A/N: Hi guys! Sorry for the SUPER DUPER TODAMAX LATE UPADTE. HAHAHAHA! Sorry po talaga :((( So ayun sana ma-enjoy nyo itong update ko. Thank youuu! Ingat God bless and I love you guys :))) Goodluck and God bless sa mga may PRELIMS and DEPARTMENTAL EXAMS TODAY AT NEXT WEEK! (Isa na ako dun) :DDDD
--------------------------------------------------------------------------------------------------
Jon Miguel's POV
Nandito kami ngayon sa labas ng mall at naghihintay ng masasakyan na jeep.
"Sigurado ka ba talagang gusto mo mag-jeep? Eh kung mag-taxi nalang kaya tayo? Mas safe yun."
"Ah hindi na. Atsaka mahal pa yun. Medyo malapit lang din naman yung bahay namin dito sa mall. Pwede nga syang lakarin eh." Sabi nya habang naghihintay parin ng jeep na masasakyan.
"Kaso wala masyadong nadaang jeep. Atsaka parang uulan."
Tumingin sya sa langit at tinawanan ako.
"LOL! Ang dami daming bituin sa langit uulan? Patawa ka rin eh no?"
"Eh kasi nafi-feel ko lang ~" tinakpan nya yung bibig ko ng kamay nya.
"Ssssh! Daming satsat. Buti pa maglakad nalang tayo. Tutal wala namang nadaang jeep eh."
Hindi na ako nakaangal pa dahil hinila na nya ako para maglakad.
Ilang minuto rin kaming hindi nag-uusap. Hindi rin siguro namalayan ni Celine na hawak hawak nya parin yung kamay ko hanggang ngayon.
Pero alam nyo? Kinikilig ako! Hahaha. Ang gay ba? Sorry poooo. Hahaha
Habang naglalakad kami, napagmasdan ko ang mukha nya na nasisinagan ng liwanag na nanggagaling sa buwan.
Ang ganda pala nya talaga. Hindi lang talaga masyadong palaayos.
"Huwag ka masyadong tumitig sakin baka matunaw ako nyan. Tsss. Haha" pang-aasar nya sakin.
Tumigil kami sa paglalakad at tumingin sya sakin.
"Nahalata mo pala na kanina pa ako nakatitig sayo." Natatawa kong sabi.
"Eh kasi nahalata ko na parang ang tahi-tahimik mo."
"Ang dami dami mo namang nahalata. Eh nahalata mo rin ba na ..." Napakamot ako ng ulo ko at tumingin sa malayo.
"Nahalata na?"
"Na... Kanina mo pa hawak itong kamay ko?" Itinaas ko yung kamay ko na kanina pa nya hawak hawak.
Nagulat naman sya at binitawan ito kagad. Medyo namula sya.
"A-ah. Yu-yun ba? Sorry naman! Di-diko napansin. Nagmamadali diba ako kanina sa paglalakad?"
Nakakatuwa talaga itong babaeng to. Dumiretso na sya sa paglalakad habang ako naiwan ditong nakatayo.
Hinabol ko sya para masabayan sya sa paglalakad.
"Alam mo ba yung kantang Vanilla Twilight ng Owl City?" Tanong ko sa kanya habang nakatingin ako sa langit.
"Oo naman. I'm a big fan of them. Bakit mo natanong?"
Imbis na sagutin sya kinanta ko yung first verse.
BINABASA MO ANG
Chasing Cars [On-Going]
Teen Fiction" We all have a story to tell " Isa yan sa mga linya ng kantang "Happily Ever After" ng He is We. Yes, that's true.Lahat tayo may gustong i-share na kwento sa bawat isa. Kwentong masasaya. Yung tipong hindi na mawawala yung ngiti mo sa iyong mga la...