BoyfriendS

57 3 0
                                    

****

Magkakilala sila? "Kuya, kilala mo ang ungas na to?" Yung mata ko nagsisimula ng manlisik.

"Ah, eh... oo?" di malaman ang tamang isasagot na sabi nito.

"You won't go anywhere. Go home." At nagpatuloy sya sa pagdaan sa harap namin. Nilagpasan nya ako na parang isa sa mga pader.

Grrr! Sarap batuhin. "Pupunta ako kung san ko man gusto! At wala kang magagawa para hadlangan ako! Makikipagdate ako kanino ko man gusto." Inis na inis na ako. Di nakaimik si Kuya Migz at ayaw ring sumabat ni Icen. Nakakaagaw na din kami ng atensyon dahil tumaas na ang boses ko.

Wala syang reaksyon tungkol sa sinabi ko na talaga namang ikinabwiset ko. "Di makipagdate ka."

Talaga! "Tara, Icen. Makikipagdate tayo."

"Kanino?"

"Sa boyfriends ko."

"Wow, taray! Teka kelan ka nagkaboyfriend?"

"Last year pa."

"What? Oh, my gosh. Dalaga na talaga si Agatha ah," nakuha ng sumingit ni kuya.

"Naman!" I flipped my hair and winked.

"Boyfriends? Plural?"

"Bakit, Icen, wala kang bilib sakin?"

"Ilan ba sila?"

"Apat. Let's go. Makikipagdate tayo sa kanila."

"Wow I like that!" naexcite naman sya.

Tignan ko lang kung makaangal kang guardian ka. Ang sama ng tingin nya sakin eh. Umirap ako at hinatak na si Icen.

"Icen, wag sobrahan ang landi ha!" pahabol ng kuya nito.

"Bleh," pang-aasar ni Icen. Nang wala na sa paningin namin ang mga ito ay saka sya nag-usisa. "Tatah, exaggeration naman na apat ang sinabi mong boyfriend mo no. Di yun maniniwala." Alam nyang wala talaga akong boyfriend.

"May boyfriends nga ako at apat sila."

Nanlaki ang mata nya. "So true na may boyfriends ka na?"

"Yup. May boyfriends ako matagal na."

Tumigil sya at titig na titig sakin. Seryoso ang anyo nya. "Bat ngayon mo lang to sinabi sakin?"

Uh-oh... "Galit?"

"Malapit na."

-_- "Sampalin kita dyan eh. Naku, mawawala yan pag nakilala mo sila. Mamaya mo na ako pagalitan pag nakita mo sila. Baka magtatatalon ka pa sa sobrang saya. Pasalamatan mo pa ako."

"Ows?" duda sya.

"Hahaha! Oo."

And like what I have said to her, mawawala ang galit nya. Napalitan yun ng kilig at tuwa.

"Walangya ka, Tatah! Totoo ngang apat sila at sila ang Boyfriend! Bakit di mo sinabing kilala mo ang isa sa sikat na banda ngayon? Oh my gash!" ginawa nyang pampaypay sa mukha nya ang mga kamay.

"Hahaha! She's cute like you, Agatha," Cody commented, the charming drummer.

"Waaah!" halos tumili si Icen. Napapailing na lang ako.

"What's your name, cute?" kinuha ni Zian ang kamay ni Icen at hinagkan ang likod nyon. Ito ang bassist.

Namula ang matalik kong kaibigan. Parang kamatis na sya. "A-Ah... I-Icen."

"Anong masasabi mo sa kanya?" inakbayan ni Cody ang vocalist na si Ash.

"None."

Kahit kelan walang sinasabi si kundi 'none' pag hinihingan ito ng opinyon.

The Beast & The BratTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon