The Day That We Meet..

263 5 2
                                    

"Grabe hirap maging ST," reklamo ko.

"Tama! Tapos ang mga student mo.."

"ang mga itsura.."

"pati ugali.."

"HALIMAW SA BANGA!!!"

Hagalpakan kaming tatlo ng tawa.

"Lalo naman yung year level na hawak ko mga demonyo talaga.. mala-anghel lang ang itsura pero demonyo ang ugali.."

"Tama!!!" sang-ayon nila.

Ako nga pala si Alexandra Dela Fuente.  My friends call me Alex.  Sila papa at mama ayaw nila na yun ang nickname ko nung bata ako para daw kasing pang-lalaki.

Pero dahil nakipag-deal ako na kapag naging consistent honor they'll grant me this simple wish.. ayun nag-agree agad ang mga parents ko..

Akala nila di ko kaya..

Ako pa! Honor lang yan.. yakang-yaka.. hahahah!!

napapangiti ako dahil sa naisip ko.

"Alex," sabay kalabit sa 'kin.

"Naku lutang na naman.." sabay iling ni Karen.

"Alex!" hampas ni Joy sa 'kin.

"Oh, bakit?" gulat kong sagot.

"Ngumingiti ka na naman kasing mag-isa dyan.." sabi ni Karen.

"Heheh.. may naalala lang.."

"Tao ba ito?" tanong ni Joy.

"Hindi ah.." sagot ko.

"Hayop?" si Karen.

Umiling ako.

"Pangyayari??"

Tumango ako.

"Masaya?"

Tumango ulit ako.

Teka niloloko na ko ng mga 'to ah!

Tumayo ako at, "Karen.. Joy.. babatukan ko kayo dyan eh!!!" 

"Relax ka lang fren di ka na mabiro, di ba Joy?"

"Oo nga naman.."

At biglang nagbell..

"Alex una na kami.." sabi ni Karen.

"Mamaya na lang ulit.." sabi naman ni Joy.

"Sige daanan nyo na lang ako para sabay-sabay tayo."

"Okay!"

Sa classroom ng III - D..

"Almario,"

"Present.."

"Bernabe,"

"Present.."

"Ma'am iisa-isahin pa po ba?  Present naman po lahat.." sabi ng isang boses.

Napalingon ako sa pintuan at nakita na naman ang batang napakapasaway sa klase ko.

Naku bakit ba hindi na lang ito ang mag-absent ng di na ko nakukunsumi.

"Oh ma'am bakit naman ganyan kayo makatingin??"

"Baka matunaw na ko niyan." sabay ngiti na nakakaloko.

Kung hindi lang krimen ang batuhin ng silya ang batang ito matagal ko ng ginawa.

"Asa!!!"

"Ganda nyo talaga ma'am kapag nagagalit kayo," sabay lakad papunta sa upuan nya.

Konting tiis na lang.. January na Alex.. ilang buwan na lang graduate ka na..

"Oh ma'am galit ka pa rin ba sa 'kin?" tanong nya ulit.

"Manahimik ka nga! Hindi kita kinakausap,"

"Ouch! Sakit naman nun.." sabay tawa.

Tumalikod na lang ako at napabulong na, "Pasalamat ka at iniisip kong studyante kita kung hindi."

*kawawang chalk nadurog.. heheh -^-^-

Bwisit ka talaga MR. CARLO FERNANDEZ!!!!

A Bestfriend's StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon