This is unedited. :) Bear with it.
*****
Christmas day!
One of the holidays I hate. Di naman sa anti-religious ako kundi lang maganda ang araw na ito para sakin. The truth is I'm visiting the church on Sundays. Not often but maybe twice a month. Ngayon nga natapat sa Sabado ang christmas eve at binabalak kong mag-mass mamayang ten ng gabi to join the celebration of Jesus' birth. Kahit ito lang ang magawa kong kontribusyon sa kaarawan nya. Di naman kasi ako nagsasaya tuwing may holidays. Yung mga kasambahay sa bahay ang nagluluto at gumagawa ng gimiks every X-mas at New Year.
"Senorita."
Napalingon ako kay Joe mula sa pagkakaupo sa ilalim ng puno at nagbabasa ng B&B. Inalis ko ang reading glass ko. "Bakit, Joe?"
"May tawag ka mula kay Sir Agaton."
Nakakunot-noong inabot ko ang wireless phone. Lumayas si Joe. "Bakit?"
"Hello, sweetie!"
-_- "Stop giving me endearments, tatang." Inilapag ko sa gilid ang libro at sumandal sa puno. Ang lamig ng hangin simbolo ng kapaskuhan.
"Pagbigyan mo na ako, babe. Yun na nga lang ang kaligayahan ko. Saka dun ako bumabawi."
"It gives me the odds, tatang." Nag-inat ako at inipit ang free hand ko sa pagitan ng likod ng ulo ko at sinasandalang puno, saka tumingala sa mga ulap.
"Babe, Merry Christmas!"
Natameme ako sa greeting nya. I want to say the same but... I can't. I want his presence not his greeting. "Kelan uwi mo?" I said instead.
"Next week."
Sa January pa kung ganun. "Okay."
"May surprisa ako pagbalik ko!" tila batang atat buksan ang regalong natanggap na sabi nya.
Tumikwas ang kilay ko. "Surprisa? Baka kung anong kababalaghan yan."
"Hindi ah. Basta malalaman mo. Wait... ipapadala ko na lang ang regalo mo bukas okay?"
"I don't need your gifts." Yan ang gusto kong sabihin pero iba ang nanulas sa bibig ko. "Sige."
At kung anu-ano pang kaechosan ang pinagsasasabi nya nakunwariy pinapakinggan ko. Sa Enero pa sya babalik? Ibig sabihin itong paskong to ay magagaya din sa dumaang mga pasko sa buhay ko na sa tuwina ay inaasam kong uuwi sya at yayakapin ako't sasabihing 'Merry Christmas, Agatha.' Marahil ang araw na yun ay di na mangyayari pa. Hanggang asa lang ako. Natapos ang usapan naming wala akong naintindihan sa mga sinabi nya. Paki ko? Di naman importante ang mga yun.
Gusto kong sumigaw pero di ko magawa. Ayoko. Ayokong magmukhang mahina. Sa oras kasi na ipinakita ko ang kahinaan ko sa isang tao magiging tuluy-tuloy na nyang makikita yun gaya ni Icen. Si Icen lang ang nakakaalam ng mga sekretong hatid ng bawat aksyon ko. Alam nya kung kelan ako nalulungkot kahit nakangiti ako ng ubod tamis. Sya lang din ang nakakakita ng sakit ng puso ko. Lahat ng yan ay dahil nakita nya ako noon na umiiyak sa puntod ni mama. Simula noon tumibay lalo ang friendship namin.
"Christmas..." bulong ko sa hangin. I sigh and rise from the ground. Nalulungkot ako. Gusto ko ng makakausap at sa iisang lugar lang ako pupunta.
"Senorita, aalis ka?" sabi ni Joe nang padaan ako sa sala papuntang front door.
"Hindi. Uuwi pa lang ako."
Napakamot sya ng leeg. "Ingat ka, senorita."
"Gagabihin ako," yun lang at umalis ako.
CYD's
Nakita ko si Tatah paalis ng bahay. Tatanungin ko sana kung san sya pupunta kaso di ko sya naabutan. Nakaalis na yung tricycle.
![](https://img.wattpad.com/cover/8872100-288-k283530.jpg)