ALAM kong nakapikit pa rin ako pagkatapos naming pagsaluhan ni Natalie ang buong gabi. Alam ko ring umaga na ngunit ayaw ko pa ring dumilat habang yakap-yakap ko ang babaeng nagpatibok ng lubusan sa aking puso. Alam ko rin na-- unan? Teka, bakit parang unan ang aking yakap?
Agad akong bumangon at napansin na wala na si Natalie sa aking tabi. Mabilis akong lumabas ng kwarto at hinanap siya sa lahat ng sulok ng resort na aming tinutuluyan ngunit hindi ko siya natagpuan. Sakto namang dumating si Aling Bubbles na parang balisa rin.
"Trace, nakita mo ba si Natalie, ha?" agad niyang tanong sa akin na kanina pa lingon ng lingon.
Umiling ako. "Hindi po eh. Magkasama lang kami kagabi, pero paggising ko kanina, wala na siya. Saan ho ba siya nagpunta?"
"Aba, malay ko. Diba, pinalipat niya ako sa kabilang resort kagabi para magkausap kayo ng sarilinan? Wala ba siyang nasabi sa iyo na kahit ano? O baka naman mamaya, bumili lang ng makakain iyon sa bayan, hindi kaya?" hula ng matanda bago ito pumunta sa kusina.
"Pero meron naman akong niluto dito ah. Saka may mga stocks pa tayo ng pagkain. Hay... saan kaya pumunta yung bata na iyon ah?" tanong nito sa sarili bago ito lumabas ng resort at ipinagpatuloy ang paghahanap sa kaniyang alaga.
Pilit kong inalala ang mga sinabi niya sa akin kagabi. Ang alam ko lang, may bagay kaming pinagtatalunan. Na kung naniniwala daw ba ako na hindi niya ako iiwan. Siyempre, nung una, ang sinasabi ko ay hindi pero hindi ibig sabihin nun ay hindi nga talaga ako naniniwala. Sinabi ko lang yun para asarin siya but in fact, I do believe in every words she said.
Natalie, for me, is a girl of action, not just words. Minsan
nga, nanliliit ako sa tuwing naaalala ko ang mga bagay na ginagawa niya sa akin na dapat sana ay ako ang gumagawa para sa kaniya. But now... I hate to say that but I think she's missing. No, she's not just missing... I think, she left. Pero saan?
Bumalik ako sa aming kwarto at napansin ang isang maliit na envelope duon. Sa labas nito ay may nakasulat na... "For Trace' eyes only. ^_~"
Talaga naman! Bakit may wink smiley pa! Hindi ba niya alam na nag-aalala na kami ni Aling Bubbles sa kaniya? Pag nakita ko ulit siya, talagang makaka-iskor ulit ako! I mean, lagot siya sa akin!
Binuksan ko ang envelope at nakapaloob dun ang isang sulat at isang sim card. Binasa ko kaagad ang sulat.
Trace, I'm sorry but I have to leave.
I really can't 'fully' fall in love with you.
Not yet.
Remember, we met online?
I'm writing story at that time at nasa last chapter na ako.
And you know what, I had to transfer all my stories into softcopy
para hindi mo ito mabasa and I guess you never did read them, whew!
But last week, I've completed, compiled and printed them in hardbound
and hid it sa National Library under Local Titles.
Naisip ko kasi, na parang similar yung nangyari sa atin sa naisulat ko.
I guess, I'm taking my chances.
Manipis lang ito at may babaeng nakaguhit sa pabalat nito.
ang title nito ay, I'm Yours.
Little Brother... Honey... Trace... yan ang mga naitawag ko sa iyo, diba?
Basta, I'm so happy at natawag kitang ganun. Malaking accomplishment na iyon para sa akin.
I love you, And thank you for doing the same...
For now, I have to leave you with our precious memories. Please forgive me.
PS: I left my sim card with you, just in case... I want to say na kalimutan mo na ako pero hindi ko kayang sabihin. Basta... just consider it as a special memento from me. BTW, I took your school ID again para quits. Goodbye...
- - -
A/N: Sorry, I guess hindi ko na kayang paabutin ito ng Chapter 25 at talagang sagad na sa plot ang kwento nila Trace at Natalie.
No, hindi ko siya minadali. In fact, ito talaga ang purpose ng story na ito. Ang maging sagot sa isang kwento na minahal kong lubos bago ako nag-desisyong magsulat rin.
Sa aking mga loyal readers (Special mention to @IamSachi @maeeyy @ermadrados @Anne29 @AcouhSiiKhaye @juaningski @CookieThough @Pamparampam @AmyleineSamson), mga dedicated users, fans, TOPpers, Ka-Chapters, maraming salamat po. This final chapter is all for you (final na nga ba talaga? ^^)
Oh, if you are wondering kung ano yung I'm Yours na sinasabi ko, visit below link for more information. (Para mabasa ninyo ito, register using your FB account or use "ilovetop" as invitation code). Kung may problema kayo sa gils, magpadala ng PM kay foobarph (ako yun!) or i-post ang inyong username dito.
http://tagalogonlinepocketbook.com/read/feature/stories-legacy/im-yours <- eto!
Yun lang at sana, nag-enjoy kayo sa adventures nila Trace at Natalie (kahit hindi siya masyadong detalyadong-detalyado). ^^ Mwa mwa tsup tsup!
BINABASA MO ANG
Love Story In Wattpad
RomanceSi Trace ay isang journalist student at isa sa kanilang project ay ang makapag-publish ng kwento sa Wattpad. Gusto lang niya maka-comply kaya siya sumali dito. Ngunit sa pagsali niya dito, higit pa duon ang kaniyang natagpuan...