Danica’s POV
Ayoko na...ang sakit ... ang sakit sakit na eh.
Ang hirap... Tama na yung nagpaka-gaga ako sa kanya dati.
Ayoko na...ang sakit ... ang sakit sakit na eh.
Ang hirap... Tama na yung nagpaka-gaga ako sa kanya dati.
Ayoko na...ang sakit ... ang sakit sakit na eh.
Ang hirap... Tama na yung nagpaka-gaga ako sa kanya dati.
Nagre-replay sa utak ko yung mga sinabi ni Siiis sakin kanina.
Naaawa ako sa kanya.
Ang hirap ng sitwasyon nya.
Kung ako mga plates lang ang pino-problema ko, eh siya?
May kasama pang problema buhat sa nakaraan.
Nagui-guilty nga ako eh.
Hindi ko naman alam kung bakit.
Siguro kasi dati may tinulungan akong tao para makasira ng isang relasyon.
Nagsisisi nga ako kung bakit ko tinulungan yung si Yanna eh. Kung hindi ko lang siya pinsan at kung hindi ko lang alam na malala na yung sakit nyang cancer hindi ko sya tutulungan. Sana masaya sya kung nasaan man sya ngayon.
“Huy siiis! Anong o-order-in mo?”
“Ha-ha? Uhm. Kung ano nalang yung sayo.”
Sa lalim ng iniisip ko hindi ko namalayan na nandito pala kami sa canteen.
“Ah. Chicken barbecue in-order ko. Okay na sayo yun?”
“Oo yun nalang. Tapos bili nalang tayo ng Milk Tea.”
“Eeeeh! Sige like ko yan! Yum yum yum!”
“Hahahahaha!” Sabay naming tawa.
Mukha kaming tanga dito pinagtitinginan kami nung ibang students.
Pero keri lang.
“Ay kuya dalawang order na pala sa Chicken Barbecue with rice ha? Tapos dalawang order narin Caramel Oolong Milk Tea, large.”
“Grabe ka naman Siiis! Large talaga?”
“Eh gutom nga tayo diba? Atsaka matapos mo akong paiyakin kanina naubos yung tubig ko sa katawan kaya I need to replenish myself. “
“Nakanang! Hahaha. Replenish talaga? Dapat sayo Gatorade! Hahahaha. Peace!”
“Loka! Hahaha. Tara na. Oh bitbitin mo yung sayo.”
“Okay.Leggo.”
Habang naglalakad kami papasok ng building nakaramdam ako ng katamaran sa katawan.
Parang ayaw ko atang maglakad sa hagdanan hanggang 5th floor ng may dala dalang pagkain.
Eh kung…
“Siiis?”
“Yes?”
“Tinatamad kasi akong umakyat eh.”
BINABASA MO ANG
Chasing Cars [On-Going]
Roman pour Adolescents" We all have a story to tell " Isa yan sa mga linya ng kantang "Happily Ever After" ng He is We. Yes, that's true.Lahat tayo may gustong i-share na kwento sa bawat isa. Kwentong masasaya. Yung tipong hindi na mawawala yung ngiti mo sa iyong mga la...