Chapter 14 - Blood Connection

1.2K 11 8
                                    

PAGKATAPOS akong halikan ni Natalie sa labi, agad niya akong niyakap.

"When you sent me private message sa Wattpad, I immediately looked at your profile sa Facebook. And when I saw your face, you--" nagsimulang tumulo ang mga luha sa mata niya. At that time, I know, she's hurting. But I have to hear first everything na sasabihin niya so I know what to say or do.

"-- exactly resemble my brother. And that's what I thought. But when I met you personally, mas lalo akong naniwala na ikaw nga siya." mas lalo pa niya hinigpitan ang pagkakayakap sa akin pagkatapos niyang sabihin iyon.

"Ako? Kamukha ko ang kapatid mo?" mag pagtataka kong sabi. Gustuhin ko mang yakapin siyang pabalik, parang hindi ko magawa. Pakiramdam ko, may pwersang pumipigil sa akin upang gawin iyon. But somehow, I know, I need to console her to make her feel better.

"It's really a long story that is why I have written it in a book na lang and hid it somewhere. To cut the story short, he saved me when I was about to be hit by a car. I was supposed to be in his place right now!"

Awtomatiko ko na siyang niyakap. Kahit mahina lang ang boses niya, dinig na dinig ko ang bawat katotohanan sa mga sinasabi niya. Now I know kung bakit ganun na lang siya ka-sweet sa akin. Hindi namin alintana ang mga bawat taong dumadaan sa amin. Kunsabagay, sanay naman na ang ibang tao sa mga ganung eksena diba? Yung dalawang tao na nagyayakapan sa gitna ng daan.

Inalalayan ko siya sa gilid ng daan para mapakalma siya. Pagkatapos, bumili ako ng tubig para kahit papaano ay mahimasmasan siya sa mga nasabi niya sa akin. I may not even know the whole story yet but I think, lahat ng sasabihin niya ay parang kaya ko ng tanggapin.

"Bakit hindi mo agad sinabi kaagad sa akin? For sure, mauunawaan ko naman kaagad, right?"

Umiling siya. "Hindi ko nga rin alam kung bakit nagkaganun agad sayo. Siguro, dahil sa sobrang pagka-miss ko sa kaniya, hindi ko na inisip na ako pala ang babae at ako dapat yung maging mahinhin."

Ngumiti na lamang ako para maiba ang mood niya. Ngumiti rin siya kaya sigurado ako, maayos na ang pakiramdam niya ngayon, hindi katulad kanina.

"So ano na ang dapat nating gawin ngayon?"

"Hmm... ano nga ba?"

"Ewan ko sayo. Ikaw itong atat eh."

"Atat saan?"

"Atat sa panghahabol sa akin."

Kinurot niya ako sa tagilirin bago niya ako muling niyakap. This time, hindi na siya umiiyak at nakangiti na siya. Damang-dama ko rin ang pagtibok ng kaniyang puso dahil talagang nakadikit siya sa akin. Ewan ko ba pero parang natutukso akong mag-take advantage. Pero mali yun siyempre, nasa public place kami. Pero kahit na! This is just a date and I need to know her even more kahit na nagsabi na siya ng totoo sa akin. Mahirap na dahil baka kaming dalawa pa ang masaktan sa huli.

"Hindi kaya. Pero I have a suggestion Trace."

"Ano naman yun?"

"Can you be my little brother? Tutal, mas matanda naman ata ako sayo ng two to three years?"

"Not sure, ilang taon ka na ba Natalie?"

"I'm 22 already, ikaw?"

"Matanda ka nga sa akin. I'm 19 pa lang."

"Bata ka pa nga! Oh my!"

"Kitams, dapat Ate Natalie na ang itawag ko sayo. Tapos, inaabuso mo pa ako."

"Uy, hindi ah. Oh sige, balik tayo sa suggestion ko!"

"Sige game!"

"Can you be my little brother, Trace?" aniya sa akin bago siya nakipagtitigan sa akin.

Base sa pagkislap ng kaniyang mga mata, alam kong inaasahan niyang OO ang aking sasabihin. Pero nek-nek niya! Ayaw ko nga! Baka mamaya eh araw-araw niya akong kulitin at di na ako makapag-aral ng maayos, huwag na!

"Ayaw ko."

Pero parang bingi siya sa sinagot ko. Imbes na malungkot ay agad niya akong niyakap saka hinalikan sa pisngi. "Thank you Trace! Even if you said no, I know it is a yes. You are not really a good liar. I love you!"

Love Story In WattpadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon