Hi VonHaroldHermosa! Dedicated sayo^_^ Thank you for adding this story to your reading list! :) :) :)
---
-AZIA-
Nasa tapat na ako ngayon ng pinto ng bahay namin. Pagbukas ko ng pinto, tumambad sa akin ang mga magulang ko. Bago pa man sila magsalita, inunahan ko na sila. "Saan ako nanggaling? Bakit ngayon lang ako? Anong oras na? Kumain na ba ako? Pfft." Sabi ko habang nagpipigil ng tawa.
Tumawa ang papa ko pero si mama, nakataas ang isang kilay.
"Kanina pa ako nagtetext sayo ah!" Sabi ni mama at napa-face palm naman ako.
"Ma, wala akong cellphone." Plain kong sabi.
"Kay Aya. Pero sabi niya kaninang alas otso pa siya naka-uwi. Bakit ang tagal mong nakarating? Kung hindi kapa dumating, nasa baranggay na kami ngayon!" Bigla akong kinabahan. Ayokong malaman nilang muntik na akong napahamak. Pero ayaw ko namang magsinungaling.
"A-ahh eh kasi... Ano... Uhm... Natapilok ako kanina ma, eh sa sobrang sakit ng paa ko, nagpahilot muna ako dun sa baranggay hall."
Tama. Hindi ako nagsisinungaling ah. Totoo yon.
"Eh bakit sa baranggay hall pa? Bakit di ka na lang dumiretso dito sa bahay?" Ehhh. . Pa-ika-ika akong naglakad papasok sa sala para umupo.
"Mas malapit po kasi doon eh. Sobrang sakit kanina ng paa ko. Hirap akong maglakad kanina." Totoo ulit yan.
"Eh bakit kasi naglakad ka? Hindi kaba nag-tricycle?" Hindi nauubusan ng tanong si mama ano ba yan.
"Nag-tricycle po. Pero nagka-emergency kasi yung driver. Manganganak na daw asawa niya kaya ayon, pinababa niya ako---aray!Totoo mama!" Paliwanag ko tsaka niya ako hinampas sa braso. Totoo naman e. No lies.
"Huwag mo nga akong pinaglololoko Azia!"
"Tama na nga yan. Gabi na. Pagpahingain mo na yang anak mo." Awat ni papa.
"Nako Azia, pasalamat ka birthday mo bukas ah. Papalagpasin ko to."
"Thank you! Sige po akyat na ako. Goodnight. I love you." Hinalikan ko silang dalawa at nagmadaling umakyat papunta sa kwarto ko. Careful enough para hindi masaktan paa ko.
BINABASA MO ANG
Dragon Descendants
FantasiFire. Earth. Water. Air. Four Gods shall rise as one to defeat the other. Azia Farose. Living with questions in her past 17 years of existence, she knew from the start that she is different. But when she turned 18 not just answers came to her but a...
