Chapter 5 - Anong Meron?

66 3 0
                                    

A/N: Hi guys! Sorry sa duper duper hyper to the max sa sobrang tagal na update. Tambak lang talaga ng plates :3 Hahaha. Ayan sana magustuhan nyo! Salamat sa mga nagbabasa ng kwento kong to. Kahit di kayo nagko-comment or nagvo-vote yung makita  ko lang na nadaragdagan yung number ng "reads" masayang masaya  nag ako. Nakakawala ng stress sa paggawa ng plates. Iloveyou guys! More power and God bless us. mwaaaa :*

-----------------------------------------------------------------------------------

Danica's POV

Pagka-uwi ko sa dorm dumiretso ako kagad sa kama ko at humiga.

Bigla kasing sumama yung pakiramdam ko. Siguro dahil sa pagod at puyat nung mga nagdaang araw para sa mga plates namin.

Pero bakit pati yung puso ko masakit? Dahil ba yun sa nakita kong picture kanina?

Kasi yung Krae na sinasabi ni Celine kanina kamukhang kamukha ni Kerwin, yung lalaking mahal na mahal ng pinsan kong si Yanna.

Kung si Krae at si Kerwin ay iisa ako pala yung dahilan kung bakit hindi na muli pang nagka-usap silang dalawa.

Ako yung dahilan kung bakit hanggang ngayon galit na galit siya kay Krae.

Ako yung dahilan kung bakit hanggang ngayon nasasaktan siya dahil mahal na mahal parin nya ito.

Pero sana hindi sila iisa. Parang hindi ko na kaya pang makipagkita kay Celine. Sa bestfriend ko na walang ibang ginawa kundi puro kabutihan sakin. Tapos all this time ako pala tong traydor? Ang sakit. Nakaka-guilty lang talaga. But I do hope na hindi sya yun. Sana talaga hindi sya.

Kinuha ko yung laptop ko.

Nag-on line ako sa Facebook.

Ita-try kong hanapin sa friends ni Yanna yung Kerwin.

Pagka-open na pagka-open ko ng account ko...

21 notifications

1 message

No Friend Request

Himala ata wala man lang akong friend request?:3

Pagkabukas ko ng Notifs ko puro Dominic Abad liked your photo.

Pagtingin ko naman sa message siya rin.

From:Dominic Abad

Hi, GoodEvening :D

Sino ba to?Naka-online sya sakin so it means friend ko sya? Bakit parang hindi ko sya kilala.

In-open ko yung profile nya at tiningnan yung mga photos nya.

Aba at parehas pa kaming sa MBU nag-aaral and same course pa, arki.

Well, cute sya. Pero mukhang heartbreaker tong lalaking to.

Ma-replayan nga.

Me: Hello. Good evening din :)

Habang ini-intay yung reply nya nagtingin pa ako ng ibang photos nya.

Wala naman sya halos solong pictures puro group photos. Yung iba naman picture ng iba na naka-tagged sa kanya. Mostly picture ng mga babae. Sabi na eh. Chickboy to.

*TING!

Dominic: Yun! Nagreply ka din. Akala ko di kana magrereply. Kamusta? :D

Chasing Cars [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon