The Day we Get Along, part2

74 4 2
                                    

"Ano ba yang nasa leeg mo?" tanong ko kay Carlo.

"Malamang necktie.." sagot niya.

"Necktie ba? Akala ko tali ng aso.." sabay tawa.

"Hahaha.. Nakakatawa.."

HAHAHA!!! Asar talo!!!

"Pahiram nga ng maituro ko sa'yo.." sabay hila ko nung tie sa leeg nya.

"Aray ko naman!"

Nasakal ko kasi paghila.. ;p

"Sorry.."

"Ganito lang kasi yan.."

At dinemo ni Alex kay Carlo ang tamang pagtatali ng necktie.

"Aaaahhhh..." paghanga ni Carlo.

"Okay di ba?"

"Oh ikaw naman.."

Inabot ni Carlo ang tie at ginaya ang demo kanina pero..

"Ano yan??"

"Necktie.."

"HAHAHAHAHA!!"

Di ko na talaga kayang pigilan nakakatawa kasi talaga.. 

Alex ==>   (*≧▽≦)ノシ))

Carlo ==> (━┳━ _ ━┳━)

"Halika nga.." sabay kalas ko ng necktie nya na nakasuot sa kanya.

"Ilalagay kasi 'to ng paganito.." sinampay ni Alex sa leeg ni Carlo yung tie.

"Tapos Ito kailangan mas mahaba kaysa dito.."

"tapos ito iiikot sa likod nitong isa.."

"tapos isusuot to dun sa inikot mo.."

"Tapos hihilahin 'to at aayusin natin yung kwelyo.." payakap sa leeg na hawak ni Alex kay Carlo.

"Charan!! May necktie ka na."  (*^▽^*)

Nagulat si Alex ng makita na matamang nakatitig si Carlo sa kanya.

Wag mo ko masayadong titigan.. kinakabahan ako..

"Ta-tapos na.."

Kinakabahan ako??

Bakit??

"Sa-salamat," tipid na sagot ni Carlo sabay ngiti.

Nun lang niya naalala na nakahawak pa sya sa may balikat nito.

"Heheh. Masikip ba??"

Wag kang pahalata na kinakabahan ka..

"Hindi ayos lang.."

"Thanks ulit ma'am!" sabi ni Carlo.

Ma'am???

Ouch..

"You're welcome.."

Disappointed?  Bakit?

Author: Disappointed ka dahil tinawag ka na ma'am! Hahaha!!

Manahimik ka nga!

"Pano ba yan di bati na tayo?"

"Oh sige na nga,"

Author: Kuh gusto mo naman talaga..

Wag ka ngang makialam!!!

==Carlo's point of view==

Akala ba niya madali yung pagtatali ng necktie??

Ang hirap kaya!!

Ikaw ba't ka natatawa..

Kaya mo ba?? Ha?!!

Nagulat si Carlo ng nagsimulang ayusin ni Alex ang tie habang suot niya.

"Ganito kasi yan.." sabi ni Alex.

Ikakabit niya talaga???

"Ilalagay kasi 'to ng paganito.." sinampay ni Alex sa leeg ni Carlo yung tie.

Masyado kang malapit..

"Tapos Ito kailangan mas mahaba kaysa dito.."

Nahihirapan akong huminga..

"tapos ito iiikot sa likod nitong isa.."

Nahuhulog.. 

"tapos isusuot to dun sa inikot mo.."

Sana palaging ganito..

"Tapos hihilahin 'to at aayusin natin yung kwelyo.." payakap sa leeg na hawak ni Alex kay Carlo.

Hindi tayo nag-aaway at magkasundo..

"Charan!! May necktie ka na."  (*^▽^*)

Sana lang...

Nagulat si Alex ng makita na matamang nakatitig si Carlo sa kanya.

"Ta-tapos na.."

Sayang naman..

"Sa-salamat," tipid na sagot ni Carlo sabay ngiti.

Author: Bakit ka namumula? Hahahaha!!!

Paki mo!

"Heheh. Masikip ba??"

"Hindi ayos lang.."

Author: Gustong-gusto naman..

"Thanks ulit ma'am!"

Author: Pa-Ma'am effect ka pa.. kuh.. if i know

"You're welcome.."

Author: Magdadamoves na yan.. XD

"Pano ba yan di bati na tayo?"

"Oh sige na nga,"

Nice!

Author: I knew it!! 

Alex and Carlo:  Ang alin???

Author: secret na namin yun ng mga readers (⌒.−)=★

A Bestfriend's StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon