2: The life of Azia Farose

47 1 2
                                    

-AZIA-

It's been six years since my 11th birthday but I haven't received a letter from Hogwarts yet. *sigh* Hanggang kelan ako maghihintay????? Humalumbaba ako. Binabasa ko nanaman ngayon ang Harry Potter and the Philosopher's Stone.

"Your turning 18 tomorrow and you still believe in such things?" said my bestfriend Aya.

O_O Nanlalaki ang mga mata kong tinanong siya. "Mind reader ka?!"

"Shhhh" idinikit pa niya yung daliri niya sa lips ko. Naalala ko nasa library pala kami.

"No Azia. Hindi ako mind reader. You just said your thoughts aloud." paliwanag niya tsaka niya tinanggal yung daliri niya sa harap ko at inayos yung makapal niyang eyeglasses.

"CR lang ako ha." binaba niya yung librong binabasa niya tsaka siya tumayo. "Samahan kita?" tanong ko. You know naman ang mga girls kailangan pang magpasama pag mag-c-cr.

"Hindi na. Magbasa kana lang dyan. Bakit hindi yang mga lessons natin ang basahin mo? Ikaw talaga puro ka magic. Di totoo yan." sabi niya tsaka siya umalis. Napatitig na lang ako sa likod niya habang papalayo siya tsaka ko sinagot mga tanong niya. "OK. Sige. Ayaw ko nga. Eh sa mahilig ako sa magic eh. Totoo! " sagot ko sa mga sinabi at tanong niya kanina. Haha Pero di niya na narinig yun dahil nakalabas na siya. So sinabi ko nalang sa sarili ko. ^_^

Ako nga pala si Azia Farose. 17 years old. Bukas pa ako mag-18. Hehe. First year college taking up Bachelor of Science in Information Technology. Siya naman ang kaibigan kong si Aya Lemyell. Parehas kami ng course. Nerd siya, Weird ako. Yup WEIRD. Malalaman niyo din kung bakit. At syempre alam niyo na. Biktima kami ng mga taong perpekto. Nagsimula kaming maging magkaibigan ni Aya nung ipinagtanggol ko siya sa mga nambubully sa kanya noong nasa grade school palang kami at ang result pareho kaming nabully. Hahaha pero OK lang yun kasi nakahanap naman ako ng kaibigan ko. Simula noon kami nalang lagi ang magkasama. At ngayong bago itong school na pinapasukan namin. Tadtad nanaman kami sa mga tingin ng mga students. Kaya ngayon tumatambay kami sa library habang hinihintay ang next class namin. Konti lang ang tao rito at busy pa sila sa pagbabasa kaya masarap ang buhay namin dito. Malayo sa mga taong mapang api. Charr.

Pinagpatuloy ko ang pagbabasa ko. Maya maya pa napansin kong hindi padin dumadating si Aya. "Bakit ang tagal nun? Naligaw kaya? Nahirapan umihi? Bakit? Buo buo ba ihi niya?Hahaha"Napatawa ako sa pinagsasabi ko. Tumingin ako sa relo ko, mahigit 20 minutes na mula noong umalis siya. "Saan nagpunta yun?" tanong ko sa sarili ko.

"Kawawa naman yung girl no? Grabe basang basa." sabi nung isang babae na kararating lang kasama ang isa pang babae. "Oo nga. Pero nakakatawa yung hitsura niya. Hahaha"

Kinuha ko yung mga gamit namin ni Aya tsaka ako tumayo. Baka si Aya yung pinaguusapan nila. Dumiretso ako sa CR. Nang makarating ako, hindi nga ako nagkamali. Si Aya binu-bully nanaman. Kailan ba titino ang mga tao? Nasa University na kami pero parang mga bata padin ang mga nandito.

Nakipagsiksikan ako sa mga taong nakiki usyoso para makalapit ako kina Aya. Nang makalapit ako sumigaw ako. "Tigilan niyo siya!" O diba? Eksena. Napatigil naman si Aya sa pag-iyak at napatingin sa akin yung mga mata niyang natutuwa na kasi dumating ako.

"And who are you to stop me---Oh" sabi nung babaeng kakaharap lang. Napatigil siya nang makita niya ako. Pati rin ung dalawang kasama niya na nambu-bully kay Aya.

"I've heard about you. " sabi niya "The girl who looks... odd? Hahaha" at sinabayan naman siyang tumawa ng mga kasamahan niya.

"Did you dye your hair? What's with your eyes? May lahi ka bang...FREAKish? Hahaha" hinayaan ko na lang silang tumawa. Sanay na ako e.

Dragon DescendantsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon