Chapter 11: The First

227 15 6
                                    



Nakatalumababa sa bubong ng sasakyan at tila wala sa sarili si Jairus na nagiisip sa sinabi ng kanilang ama sa kanya. They have to move to New York after two months. Ayos lang, at least saktong matatapos din ang first semester niya sa College. He's always on the go pag maglilipat na sila pero ngayon nalulungkot na siya. He's never been in such a group of friends before and now soon it will be over. Sana hindi nalang siya nakipagmalapitan sa mga ito edi hindi niya mararamadaman ang pagka sepax, pero naisip rin niya hindi araw-araw makakasalamuha ka ng mga taong masaya ka pagkasama sila. Na makakalimutan mo lahat ng meron ka at kung sino ka sa kanilang harapan.

Nakita niyang naglalakad si Sharlene papalapit sa kanya at parang may hinuling kung ano sa hangin.

"Utak mo oh." Pakita niya sa palad na walang laman. "Ibabalik ko para sa 'yo ha?" At binatukan ng pagkalakaslakas si Jairus.

"Ouch! What was that for?!" Inis nitong tanong.

"Sabi ko sa 'yo ibabalik ko ang utak mong lumilipad di ba?" Sagot niya.

Bumuntong hininga ito at bumalik sa pagkakatalumbaba sa sasakyan. Nasa Jump Start sila ngayon naghihintay sa ibang kasama nila upang makalaro ng Left4Dead.

"May problema ka? Nung Sabado ka palang ganyan ah?" Hindi na mapigilan ni Sharlene ang pagtatanong.

"Wala 'to, inaantok lang ako."

Umiling si Sharlene na parang di makapaniwala. "Alam mo bok, pag may problema ka, huwag kang mag dadalawang isip sabihin yan sa katropa mo. Malay mo makatulong kami."

He watched her. Ngayon lang kasi siya nakaramdam na kabilang siya sa isang grupo. He had group of friends but surely they have forgotten about him. Kayo ba naman ang magpalipat-lipat sa iba't ibang lugar magkakabarkada ka pa kaya? It didn't stop him from making friends though, rumami pa nga ang mga kaibigan niya pero kailan man wala pa siyang natatawag na barkada.

"Pano nyo naman nasabing parte na ako ng tropa nyo?" He asked out of curiousity.

"Eh nilibre mo na kami eh--- Joke lang. Yung totoo?" Pinaningkitan siya nito ng mata. "Hindi ko rin alam, siguro nagkakaintindihan tayo. Hindi naman sa pagkakaparehas ng ugali o ng gusto eh, o sa tagal ng pagsasama pero yung kahit alam nyong magkaiba-iba kayo tanggap nyo ang isa't-isa. Get's moko? Kasi feeling ko ang talino ko nung sinasabi ko yun eh."

Ngumiti ito sa kanya, bago mahinang natawa. He's figuring out where her words come from. "You know, you can have a lot of sense sometimes."

"Natural mayron akong sense! Lima pa nga! Sense of sight, touch, hear, smell, at taste buds!"

"There you go again," Pailing niyang sabi kasabay ang pagpipigil niya ng tawa. Nakakayanan niya talagang baliktarin ang kundisyon ng isang tao. "Hindi yun ang ibig kong sabihin! Isa pa, taste lang yun hindi yun taste buds!"

"Oo! Ikaw na ang magaling sa English!"

"That's science." Muling pagwawasto nito kaakibat ng isang ngiti mula sa pagtawa.

"Sige na! Sige na! Pati sa Science magaling ka rin!"

He looked at her with amusement nang biglang lumitaw sa kanilang harapan ang hingal na hingal na si Paul.

"Pasenysa na, ngayon lang ako. May---- tinapos lang kami ni Mak." Hinabol pa nito ang hininga.

"Oh san' si Mak?" Tanong ni Jairus.

To be Your Lady (JaiLene)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon