Keirm on side>>....
Basa na.. kayo na bahala..
Game>>>
-------------------
KEIRM'S POV
Akala ko maraming di magiging contrabida sa buhay namin ni Munchy, mali pala ako, kasi naman halos lahat pala ng babae sa school mga fangirl, pero hindi naman maiiwasan na meron ding nagtataas ng kilay sakin. Hindi ko nalang pinapansin, inggit lang sila. Kasi naman kung hindi ang boyfie ko ang nakatabi sakin, nandyan naman yung hot ko ring bessy na kinatataas ng klay ng mga babae.
Buti nga wala pang nanabunot sakin na bigla na lang susulpot sa harapan ko. Baka di ko kasi kayanin ang makipagaway, hindi naman sa gusto kong may manabunot sakin noh. ayoko lang ng gulo, at baka malaman agad ni Dad na may hot boyfie nako. Mahirap na. Paghiwalayin pa kami. Yes hanggang nagyon wala pa rin akong courage na sabihin sa parents ko.
Sabihin nang mahina ako, tiyak kasi na pag nalaman ni Dad baka di ko kayanin ang gagawin niya. Mabait man ang Dad ko sakin, pero hindi ko alam sa ibang tao. Napakareserve niya kasi pagdating sa emosyon niya. Tsk..
'oh Munch ba't parang biglang lumungkot ang aura moh?" untag sakin ni Klaive na nagpagising sa aking pagiisip.
"Ha!! uhmm. Naisip ko lang kasi na hindi pa kita naipapakilala sa parents ko. Natatakot kasi ako Munch, di ba alam mo naman na ayaw akong makipagboyfriend ni Daddy." sagot ko sa kanya sabay hilig ng aking ulo sa balikat niya.
Nandito kami ngayon sa may garden ng school ground namin at nakasandal sa puno ng acacia. Kung sana ganito lang ang buhay, tahimik at katabi ang mahal mo.
"Di ba sabi ko naman sayo na kahit di mo muna aako maipapakilala sa parents mo ok lang. Alam ko naman kasing wala pa akong maipagmamalaki sa kanila dahil pareho pa tayong nagaaral at working student pa ako." aniya sa pagitan sa paghalik sa aking ulo.
"Wow parang drama ng usapan ng nilalanggam sa kasweetan ha?" tsk nandito na nanaman si asungot, since nung naging boyfriend ko na si Klaive laging sumuslpot nalang na parang kabute si Kristof.
"Agaw eksena ka talga tol. Tignan mo ngang medyo nagdradrama na tong si Munchy eh!" saad ni Klaive. Kung iniisip niyo kung bakit parang dikit na yang dalawa ay hindi ko alam, basta isang araw nalang naging magkavibes na sila sa kalokohan.
"Nandito ka uli para mambwisit siguro samin no? Asan na ba alagi yung mga buntot moh?" tanong ko sa kanya sa mga babaeng laging nakabuntot dito.
"tsk!! Kaya nandito ako, kasi tinatakasan ko sila, hindi na kasi sila lalapit pag nakitang kayo ang kasama ko." nangiting saad pa ng mokong.
"Aba ganon ginawa mo pa kaming panangga sa mga babae mo." nakasimangot kong saad sa kanya.
"Kaw naman best parang wala tayong pinagsamahan niyan eh." pacute pa nitong saad, paglingon ko naman kay Klaive ay natutuwa pa ito sa nakikita samin. nilapirot ko nga ang ilong.
"Aray bat mo naman ginawa yon?"
"Kaw kasi eh, parang nageenjoy ka pa sa banagayan namin ng mokong na toh."
![](https://img.wattpad.com/cover/8579988-288-k410685.jpg)
BINABASA MO ANG
Maligno Sa Chapel (boyxboy)
De Todo|BoyxBoy|Yaoi|Bromance|m2m| Anu ang gagawin ni Keirm kung sa pagpunta nya sa chapel ay makita niya ang maligno na laging nagpapakita. Ngunit anong gagawin niya kung ang maligno ay natataglay ng kagwapuhan. Matatakot ba siya? o Magpapaalipin nalang p...