07 - Tipo

20 3 2
                                    


SIMON

Hindi si Simon ang tipo ng tao na sumasagip ng buhay ng tao. At lalong hindi rin siya ang tipo ng tao na biglang manghahablot ng tao bago ito tumalon sa tulay.

"Huwag!" sigaw pa niya. Akala niya, siya ang tipo ng knight in shining armor sa isang kwento. Pero ang totoo, hindi talaga. Masyadong perpekto ang mga gano'ng tipo ng lalaki.

Napatingin ang babae sa kaniya na tila nagtataka. Hinahangin ang buhok nilang dalawa. Sa isip ni Simon, pwede na siyang maging shampoo model sa isang commercial sa ganda ng buhok nito kahit buhaghag. Dagdag pa na maalindog ang mukha nito kahit na namamaga ang mga mata nito. May angking hubog rin ang katawan nito. Pero halata ang mga pasa sa katawan nito.

Mukha rin itong pamilyar.

"Miss, 'wag kang magpakamatay!" Ang tanga naman ng sinabi ko! isip niya.

"Pakialam mo ba?" pagtataray pa nito. Nagpupumiglas pa ito sa pagkakahawak niya. Ngunit walang wala ito sa higpit ng hawak niya. Pero nanghihina rin ito. "Pakawalan mo ko sabi e!" sigaw pa niya.

"No!" pagpupumilit niya. "I'm not gonna let you die!"

"Pa-english english ka pa d'yan! Masasapak kita!"

"No!"

Totoo nga ang sinabi ng babae. Sinapak nga nito ang tiyan niya. Napa-aray siya sa sakit.

Nang makawala ay agad na sumampa sa bakal ang babae at aaktong tatalon pero pinigilan niya ito sa hindi inaasahang paraan—niyakap niya ito.

"A-Ano ba!" sambit ng babae. "Bitawan mo ko!"

Napansin ni Simon ang init ng katawan ng babae. Binuhat niya ito paalis sa bakal. Nagpupumilit pa rin ang babae na pumiglas. Sa kakulitan nito, nahulog ito sa putikan.

"Ugh!" Napamura nang marami ang babae. Hindi napigilan ni Simon na tumawa.

"Anong tinatawa-tawa mo, ha?" galit na pahayag ng babae. Binato pa nito si Simon ng putik. "'Wag mo kong tawanan, putang ina mo!"

"Wow, ang sakit mo naman magmura," sabi ni Simon.

"E kung tinutulungan mo kaya akong makatayo rito, ano?" saad pa nito.

Napabuntong-hininga siya. Wala siyang nagawa kundi tulungan ang babae. Pero sa isang kislap ay hinila ng babae si Simon pababa. Ang asul na polo ni Simon ay nabalot na ng putik. Maski ang maputing kutis niya ay nabahiran na ng putik.

Dapat ay masanay na siya sa ganito.

Ngayon naman ay ang babae ang tumawa.

"Ano ba 'yan? Kalalaking tao, tanga." Binato pa nito ng putik sa mukha niya.

"Ano bang problema mo?" galit na sinabi ni Simon. "Kanina, nagpapakamatay ka? Tapos ngayon, tatawa ka? Are you some sort of bipolar, or not?"

"Teka, hindi ko naintindihan masyado 'yang last part pero hindi ko kasalanan kung bakit nakakatawa ka." At muli itong tumawa.

Sumigaw siya ng malakas at tumayo. Malapit lang sa tulay ang kaniyang kotse. Papunta na sana siya roon nang marinig ang babae boses ng lalaki.

"Ang pikon naman ni kuya." Nanghihina na ang boses nito at nang tumayo ay muntikan nang mahulog.

Agad naman niyang tinulungan ito bago pa bumagsak. Nakapikit na ang mga mata nito. Sobrang init ng katawan nito at namumutla pa.

Bahala na nga, sabi niya sa isipan. Sana sa pagtulong na ito ay maisip ng iba na mabuti pala siyang tao, hindi tulad ng kanilang inaakala.

The Scavenger HuntTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon