Chapter 9: Sneak

407 20 19
                                    

"Hello? San' ka na?" Halos pabulong na kausap ni Sharlene sa kabilang linya. Maingat siyang nakatingin sa paligid kahit madilim dahil baka gising ang Kuya niya o si Harvey.

'Sa labas, hey, is this right?' Nagdadalawang isip na tanong ni Jairus.

"Hindi, nasa left ang kalye namin gago! Mawala ka pa dyan eh."

'Hindi, tama ba ang gagawin natin? You didn't even ask permission to your brother!'

"Ano ka ba? Eh sa gusto ko talaga makapasok ng bar! Ano pupunta ba tayo o hindi?"

'You're asking me that? Of course I'll say no!'

"Okay, edi ako nalang mag isa."

'Fine! Fine! Dalian mo dyan.'

"Papayag din pala, tsaka alas dyes pa lang naman."

She's curious. Gusto niyang makapasok ng bar sa unang pagkakataon. Nakikipag inuman naman siya kasama sila Francis ngunit nasa bahay lamang sila ng tropang napiling pagtambayan. The truth is, hindi pa niya nasubukan ang uminom ng mabibigat na inumin dahil kapagkasama niya ang tropa lalo na pag nandyan si Francis ay hindi siya papayagan nito. Sympre, hindi niya sasabihin ang katotohanan kay Jairus paniguradong hindi rin siya papayagan.

Wala namang tao kaya mabilis siyang nakalabas ng kanilang bahay upang puntahan si Jairus na nag aabang na.

"Ang tagal mo." Angal ni Jairus. "What's with the hoodie?"

"Para mukhang ninja!" Sagot niya sabay upo sa shotgun seat. "So where are we going dora?" Excited na tanong nito.

"Alam mo? This is lunacy! Pano kung malaman 'to ng Kuya mo? Alam mo naman ang ginawa niya sa akin nung isang araw di ba?"

"Sus! Ang duwag mo grabe! Ngayon lang naman eh."

"Bakit di natin isama sila Kiko?"

"Magsusumbong lang yun kay Kuya."

"Can we not do this?"

"But we just have to." Palihim na nagulat si Jairus sa sinabi ni Sharlene, she adopted his accent and what's surprising? For Jairus, ang sexy niyang pakinggan. "Galing ko mag English no?" Taas baba pa ang kilay nito.

"Eh akala ko ba hindi ka magaling sa English?"

"So pag nakakapagsalita ng English ng isang linya magaling na? Di ba pwedeng nag practice lang? Tsaka, pwede ba? Let's go! Go! Go!" Turo nito sa daan.

UMILING lamang si Jairus, wala siyang nagawa kundi ang sundin si Sharlene. Natatakot siyang kung hindi siya umayon sa gusto niya baka mag-isa itong pumunta ng bar na hindi naman safe. Iniisip niya kasing siya ang nag bigay nito ng ideyang pumunta ng bar, kung mapano man si Sharlene kargo di konsensya niya ito.

"We're here,"

Manghang tinignan ni Sharlene ang labas, medyo open place ang nasabing bar, sa labas pa lang rinig na ang kanta ng isang entertainer at pagkakasiyahan ng mga tao. Binasa niya ang pangalan ng Bar na sa pula at asul na ilaw.

"Three Sixty Degrees?" Basa ni Sharlene.

"Yup, mas gusto ko ang lugar na 'to. May class."

"Parang si Sharon lang nung isang linggo sa The Voice!" Excited niyang sabi.

"This is stupid." Muling usal niya.

"Sige, hali ka na! Teka, ayos lang ba ang mukha ko?" Sinilip niya ang sarili sa rear view mirror. "Pogi ko talaga!"

"Kung tatanongin mo ako ulit, mas gusto ko dito nalang tayo sa kotse."

To be Your Lady (JaiLene)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon