Ahmm... some problem happened while I'm editing this part. To those who has read this you can read again to know what this chapter contains. Sorry for the mistakes. :)
****************************************************************************************
"Aileen—n!" sigaw ko nang masilayan ko ang walk-in closet ko.
"S-Senorita?" takot lumapit sakin si Aileen. Ang sama ng tingin ko sa kanya.
"Where are my clothes?!" I tried not to shout but the intense is there.
Lalo syang natakot sakin dahil talaga namang nanlilisik ang mga mata ko. At pag nanlilisik na ang mata ko nagiging brutal ako... not physically but verbally. Prangka sa madaling sabi. "S-Senorita, pinaimpake ho ni Sir Agaton k-kahapon habang nasa school mo ikaw at ipinahatid sa ibang bahay."
"Kaninong bahay??" nagtangis ang bagang ko sa nangyayari. Ang huklubang amoy lupang ama ko pinakialaman ang gamit ko! Anak ng tikbalang na hubad.
Umatras ng konti ang yaya ko. "Y-Yan ho ang di ko alam. Si Mr. Joe ho ang nag-asikaso ng lahat. Senorita!" nagpapanic syang bumuntot sakin.
Sing bilis ng kidlat ang kilos ko papuntang sala at ipinatawag si Joe. Kampante lang si Joe ng makaharap ko.
"Wag mong hintaying sigawan kita, Joe. Magsalita ka," utos ko sa beinte-sais na lalaking syang butler ng mansion. Yeah, si Joe ang pinakamatandang empleyado dito sa bahay. The rest ay mas bata-bata. Aileen is just eighteen. Yung tatlo pa ay 20-24. All aroundang tatlong yan.
"Senorita, sa tahanan ng Davidsons pinadala ni Sir Agaton ang mga damit mo. Ibinilin din nyang habang wala pa daw sya dun ka muna sa tahanan ni Marco Davidson mamalagi."
"This is the place where I live! What stupidity does old man doing?!" Tinawagan ko si tatang kahit nasa LA na sya. Overseas call? Tsh, di naman ako ang magbabayad. Yaan mong yung matandang yun ang gumasta.
Nakatatlong ring pa bago nya ako sinagot. "Hello, baby! How are you?"
"What are you thinking that you've sent half of my wardrobe at the—what is that? Davidson residence?!" umuusok na ang ulo ko sa galit. "Ni di ko kilala ang mga Davidson, tatang! Ano ba kasing pakulo to! Dun pa ako titira? Hanggang kelan naman ako dun!"
"Hanggang sa makauwi ako, baby. Naninigurado lang ako sa kaligtasan mo. Nag-iisa ka na lang sa buhay ko at ayokong mawala ka."
Ang korni nya ah. But I'm great to know it. "Ang keso mo. Oo na. Dun na ako. Kung bakit ba kasi di na sya ang pumunta dito eh," reklamo ko over the phone.
"Relax, baby. They're good. Ingat ka sa daan papunta dun ha? Si Joe na maghahatid sayo dun. Tawagan mo ako ASAP when you get there."
"You say so." Then yun nga. Ilang sandali pa ay nakasakay na ko sa kotse at nasa byahe. Si Joe ang driver ko.
I wonder what kind of family the Davidsons are for my father to entrust me to them. "Joe."
Tinignan nya ako mula sa rearview mirror. "Yes, senorita?"
"Do you know the Davidsons?"
"Oho, senorita." He paused. "Ang alam ko matalalik na magkaibigan sina Sir Agaton at Sir Marco. Childhood bestfriend sila. Sobra ho ang tiwala nila at loyalty sa isa't isa. Walang nakatibag ng friendship nila sa pagdaan ng panahon."
Napasulyap ako sa dako nya, pagkuwan, tumingin muli ako sa labas ng bintana. "You knew he has a bestfriend yet I don't," mahina ang boses ko.
"Mabait din ho si Sir Marco gaya ng papa nyo."