' face. Where the hell are you??"

"Here at Russia, sweetiepie." Kanina 'my treasure' tas ngayon 'sweetiepie'? Grah.

"Balak mo bang mag-suicide, tanda? May gyera sa Russia ngayon at ngayon mo pa naisipang dyan pumunta? Baliw."

The Beast & The BratTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon