Birthday gift ko sa aking nag-iisang anak~k XD
***
Malaking tipid sa oras na nakaempake pa ang mga damit ko. Swerte. Tinamad kasi ako kahapon magsalansan nyan sa kabinet. So walang problema sa pag-iimpake.
Kinabukasan, alas-kwatro ng madaling araw I'm prepared to go home. Binibit ko ang maleta ko at naghintay ako kay Joe sa labas ng sudivision dahil baka mapurnada pa pag-alis ko pag nakita ako ni beast.
Dumating si Joe mag-a-alas-singko na. Nagtataka nga yung guard sa gate kung bakit nasa labas ako at bihis na bihis. Di ko sya pinansin. Wala ako sa kundisyon upang makipag-argumento kahit kanino. Kahit sa pusa.
"Senorita." Binuksan nya ang pinto ng kotse.
Hindi muna ako pumasok at huminto sa tapat nya. "Joe, do I have to threat you always just to obey me?" Tinawagan ko sya kagabi bago ako makatulog para magpasundo. Aba'y tinaggihan ba ako! Kesyo magagalit si tatang pag umalis ako sa tahanan ng Davidson family. Sinabi ko sa kanya na magta-taxi ako kung ayaw nya. Bahala sya pag may nangyari saking masama sa daan. Ayon um-oo agad dahil madilim pa daw sa ganitong oras kaya sya na susundo. Tsk, daming pucho susunduin din pala ako.
Nagkamot sya ng batok at nagbigay ng alanganing ngiti. "Senorita, sorry ho--"
"Stop," sawata ko sa idudugtong nya. "It's done. Umalis na tayo." Pumasok ako matapos sabihin yun.
Tinignan ko pa minsan ang subdivision na tinirhan ko sa loob ng dalawang araw lang. Promise. I won't step in this place anymore. I hate this place. Particularly Cyd Davidson.
Hindi ako nanatili sa bahay. Paglapag ng mga gamit ko sa kwarto ko lumayas din ako agad. San ako nagtungo? Sa babaeng pinakamamahal ko. Di ko pinasama si Joe at nagtaxi ako. I drop by at a flower shop to buy a dozen of white roses for her.
When I got her place I offered the roses on her grave. "Good morning, ma. Pasensya kung ngayon uli lang ako nakadalaw sayo. Nag-exam kasi ako."
Umihip ang malamig na hangin sa mukha ko, inililipad ang ilang hibla ng buhok ko.
"Yup. Nalulungkot na naman ho ako. Naalala ko kayo eh." I pause. "Marami ding nangyari nitong nakaraang mga araw na talaga namang nagpapalungkot sakin. Ma, mahirap ba akong alagaan? Si papa laging wala." Yeah, I was used to call that old man 'papa' when mama was alive. When she's died my heart goes away from my father. Pagkamatay kasi ni mama laging nagtatrabaho si tatang hanggang sa maramdaman kong mag-isa pala akong namumuhay sa bahay. Bihira ko sya makita at makasama sa bahay. Minsan sa isang taon isang beses lang kami magkita. Wala sya ng Pasko at Bagong Taon. Di sya dumadalaw sa puntod ni mama tuwing November one man lang pero wala. Nagising ako isang gabi na malayo na ang loob ko sa sarili kong ama.
Kaya sa tuwing wala sya ng bahay di ako naghahanap ng presensya ng isang ama dahil nakasanayan kong wala sya. Lumaki akong walang amang gumagabay sakin at puro mga yaya ang kausap ko.
I consider myself have grown up without parents. Mama died when I'm still an eight years old.
"Nagbago pala ako..." I whispered as I recall the past. "I notice it only now. Walang nakakatagal sa ugali ko bukod sa mga kasama ko sa bahay at si Icen." Sumalampak akong tuluyan sa luntiang bermuda grass. "At ikaw, ma. Miss na kita. Kung pwede lang kitang sundan dyan ginawa ko na," my tears flow on my cheeks unconciously. Sa harap nya lang ako umiiyak. Sa lugar lang na to ako umiiyak. Pagtayo ko dito balik ulit ako sa brat at bipolar na babae. Babaeng mahirap pakisamahan, kaibiganin, kausapin, at mahalin para sa mga taong di lubos nakakaunawa't nakakakilala sakin. Ganun ang buhay na ang tanging magagawa'y magpatangay sa alon.
"Ma, di ko kelangan ng pagmamahal ng ibang tao kung ang kapalit nyon ay magbago ako. Eto ako eh. Pasaway at sobrang tigas ng ulo. Pasakit na nga dala ko sa iba subalit kung magbabago ako para lang magustuhan nila ako, ayoko. Sa kanila na ang pagmamahal na yun. Ibigay nila sa iba wag sakin. Sabi mo noon true love means accept the flaws, disorders, clumsiness and stupidity of your beloved."