Ch 13 Meet ups

1.5K 25 7
                                    

Sa mga nagantay ng matagal pasensiya na 5 days kasi akong di nakaonline at saka once a week ko lang nauupdae itong MSC, dahil priority ko muna yung YTOIL ko kaya sana masiyahan din kayo sa chap na to salamat. mwahh.

Pls wag kalimutan ang magcomment at magvote na rin.. hehehe

GAME>>>>>

------------------

KEIRM'S POV

Nagising ako nang maaga para makapaghanda sa pagbyahe namin ngayon patungo sa Ilocos, hindi rin naman ako nakatulog ng maayos dahil sa excitement. Ngayon lang naman kasi ako mahihiwalay sa magulang ko ng medyo matagal. Kaya naman sobrang thankful ako sa bessy ko na nagyaya siya ngayon sa townhouse nila.

Alam kong maraming pwedeng pasyalan sa Ilocos at naiisip ko palang ang pede na naming puntahan kasama ang munchy, ay napapangiti nako ng parang timang. Napagsabihan panga ako ni mommy na nababaliw na dahil sa hapag ay ngumingiti ako na pinagtaka nila.

Didoble check ko ang mga gamit na dinala ko para ready to go nalang. Saglit pa ang pinagantay ko at nadinig ko na ang busina sa tapat ng bahay. Alam ko nang sila Bessy at Munchy yon, dahil tumawag kagabi sakin si Munchy na maaga ang byahe namin. Bumaba nako at hindi nagabalang magpaalam sa magulang ko dahil nakapagpaalam nako kagabi sa kanila.

''Ano best yan lang ba ang dala mo?'' Bungad ni Kristof, nakita ko namang pababa palang ng sasakyan si munchy para tulungan ako sa dalahin ko.

''Good morning munchy.'' Bati ko dito ng makalapit.

''Good morning. Tara na para maaga tayo makarating sa pupuntahan natin at mahirap na tanghaliin sa daan.'' Yaya niya at sumunod na rin ako dito.

''Oh munchy ba't ka dyan sa harap. Ano wala akong kasama dito sa loob?'' Tanong ko nakapasok na kasi ako sa backseat tapos si munchy naman sa front seat naman sumakay.

''Syempre naman best, gaeinniyo ba akong driver niyo. Ayos ah.'' Sabat ni Kristof

''Eh diba yun naman talaga ang labas mo best?" Sagot ko kaya naman napsimangot ang mokong, samantalang ang munvhy ko ayun tumawa lang.

''Dyan ka lang munchy, tama naman si Kristof na pangit namang magmukha siyang driver natin, baka magtampo pa mamaya yan.'' Ani ni Klaive kaya wla nakom magawa kung ang hindi sumangayon nagsalita na mahal ko eh.

''Ayaw pa ata pumayag tol oh, tignan mo yang mukha di na maipinta.'' Ani ni Kristof, mas lao tuloy ako napasimangot dahil sa sinabi nito. Sapukin ko toh eh.

''Hayz bahala nga kayong dalawa diyan. Matulog nalang ako dito at hindi ako nakatulog ng maayos kagabi, gisingin niyo nalang ako kung kakain kayonor kung nandun na tayo.'' Sabi ko sa kanila at inayis ko na ang sarili ko nang pinaandar na ni Kristof ang sasakyan.

Hindi ko alam kung ilang oras ako nakatulog dahil nagising nalang ako sa mga haplos sa aking mukha. Pagmukat ko ay nabungaran ko ang mukha ni Klaive na nakangiti.

''Bangon ka na muna Munchy meryenda muna tayo at magpahinga na rin, pagod na kasi si Kristof sa pagdrive ayaw naman niyang makipagpalit sakin sa pagdrive. Paliwanag nito.

''Asan na ba tayo, at umaga na pala.''tanong ko nang makabangon.

''Sabi ni Kristof nandito palang tayo sa may Claveria, baba ka na at kain na tayo ng umagahan nauna na yung isa sa gutom oh.'' Natatawang sabi ni Klaive at pagbaba ko nga ay linalamutak na ng bessy ko ang pagkain at parang wala nang bukas ang pagkain nito.

''Best hinay hinay lang naman sa paglamutak mo sa pagkain, mabilaukan ka niyan sa ginagawa mo.'' Natatawa kong pagsuway dito.

''Samahan niyo nalang ako at ang ganda pa naman ng view dito oh sarap ng hangin ng dagat.'' Sagit niya. Tama naman ang sinabi nito dahil ang presko ng hangin na nagmumula sa dagat. Sumabay na rin kami sa pagkain nito at baka maubusan pa akmi ni munchy, habang kumakain kami ay nakaharap kami sa may dagat at pinapanood ang mga alaon na tila naguunahan sa pagabot sa pangpang.

Maligno Sa Chapel (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon