Ch 06 Camping

2.1K 43 5
                                    

yan po muna hahaha>>>>

Game.....

KEIRM'S POV

Excited nako para, makakasama ko lang naman ang aking Munchy this weekend. Ngayon palang ay naghahanda nako ng mga dadalhin na mga damit, sabi kasi niya dapat may extra akong damit. Surprise daw kasi ang pagdadalhan niya akin. San naman kaya yung lugar na yon na parang napakaespesyal sa kanya. MHHH!! Wag ko na nga lang isipin yun, makikita ko rin naman  bukas.

Buti nalang pinayagan ako nila parents ko na di matulog bukas. Well hindi totoo ung sinabi ko kay Munchy na walang problema kina mama kung di man ako matulog dito sa bahay. ang sabi ko nga sa kanila may gagawin kaming project para sa subject namin, kaya ayun walang reklamo.

Kabilin bilinan ng aking father na bawal ang lovelife muna habang nagaaral kaya di ko masabi sa kanila na may boyfie na ako. Akala mo naman babe ang anak nila na kaylangan di pede maligawan. Sana lang di ako ipahamak ni Kristof sa kanila, dahil tiyak di ko na siya ituturing na best friend pag ginawa na yon.

Kailangan ko rin palang balaan muna siya, baka madulas pa bigla ang dila niya at mabanggit sa aking parents. Pero saka na yon, sa ngayon kailangan focus muna ako kay munchy ko. 

Dahil na rin siguro sa sobrang excitement kahit midnight na ko nakatulog kagabi ay maaga pa rin akong nagising dahil ang usapan namin ni Klaive ay dapat 7:00 sharp ay nasa harap nako ng school dahil doon niya ako susunduin.

6:30 palang ay nandito nako sa harap ng school at hinihintay ko nalang ang dating ng aking bhebe Munchy, tinext ko nalang siya kanina dahil baka matagalan ako sa pghihintay dito. Sabi naman niya hintayin ko nalng siya dahil may sasaglitin lang muna.

Ilang minuto pa ang nakaraan at medyo bagot narin ako sa pagaantay, asan na ba kasi siya, sakit na kasi ng paa ko sa pagtayo dito na parang tanga na naghihintay.

"Huy!"

"Ay! Putang matang dilat" bigla kong sigaw na kinalingon pa ng ibang dumaraan.

"Nu beh naman Bhe? Ba't ka nanggugulat, pareho lang kayo ng best ko ang hilig ako pagtripan. At saka bat ang tagal mo ha?" nakasimangot kong saad sa kanya.

"HAhahaha! wag ka nang mainis dyan, kaya ako natagalan kasi nanghiram ako ng sasakyan sa kaibigan ko." natatwang saad niya. Syemay lang ang Hot niya lang sa simpleng shirt at kupasing maong na suot niya.

"Ganon ba? so asan na ung sasakyan natin?"

"Ayun oh! Doon ko ipinarada. Lika ka na at nang makaalis na tayo, mahaba haba pa kasi ang byahe natin." saad niya at tinungo na ang pinagparadahan ng kanyang sasakayan.

Isang owner type jeep ang magiging transpo namin, buti nalang mukhang maayos ang sasakyan dahil kita kung pano alagaan ng may-ari nito. 

"Munchy lagay mo nalang dyansa likod yung mga gamit mo, at sumakay ka na para makaalis na tayo." untag niya sakin na siyang sinunod ko.

"San ba talga tayo pupunta Bhe at may nakita pa akong mga kahoy sa likod ng sasakyan." Curios talga ako kung san kami pupunta, kasi sabi niya medyo malayo daw.

Maligno Sa Chapel (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon