And We Finally Meet :)

57 4 3
                                    

"Nasa'n ka na ba?" tanong ko sa kabilang linya.

"Sa likod nyo po ma'am.."

Napalingon ako at nandoon na nga si Angel nakatayo sa likod ko.

"Luka ka talaga..  tama ba namang sumagot ng nasa likuran ko na.  Naku!" pagtataray ko.

Nangiti na lang si Angel sa panenermon ko.

"At tumatawa ka pa ha?"

Nakakaloko na 'to ah..

"Nga pala ma'am hinihingi nila ang # mo lalo na yung favorite student mo."

Ako may favorite???

SINO NAMAN YUN?

"Don't tell me ma'am nakalimutan mo na siya..??"

hmmmm...  sino yun???

<(-︿-)>

"Ayan na pala ma'am eh.."

Di narinig ni Alex ang sinasabi ni Angel dahil sobrang lalim ng iniisip niya.

Sino kaya yun?  hmmmmm...

Hindi kaya si...

"Hi ma'am!!!"

Napalingon si Alex at nakita ang pamilyar na tao.

"Ikaw si..."

Sino nga ba 'to?

Kilala ko sya..

Siya si..

"Sinasabi ko na nga ba..  nakalimutan na ko ni ma'am.." pagsasalita ng dumating.

"Hindi naman sa ganun.."

Sino nga 'to?

Grabe memo gap na naman ako.

"Palagi pa nga po akong nagtetext sa inyo di ba po.. " may himig na pagtatampo nitong wika.

Biglang nagliwanag ang mukha nya kasi..

"Ah ikaw si Yca!!!" sabay turo at ngiti.

Nangiti ang kaharap at..

"Pumayat ka yata?"

Biglang nalukot ang mukha..

"Ma'am naman eh.."

"Oh bakit totoo naman ah.." sabay ngiti.

"Sige na mataba na ko noon.. pero noon yun.."

"Nagdieta ka siguro, ano?"

"Secret.."

Sa fastfood..

"Wow daming food na inorder ah.."

"Syempre gutom ako.." sabi ni Alex.

"Eh ma'am masisira sa inyo ang diet ko.." sbi ni Yca.

"Di wag kang kumain.." sabay abot ng chicken spaghetti meal.

"Ma'am ang lakas nyo po palang kumain ah.." sabi ni Angel.

"Oo naman..  sarap kayang kumain," sabay subo ng fries.

Buti pa si ma'am kahit kain ng kain di tumataba..

Samantalang ako.. di na nga gaanong kumakain pero tumataba pa rin..

"Uy,  Yca di mo man lang ginagalaw yung inorder ko na pagkain..  ayaw mo ba?"

"Hindi po ma'am.. busog pa po kasi ako.." sabay tipid na ngiti.

"Ah okay..  nga pala may dessert akong inorder mamaya nandyan na yun.."

"Ok po.." sabay na sagot ng dalawa.


Sa counter..

"Pare makidala naman 'to sa #17," pakiusap ng cashier.

"Ako talaga ang inutusan.." pag-iinarte nung crew.

"Sige na pre.."

Napabuntong hininga na lang siya at kinuha ang tray.

"Salamat pare."

Pasalamat ka at good mood ako.. kung hindi..

Biglang may bata na nakabangga sa kanya.

"Sorry po.." dispensa ng bata.

"Sa susunod mag-iingat ka at titingnan ang tao sa harapan mo, okay?" bilin niya.

"Opo kuya."

Luminga siya para hanapin sa 1st floor ang #17 pero wala.

Siguro sa 2nd Floor..

Nakarating siya sa 2nd floor pero wala pa rin.

Last na 'to kaya malamang dito na yun..

Paakyat palang siya ng medyo kinabahan siya.

Bakit kaya ako kinabahan???

Sa isang sulok..

"Ang tagal naman nung dessert gusto ko na nung strawberry sundae ko.." sabay nguso.

"Kulit nyo ma'am para kayong bata.." natatawang sabi ni Angel.

"Korek, kapag nga kasama niya tayo at ganyan lang siya manamit parang magkakaedadan lang tayo.." dagdag ni Yca.

Nadako sa may hagdanan ang tingin ni Yca at bigla siyang kinabahan ng makita ang pamilyar na mukha.

Si CARLO...

bakit siya nandito?

"Uy,  Yca namumutla ka yta..??" nag aaalalang tanong ni Alex.

"Kasi ma'am si.."

Di na naituloy pa ni Yca ang sasabihin dahil..

"#17 right?  Heto na po yung order niyo.." sabay lapag ng order at ngiti sa kanila.

"Salam-"

sabay tingin sa crew ganun din ang crew sa kanya.

Nagulat si Alex at yung crew dahil..

"Ikaw???" sabay nilang nasambit.

Anong ginagawa ni Carlo dito?

Bakit siya nandito???

Author's note:

Nakapag update din after hundred of days..  sobrang busy kasing mag aral ulit.

thanks sa lahat ng nagbabasa at magbabasa ng gawa ko..

#mwahugz #sleeptyt #tnxumuch

A Bestfriend's StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon