15 - Pagtitipon

21 1 0
                                    


ERIKA

Sa bawat araw na lumilipas, pabawas nang pabawas ang pagiging mukhang kwarto sa paningin ni Erika.

Oo, nakakakain siya ng masasarap na pagkain niya na kailanman hindi niya nagawang kainin noong nasa labas siya. Ni wala sigurong darating na oportunidad para makakain siya noon. Hindi lang siya palaging busog, pero palagi ring maganda ang kaniyang tulog kahit na masakit ang kaniyang kawatan sa kaka-ensayo.

Hindi naman agad siyang gagaling sa loob ng isang linggo. Pero nabibigla siya sa sarili tuwing umaarte na may hawak na kutsilyo at dinedepensahan ang sarili. Marami siyang natutunan sa kaniyang mga Instructor, pati na kay Mia na nagtuturo ng Mechanics sa kaniya.

Pero miminsan rin ay bigla niyang hinahawakan ang kutsilyo at idinadampi sa kaniyang pulso.

Laking gulat na lamang ni Mia na madatnan nitong hawak niya ang kutsilyo at may tumutulong dugo na sa kaniyang pulso. "Ano pong ginagawa niyo? Halika, gamutin agad natin 'yan!"

Akala niya'y makakalabas na siya sa wakas, pero hinila lamang nito ang kaniyang katawan malapit sa banyo kung saan may pinindot ito at ipinasok ang kaniyang kamay. Nakaramdam siya ng mainit na sensasyon sa kaniyang pulso. Isang minuto ang nakalipas at nakalabas ang kaniyang kamay at ang kaniyang pulso ay namumula.

Walang bakas ng mga hiwa.

Gusto niya lang namang makaramdam muli, dahil sa apat na sulok ng kaniyang kwarto ay nagiging selda na. Pero ang totoo—selda nga ba ito na nagkukunyaring kwarto?

Matapos ng isang nakakatuwang Survival kay Melo, nagpahinga na siya. Kanselado lahat ng kaniyang gagawin mamayang gabi dahil sa Pagtitipon. Ni hindi niya alam ang gagawin niya sa okasyon na 'yon.

Nagpasya na lamang siyang magbabad sa bathtub. Hindi niya namalayan ang oras; dalawang oras na ang nakalipas at sinimulan na siyang katukin ni Mia. Naghanda na siya para sa okasyon.

Ang maganda sa banyong ito ay may isang closet kung saan may isang maliit na screen kung saan makakapili ng magagandang isusuot. Parati niyang pinipili ang mga cute na pantulog upang kumportable, pero ngayon ay pipili siya ng mga magagandang gown.

Para siyang bata. Ang mga damit na akala niya'y pang-prinsesa, magagawa niyang isuot. Masyado siyang ata na matapos ang okasyon upang masubukang magsuot ng iba't ibang mga damit. Sana nga lang nandoon ang mga kapatid niyang babae upang makita siya. Lalo na si Kristina na matutuwang bihisan at ayusin ang mukha niya.

Sabi ni Mia, hindi dapat masyadong engrande ang kaniyang isuot. Suhestiyon din niya na tulungan siya, pero tumanggi siya. May fashion sense rin naman siya.

Pinili niya ang isang hapit na pulang dress na hanggang paanan niya ang haba. Kita ang likod niya. Inayusan niya ang sarili upang magmukhang mataray at dapat katakutan, pero maganda pa rin. Ibang klaseng alindog ang ipapakita niya. Kinulot niya ang buhok at itinaas.

Ibinagay niya rin ang kaniyang damit sa isang heels na kulay pula na, pasalamat siya, hindi masyadong masakit sa mata. Namalagi pa siya ng isang oras sa pag-aayos at pagtitig sa sarili sa salamin.

Ang tanging panira lang sa kaniyang suot ay ang nakakairitang bracelet sa kaniyang pulso.

Hindi niya aakalain na magsusuot muli siya ng ganito. Marahil nakahiligan niya na rin ang magsuot ng ganito, pero hindi niya kailanman ginusto ang mga pangyayari na sumunod.

Halos napanganga si Mia nang lumabas siya at niyakap siya sa galak. Inalalayan nito si Erika patungo sa elevator kung saan bababa sila patungo sa dining area.

The Scavenger HuntTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon