Chapter 20 - Unexpected Route

1K 11 8
                                    

MABILIS akong lumabas ng aking kwarto at bumaba kung saan naroon ang burlesk na Natalie na yun!

"Na-- Natalie! Anong ginagawa mo!? Bakit ka naka pang pokpok?" pang-aasar kong tanong sa kaniya pero halata sa boses ko na galit ako. Te- teka, bakit naman ako magagalit?

"Siguro master, kasi, nagiging OA ka. Over-protective! Ay, mali pala, OP pala dapat, hindi OA." singit ng aking kunsensiya pagkatapos kong sumakay sa loob ng kotse saka sinenyasan ito na paandarin na ang sasakyan.

Gaya ng dati kong ginagawa, tinadyakan kong muli ang  aking kunsensiya at kahit sinubukan niyang umilag ay hindi na niya nagawa dahil naka-super Saiyan mode na ako ngayon sa sobrang asar sa babaeng kasalukuyang nagmamaneho ng kotse.

"Ang sakit mo namang magsalita Honey ko. Kapag ba naka-micro mini short pokpok na kaagad? Diba pwedeng sexy muna?" pagbibiro nito bago niya ako pinisil sa pisngi na parang bata na chubby (kahit hindi naman!)

Naghanap ako ng damit na maaari niyang suutin pero wala akong makita. Ang tanging nasa backseat lang ay isang medium sized travelling bag na nakabukas ang zipper. Sinilip ko kung ano ang nasa loob at-- napalunok na lang ako sa aking nakita dahil karamihan dito ay underwears, bras at nighties niya. Di ko tuloy maiwasang hindi tigasan-- tigasan ng ugat sa himutok sa kalokohan ng babaeng ito!

"Nasan ang damit mo? Magdamit ka nga. Mamaya, huliin pa tayo ng mga buwaya sa daan at pagbintangan pa ako na ni-re-reyp kita."

"Ako? Re-reypin mo? Hmm... pwede!"

"A- ano!? Baliw ka talaga! Bababa na lang ako at mag-ji-jip!"

Ngumisi lamang ito bago nito idineretso ang sasakyan papuntang Luneta, hindi niya ito iniliko papuntang school ko! This is not right! It's kidnapping you know!

"Sa-- saan mo ako dadalhin, ha!? Huy! Lunes ngayon. May pasok pa me!"

Ngumisi lamang ito bago niya ako tinapik-tapik sa ulo na parang bata. "Don't worry honey, ibabalik din naman kita 'later'. Chillax ka lang diyan dahil dadalhin kita sa rest house namin na nasa tabi ng beach!"

"Hindi pwede! Kailangan ko pang magpasa ng draft para sa project namin ngayon!"

"Ah, ganun ba? Teka nga..." agad nitong kinuha ang cellphone at may tinawagang numero. May sumagot naman sa kabilang linya at ibinigay niya ito sa akin. At hindi ako maaaring magka-mali, kilala ko ang boses na ito! Si File!

"Hoy Trace, enjoy ha? Ako na bahala sa draft mo. Ginawa na ni Natalie kagabi para masolo ka niya buong week."

"WHAT! BUONG WEEK!? Ano ako, laruan? Pare naman! Help me! I need to get out from this car!"

"Loko! Sobrang gwapo mo naman para tumanggi pre! Basta, walang pakialamanan at alam na rin ng Mama mo niyan. In fact, ayon sa pagkaka-kuwento sa akin ni Natalie, ang mama mo ang nag-suggest na kidnappin ka para makagawa na kayo ng baby, hehe!"

"WHAT ULIT? BABY!? Pare, mga zombies na ata kayo!"

"Dyok lang pare. Basta, enjoy." huling sabi ni File sa kabilang linya bago nito tuluyang pinutol ang tawag sa cellphone ni Natalie bago ko itong nanlulumong ibinalik sa kaniya.

"I-- I'm doomed..."

"If you're doomed, then I'm L-U-C-K-Y. I'll reyp you nice and slowly... promise." anito bago ako kinindatan saka binigyan ng belat gamit ang dila nito habang patuloy na nagmamaneho papuntang SLEX.

Love Story In WattpadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon