Chapter 8: Drum Sticks

308 17 5
                                    

Nasa labas si Sharlene ng studio kung saan nag iinsayo si Francis kasama ang mga kabanda nito. Kasabay niyang nag hihintay ang ibang babaeng parang may inaabangang arista. May hawak pa silang cellphone katapat ang pintuan. Marami sa kanila, magaganda, kaso iniiwas niya ang sariling pakatitigan ito dahil pakiramdam niya nagtataksil siya kay Sarah. Loyal siya dito, gusto niyang maipagmalaki kay Sarah pag nasagot na siya nito na wala siyang naging karelasyong ibang babae kundi siya lamang. Paano naman siya magkakarelasyon? Eh wala namang babaeng lumalapit sa kanya at wala naman siyang ibang babaeng nilalapitan! Ang eksplenasyon niya dito ay: Iniipon niya ang kanyang lakas ng loob para makapagtapat kay Sarah.

Nahinto sa kakaisip si Sharlene nang biglang nagtitili ang mga babaeng kasama niya. Paniguradong tapos na ang banda sa pag iinsayo. Ano ba 'to?! Baka akalain pang isa ako sa naloloko sa mga gunggung! Unang naaninag ng mga fangirls si Marcus, kasamahan ni Francis sa banda.

"Oh, Kiko, nandito na pala ang number one fan mo." Dahil sa marami ding tagahanga si Marcus na nagtitili para sa kanya kaya hindi siya makalapit kahit sa pintuan lamang ng studio.

"Asan?" Sabay apak sa labas ni Francis, ngayon mas lalong nag iingay ang mga babae. "Bok!" Sigaw pa niya.

Ganito ang eksenang parating napapasok ni Sharlene tuwing Lunes, pagkatapos ng huling klase niya sa hapon at pagkatapos maginsayo nila Francis sa banda. Aminado siyang sikat si Francis sa skwelahan man o sa kanilang lugar. Katapat lamang ang nasabing studio sa kanilang paaralan kaya madaling nasusundan ito ng mga tagahanga niya. 

Sinikap ni Sharlene na isiksik ang kanyang sarili sa dagat ng mga babae upang makalapit kay Francis.

Kala mo naman si Bamboo. Sa isip nito.

"Excuse me, excuse me." Magalang niyang sabi sa mga babaeng humaharang upang mabigyan siya ng daan."Bok!"

"Ayos ka lang? Ang gulo ng buhok mo!" Gamit ang sarili nitong kamay, mas ginulo pa ni Francis ang kanyang buhok.

"Yung totoo? Magulo? O kakagulo mo lamang?"

"Di, mas lalong ginulo ko." Natatawang pagwawasto nito.

Parehas silang napakunot ang noo nang marinig ang mga babaeng tila nag proprotesta sa nasaksihan sa dalawa.

"Ano ba yan? Ang swerte naman nung girl!"

"Anong swerte? Hindi ba halata? Tomboy yan!"

"Oo nga!" Sigaw ng isang babae sa malayo.

"Tomboy daw! Baka nag totomboy-tomboyan para makalapit kay Kiko!"

Ano pa nga ba ang bago?

Sanay na siya.

Ito at ito lang naman ang na iingkwentro niya parati. Tatlongpu'ng minuto lamang ang pagitan ng pagkakatapos ng klase ni Sharlene at pagiinsayo ni Francis. Tuwing lunes gusto ni Francis sabay silang umuuwi at nangakong lilibrehan niya ito parati ng Ice Cream sa 7/11. Hindi naman araw-araw na ganito ang nangyayari, tuwing lunes lang. Ewan! Hindi niya maintindihan kung bakit pag hahawak si Francis ng drums stick lalo na pag pinapalo na iya ito sa drums eh naglulumpasay na ang mga babae dito. Para bang magic wand ang drum stick na paghahawakan ni Kiko, lalapit ang mga babae. Teka, baka nga!

Akmang lalapitan na ni Francis ang grupo ng mga babaeng nagsasalita ng masama tungkol kay Sharlene nang hilahin nito ang kanyang bagpack na suot.

"Bok! May powers ba yang drum stick mo?" Nagugulohang tinignan siya ni Francis. "Kasi paghinahawakan mo, lumalapit kaagad ang mga babae eh."

To be Your Lady (JaiLene)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon