Photo Feed: Meet Iboy
*****
Ang pag-ibig, parang suwerte. Hindi mo alam kung kailan darating.
*****
Benjo's POV
Lumabas na ako ng bahay at sinimulan ko nang maglakad upang pumasok sa eskuwelahan. Pang-umaga ang schedule ko ngayon sa school, samantalang si Shane naman ay walang pasok. Mas maaga siyang nagising sa araw na ito kaya naman nauna na siyang pumunta sa coffee shop. Ilang minuto rin akong naglakad bago ko narating ang LRT Station. At dahil wala laging bakanteng upuan sa loob ng rail transit na ito ay tumayo na lamang ako gaya ng araw-araw kong ginagawa.
Matapos ng ilang minutong pagsakay ay bumukas na ang pinto ng sasakyang ito kaya naman bumaba na ako. Pagkababa ko ay sinimulan ko nang maglakad dahil ilang minuto na lang ay tiyak na magsisimula na ang klase ko. Mabuti na lang at hindi ako na-late dahil sanay na sanay na akong maglakad nang mabilis.
Habang nasa kalagitnaan ako ng pakikinig sa klase ay hindi ko maiwasang mainis. Ayaw ko kasi iyong pinagmamasdan ako gaya ng ginagawa nitong lalaking katabi ko. Kahapon ay inasar na niya ako nang husto, pati ba naman ngayon iinisin niya akong muli? Haaay. Nakakabadtrip talaga siya.
Tutal, hindi na ako makapag-concentrate sa itinuturo ng professor namin kaya lumingon na ako sa kanya. Tiningnan ko siya nang matalim para alisin niya ang pagtitig ng mga mata niya sa akin. Ngunit sa kasamaang palad ay hindi nagbago ang mukha niya, nakangiti pa rin siya sa akin habang nakapatong ang ulo niya sa kanyang kamay at brasong nakatayo naman sa lamesa.
"Puwede ba? Sa harap ka tumingin at huwag sa akin. Hindi ako mukhang white board," masungit kong sinabi subalit kontrolado lang ang tono.
Muli ay hindi nagbago ang puwesto niya na para bang wala akong sinabi. Haaay. Bakit ba ganito? Hindi na nga siya dumadaldal pero nagagawa pa rin niya akong inisin.
Natapos ang buong klase na sobrang badtrip ako. Ewan ko ba kung anong mayroon sa lalaking iyon. Ewan ko kung may sayad ang utak niya o trip niya lang akong inisin. Nakakabwisit siya.
Matapos ang halos ilang minutong paglalakad ay narating ko rin ang destinasyon ko ngayon, ang coffee shop kung saan ako nagpa-part time na malapit-lapit lamang sa campus.
"Hi, Benjo!" pagbati sa akin ni Nica na nasa counter, isa siya sa mga crew sa coffee shop na ito.
"Hello, Nicanor!" pagbati ko naman sa kanya kaya naman tiningnan niya ako nang napakasama.
Sinadya kong sabihin iyon para asarin siya. Ayaw niya kasing tinatawag siya gamit ang kanyang tunay na pangalan. Pasensiya na lang sa kanya kung binahagian ko siya ng kabadtripang idinulot sa akin ng seatmate ko sa classroom.
BINABASA MO ANG
You're My R Squared Pi (r2π) [ONGOING SERIES]
Storie d'amore"Benjo, mahal mo ba ako?" - Iboy "You're my r square pi." - Benjo "Tangina! Ano 'yon?" - Iboy 2020 © EsonVitug Duration: Jun 22, 2023 - Ongoing Do not judge this book by its title. Every book deserves to be read before being judged. http://www.faceb...