Chapter 1-THE PAST

82 5 6
                                    

Celine Chandria's POV

“Okay let us pray. Our Father, Who art in Heaven, hallowed be Thy name; Thy Kingdom come, Thy will be done on earth as it is in Heaven. Give us this day our daily bread; and forgive us our trespasses as we forgive those who trespass against us; and lead us not into temptation, but deliver us from evil. In the name of the Father, and to the Son and to the Holy Spirit, Amen.”

Tatlong taon na.

Oo tatlong taon na ako dito sa Miguel de Benavides University bilang Arki student.

Tatlong taon narin ang nakakalipas pero hanggang ngayon wala parin akong natututunan sa Theology.

Ewan ko ba kung bakit kelangan pa naming pag-aralan ito.

Kelangan ba namin ito kapag ipe-present ang ginawa naming plano ng bahay sa magiging kliyente namin? Yung tipong sasabihin mo na,

“Goodmorning Ma’am and Sir. I made a plan of your house inspired by the words of God. The doors shape like a fish to symbolize Jesus. While the windows shape like a heart to symbolize the love of Jesus for the humanity. Blah ~ Blah ~ Blah ….”

Anaknang! Baka mamura ako ng kliyente ko. Baka lahat ng nagastos ko sa pagpapa-blueprint ng plano ng bahay, elevations and sections nito mapunta lang sa wala.

UGH! Sumasakit ang ulo ko dito >.<

Bakit ba kasi kelangan pang pag-aralan buhay ni GOD? Ganun ba ka-importante yun? Oo na-iintindihan ko na kelangan niyang mamatay para lang mailigtas tayo.

Pero si Dr. Jose Rizal din naman ah?

Si Andres Bonifacio at si Lapu-lapu, nagbuwis din sila ng buhay nila para mailigtas tayo ah?

Eh ewan ang gulo! Pero isa lang ang alam ko.

Nung kailangan ko ng tulong Niya para iligtas ako sa pagkakahulog ko sa ‘impyerno ng pag-ibig’ hindi Niya ako niligtas.

******************Flash Back (Junior's Prom)********************

“ Hi, Goodevening everyone. Ah..Uhmm. Ka-kasi kakanta ako ngayon. A-alam ko-ko na hi-hindi ganun ka-kaganda  yung boses ko. Pe-pero gagawin ko-ko ito para sa napaka-e-espesyal at napaka-i-importanteng tao sa buhay ko si-si… Krae”

UGH! This is so embarrassing!

Bakit kasi ako nauutal.

Krae nasan ka ba kasi?

Ito na talaga.

Lord ikaw na po bahala sakin.

 (Note:Play the song on the multimedia at the right side para-mas ma-feel nyo yung eksena <3)

Hmm...

You by the light

Is the greatest find

In a world full wrong

You're the thing that's right

Finally made it through the lonely

To the other side

Medyo nagka-crack parin yung boses ko hanggang ngayon.

Mas lalo kasi akong kinabahan sa mga naririnig ko eh.

“Sino yung Krae? Parang wala naman akong kilalang ganun.”

Sabi nung isang babae sa kaliwa ko.

Chasing Cars [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon