"Bok, nagugutom na ako."
Sa halip na sagutin si Sharlene sa pagaalboroto'y pinili nalang niyang umiling at magpatuloy sa pagkokopya ng kanilang proyekto.
"Hay, limang minuto nalang at matatapos na! Shet, ang tagal naman ng limang minuto." Patuloy nitong pagsasalita. Naririnig man ni Francis pero ayaw niya paring kibuin si Sharlene. "Isa, dalawa, tatlo, apat--- yes! Good bye Ma'am!" Biglang sigaw ni Sharlene sa gitna ng katahimikan ng klase.
"What are you saying Ms. ---" Bago pa man matapos ng kanilang guro ang sasabihin, tumunog narin ang bell. Nagsitayuan lahat ng estudyante at nagmamadaling umalis ng silid-aralan. "Don't forget your project's deadline is next week!" Pahabol na pagpapaalala ng kanilang guro sa naguunahang makaalis na mga estudyante.
"Oh? San't tayo bok? Sa 7/11 ba ulit? Gusto ko kumain ng hotdog-in-a-bun nila!" Hindi kinibo ni Francis si Sharlene, inayos niya lamang ang kanyang gamit at isinukbit ang kanyang bag bago umalis. "So sa 7/11 nga? Lilibre mo ako?"
Mas lalong nainis si Francis sapagkat kanina niya palang pinaparamdam kay Sharlene na naiinis siya dito subalit hindi niya parin ito napapansin. Manhid talaga! Manhid! Makailang ulit niyang sigaw sa kanyang isipan sa nakaraang isang oras at tatlongpu'ng minuto. Mabilis siyang humakbang pero napapantayan parin ni Sharlene ang bilis ng kanyang lakad.
"Ba't nag mamadali ka?" Paghahabol ni Sharlene sa kanya. Ngayon napapangiti si Francis dahil nauunahan na niya ito sa paglalakad. "Oy! Natatae ka ba?!" Sigaw nito.
Nahihiya mang lumingon si Francis dahil sa sinigaw ni Sharlene pero lumingon parin siya para bigyan ito ng galit na tingin. "Galit ka?" She finally asked.
"Wow ha! Ngayon mo pa lang napansin!" Sarkastiko nitong tugon. Lumapit ito sa kanya at tinignan siya ng may pagtataka.
"Bakit? Masakit ba tyan mo? Nawala na ba ang gana mong tumae? Nako! Sorry bok! Dali na! Mauna ka na! Susunod ako!" Pagtutulak nito sa kanyang braso.
"Hindi!" Inis nitong sagot.
"Hindi ka natatae? Nako, ako rin naiinis ako pag nawawala ang gana ko sa pag-tae, alam mo yun, nahihirapan na nga akong ilabas tas---"
"Nakakinis ka naman Sharlene San Pedro!"
"Ganyan talaga laki galit mo sakin, ang buong pangalan ko talaga."
"Hindi ako nagagalit dahil natatae ako o dahil nawala ang gana kong tumae! Kabanas ka naman oh!"
Natahimik si Sharlene at dahan-dahang tumaas ang isa nitong kilay. "Oh, so ba't ka galit?"
Bakit sya galit?
Dahil pumunta ka sa bahay ni Jairus.
Dahil hindi ka man lang nag text kung saan ka kahapon.
Naiinis din ako sa sarili ko dahil wala ako kahapon!
Hindi niya alam kung ano ang nangyari o kung ano man ang ginawa nila doon. Ang balita lang naman sa kanya ni Paul ay nag Xbox lang sila at kumain ng tanghalian, yun lang. Hindi siya kumbinsido, wala siyang tiwala sa talas ng paningin ni Paul pati kay Jairus.
"Wala!" Muling pabagsak nitong sagot.
"Oh di libre mo nalang ako ng 7/11." Nauna na itong nag lakad sa kanya. Ni di man lang tinanong o pinilit kung ano ang kinaiinisan nito kani-kanina lang.
Naiinis si Franics, o sa madaling salita, nagseselos ito. Wala namang pangyayari na kanyang dapat ikabahala pero hindi niya maiwasan ang makadama ng selos at kaba.
BINABASA MO ANG
To be Your Lady (JaiLene)
Fanfiction"Aanhin mo pa ang paa mo? Kung di ka naman lalakad sa altar kasama ako."