chapter 3

4 0 0
                                        


Fhyl jon' POV

Isang linggo na mula nung pinuntahan ko ang lugar kung saan itatayo ang mall..

Maganda,malawak at malaki talaga ang lugar , kaya lang nakakapanghinayang., mangilan ngilan nalang ngayon ang may malalawak na bukid na napag tataniman ng mga palay ngunit ngayon mababawasan na ulit ng isa pa.

Natapos naren ang plano roon, at bukas na Sisimulan ang pag tatayo roon..

Dahil wala naman ako gagawin ngayong araw naisipan ko mamasyal muna sa city. Narito kase kami nkatira ng mga kasama ko sa baryo dto sa brgy. San isidro,dahil dito itatayo ang mall Medyo malayo layo rin sa city.

***

Sopia's POV

Narito, ako ngayon sa mall sa city. Dahil linggo ngayon, naisipan ko'ng mag ikot ikot rito baka may magustuhan akong bilhin.

Habang nag lalakad ako napansin ko'ng prang maingay sa ibaba ng mall, nasa 3rd floor kase ako kaya dumungaw ako sa ibaba..
May event ata, dahil malakas ang music at seni set ang mga tables..

Umalis na ako roon at nag hanap ng maaaring maupuan, dahil nananakit na mga paa ko...

***

Fhyl Jon' POV

Narito na ako sa mall at nag iikot ikot. Mag isa lang ako dahil wala naman ako makakasama..
Umuwe kase sila sa mga pamilya nila kaya bored na bored ako sa bahay..

Well, ako wala naman ako uuwe-an na malapit dahil nasa Samar ang pamilya ko kaya nag titiis nalang ako kapag namimiss ko sila.

Habang nag lalakad lakad ako nakarinig ako ng malakas na music mula sa ibaba kaya lumapit ako at dumungaw sa ibaba..

Mukang may program..

Nag patuloy na akong muli sa pag iikot ikot hanggang nakakita ako ng food court, pumunta ako roon dahil mukang masasarap ang pagkain.

Medyo nagutom ako kakaikot.

***

Sopia's POV

Nasa isang food court ako ngayon at dto nag papahinga. Sobrang napagod ako kakaikot. Hanggang ngayon wala pa ako nbibili.

Ang mamahal naman kase eh-.-

Hindi ko afford.

Nag palinga linga ako dto sa food court kung may makikita akong mabibili.

Dito nalang ako bibili ng pasalubong sa bahay, pagod na ako mag ikot ikot pa..

Nakakita ako ng bilihan ng pizza siguro iyon nalang madali pang bitbitin.
Habang nag lalakad ako papunta roon, hindi ko napansin na may mga paa na nakaharang sa dadaanan ko kaya nadapa ako. Dahilan para pag tawanan ako ng maraming tao ..

"Sorry,miss.. Hindi ko sinasadya,sorry.." Sabe ng nakatalisod sakin. Hindi paren ako tumatayo o kaya naman itaas ang muka ko dahil pakiramdam ko matutunaw ako sa kahihiyan.
Ayoko na ng maraming eksena kaya tumayo nalang ako at diko na hinarap ang kung sino mang lalake yun na nakatalisod sakin at Dali daling umalis.

Nakakahiya grabe..

Hindi na ako babalik ng food court TT.TT

***

Nakasakay na ako ngayon ng jeep pa uwe, Hindi ko paren malimotan ang nang yare kanina..

Kahit nandito na ako sa jeep pakiramdam ko pinagtatawanan paren ako ng mga tao.
Kaya Hindi ko itinataas ang muka ko baka may nakakilala pla sakin dun sa food court tapos pag tawanan nga ako dto sa jeep.. Haaisst>.<
sino kaya yung talipaldas na lalakeng nka talisod sakin?

Makikita niya oras ng magtagpo ule landas namin grrr!!

Teka, panu pla manyayare yun? E ni Hindi ko nga nkita muka niya dahil umalis agad ako.-.-

Aiist!! Ang boba ko rin minsan!!
>_<

MAPAGLARONG TADHANATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon