Padi's Point, Mall of Asia, early 9PM...
"ANG tagal naman ng babaeng yun. Kanina pa ako ditong 8PM ah! Pasalamat siya at isa lang ang subject ko ngayong gabi dahil kung hindi, di ko siya sisiputin." reklamo ko sa aking sarili bago ko muling tiningnan ang oras sa aking cellphone sa ika-sampu, wait, ika-benteng pagkakataon na ata ito.
"Langya ka File, dapat ikaw na lang ang nandito eh! Kung ano man ang problema ng babaeng yun, hindi ko na problema yun. Besides, masyado na akong maraming sakit ng ulo para pagtuunan pa ng pansin ang babaeng hindi ko pa lubusang nakikilala. Bakit ba naman sa dinami-dami ng babae, siya pa!"
"Kunsabagay, cute naman talaga si Natalie pero hindi talaga basehan yun para magustuhan o mahalin mo ang isang tao. It's really a wrong presumption in getting into a relationship. "
Bigla ay lumitaw sa aking harapan ang aking kunsensiya. Naka-porma ito samantalang ako ay hindi. Buti na lang at may ibubugha din ang kayabangan ni File kaya nakapag-ayos ako kahit papaano. Pero kung ikukumpara sa mga lalakeng nasa paligid ko, sigurado, hindi ako papasa sa panlasa ng mga babaeng naghahanap ng makikilala sa gabing ito. Well, hindi ko sinasabing lahat ng babae eh puro potential partner ang hanap sa lugar na ito but reality bites, parang ganun na rin yun, if not for all, maybe for some.
"Kunsensiya, tama na, pwede ba? Huwag ka ng sumapaw sa pagiging miserable ng araw ko, please." pakiusap ko sa kaniya bago ako tumingin sa malayo.
"Bossing naman, I'm just trying to help you out you know. Pero sige, sisibat na ako. Nandiyan na pala ang ka-date mo. Kaya mo yan master! Go for the goal!"
Hindi na ako nagulat sa sinabi niya at siyempre pa, hindi na ako nag-aksaya ng pagkakataon para tadyakan siya sa kaniyang pangungulit. Medyo nasasanay na rin kasi ako sa kakulitan ng multong iyon, haha!
"Hi Trace, I'm sorry, I'm late." sabi ni Natalie pagkatapos niya akong lapitan. Inalalayan ko siya para mauna siyang makaupo. Nakasuot lamang siya ng simpleng dress, simpleng make-up, simpleng hairtstyle at teka, pati ata ang bati niya sa akin ay simple rin.
Wait, am I expecting something more? Gaya ng unang beses kaming nagkita? Like, hahalikan muna niya ako bago siya umupo? Or yayakapin man lang? Bummer! Thoughts like this should be forgotten for the mean time, later na lang natin balikan, ok?
"It's ok, kararating ko rin lang." pagdadahilan ko kahit kanina pa nga ako dito sa kinauupuan ko.
"Dun tayo sa loob, mas presko dun at di mausok."
"No, ok lang. Besides, gusto kong lumipat ng lugar, ayaw ko sa maingay at di ako sanay sa bar. Sorry."
Hinawakan niya ang aking kamay bago siya unang tumayo saka ako hinila papalayo sa lugar na iyon. As usual, wala naman akong nagawa kung hindi ang sumunod.
NAGLAKAD lang kami sa kahabaan ng baywalk sa MOA. Kasabay niyaon ay ang pag-uusap namin. This time, it's either we end this relationship, whatever you want to call it, or continue with it. But it all depends on her, and to my decision as well.
Kaasar, bakit ba kasi kailangang reciprocal lagi ang pakikipag-relasyon! Hay buhay...
"Trace, galit ka ba sa akin?" panimula ni Natalie pagkatapos siyang bumili ng cotton candy sa aming dalawa.
Kinuha ko ang isang binili niya bago ko siya sinagot. "Not really. Curious lang ako. Why are you doing this to me?"
"Wala naman. Feeling ko lang mabait ka kaya mabait din ako sayo."
Gusto ko siyang batukan sa sinabi niya. Porke ba mabait dapat ganun ka-grabe kung lambingin mo ang isang tao? Hanep ah! "Maniwala sayo. So porke ba mabait, dapat ganun na kalambing?"
"Uy, di kita nilalambing ah!"
"Hindi raw! Kung makayakap ka nga kanina eh! Hinalikan mo rin kaya ako!"
"Nagkataon lang yun! Ito naman, affected masyado."
"Bahala ka nga, hindi ka maayos kausap eh."
"Ok fine! Hindi ko na sasayangin ang chance na ito kasi baka di na rin maulit eh."
"Ang alin?"
"Itong pagkikita natin, itong date natin, but promise me, hindi magbabago ang pagtingin mo sa akin ha?"
"Excuse me, wala akong pagtingin sayo Natalie."
"Hindi ka good liar Trace. Pero sige, bahala na. I'll tell you everything you need to know but you have to kiss me first. Promise, no strings attached."
"No-- no way!" tumanggi ako pero huli na ang lahat dahil mas mabilis pa siya sa kidlat bago pa man ako nakatanggi. Parang useless din ang pagbibigay niya ng kondisyon dahil hindi niya man lang ako binigyan ng choice.
But honestly, at that point of time, I feel like I have received the greatest gift that I can have in my entire life but deep inside, I feel like I'm going to lose everything I have with that kiss she gave me. For some reasons... I'm scared but her kiss assured me that everything will be alright. But still, I am not convinced, worst to say... I'm confused.
BINABASA MO ANG
Love Story In Wattpad
RomanceSi Trace ay isang journalist student at isa sa kanilang project ay ang makapag-publish ng kwento sa Wattpad. Gusto lang niya maka-comply kaya siya sumali dito. Ngunit sa pagsali niya dito, higit pa duon ang kaniyang natagpuan...