Notes:
Dragon Descendants - like humans except for they have the ability to control the elements: Fire, Earth, Water or Air.
Dragon World - world where Dragon Descendants live.
Dragon World Academy - Academy where young Dragon Descendants study and train their abilities.
Dragon World Hall- Municipyo/Town Hall/ Malacañang Palace ganern
Aries - Air Benders
Firo - Fire Benders.
Rokko - Earth Benders
Seren - Water Benders
Master - teacher/professor/mentor
Emperor - Ruler in one particular nation/realm.
Supreme Emperor - Supreme Ruler sa buong Dragon World
Headmaster - principal/CEO/President sa buong academy.
Dragon State - A defense mechanism and full power of a descendant. (Parang Avatar State sa The Last Airbender at Legend of Korra. Yun nga lang isang element lang talaga ang kayang kontrolin ng isang descendant. Pero hindi lang mata ang iilaw dito kundi buong katawan. Maipapaliwanag pa ng mas mabuti sa next chapters.)
Elemental Control - First Level of Education in Dragon World. In this level a descendant can control an element if the element is present around him.
Elemental - Second Level of Education in Dragon World. In this level a descendant can form the element from his body.
Upgrading - Last Level of Education in Dragon World. Practicing the Dragon State.
Hello! Ilan lang ang mga yan sa mga terms na ginagamit sa Dragon World. Medyo komplikado siguro ngayon pero maipapaliwanag pa naman sa mga next chapter :)) Bear with me :))
---
-Dragon World Academy-
-Third Person's P.O.V.-
Earlier that same day back on Chapter 2.
"KYAAAH HERE COMES MY KLOUD!!" isang matinis na boses ng babae at sinundan pa ito ng tili ng lahat ng babaeng naroon, na mismong ako ay hindi ko na naintindihan dahil sa dami at sabay sabay na tili ng mga ito.
Maaga pa lang may mga istudyante nang nakaabang sa gate ng Dragon World Academy. Karamihan dito ay mga kababaihan. Nakatingala silang naghihiyawan sa isang kulay abong dragon. Ano nga bang meron sa dragon na iyon at tila parang heartthrob ito? Well, hindi naman ang dragon ang kanilang pakay kundi ang binatang lulan nito na nagngangalang Kloud(as in Cloud).
Mabilis na pinalipad ni Kloud ang kanyang dragon papasok sa Academy. Ngunit sinundan padin siya ng mga babaeng nag-aabang sa kanya.
"*PRRRRRRT!!! PRRRRRRRT!!!(whistle) ARAY KO!! " Sigaw ni Anton nang matapakan ng mga babaeng nagkakagulo ang kanyang paa. Siya ay isang guard sa Academy. "PRRRRRRRRT KLOUUUD ! BAWAL YAN!" Papilay pilay siyang naglakad palapit sa kumpulan kung nasaan si Kloud. Bawal kasi magpasok o mag-summon ng dragon sa loob ng Academy unless kailangan.
Pinagkumpulan ng mga babae ang dragon at si Kloud na nakaputing hoodie. Hindi makita ang mukha nito. Hindi parin ito bumababa sa kanyang dragon kaya mismong mga babae na ang lumapit at hinila siya pababa. Napasigaw naman siya nang bumagsak siya sa lupa.
"OUCH!" nanlaki ang mata ng mga babae nang marinig nila yon. Boses babae, ibig sabihin hindi si Kloud yon.
Tinanggal niya ang hoodie nya at bumulaga sa kanila ang babaeng matangkad, may shiny at mahabang kulay black na buhok at pulang mata.
BINABASA MO ANG
Dragon Descendants
FantasyFire. Earth. Water. Air. Four Gods shall rise as one to defeat the other. Azia Farose. Living with questions in her past 17 years of existence, she knew from the start that she is different. But when she turned 18 not just answers came to her but a...