~Pag labas nilang tatlo, magkahawak ang kamay ni Nash at Sharlene
(Tiningnan si Sharlene at napangiti si Nash)
(Napangiti din si Sharlene)
~Pagdating sa set
"Ayan na pala si Kobi, Nash at Sharlene!"
"Bakit Sophia? Na miss mo ba ako?"
"Che! Ewan ko sayo Kobi!!"
~Sabay tawanan ang tropa tapos bigla napasalita si Direk
"Okay Okay! Mamaya na ang kalokohan.. Nash, tumabi ka muna kay Alexa.. Tapos, ikaw naman Jairus punta ka kay Sharlene para mapag aralan niyo ang mga lines niyo together."
(Tiningnan ni Nash si Sharlene)
"Mamaya babe ha! Sabay tayo mag lunch. I love you!"
"Ok baby ko! I love you too." (Smiles)
~At pumunta si Nash kay Alexa at si Jairus kay Sharlene
"Okay guys, Jairus at Sharlene kayo muna. Gusto ko pag aralan muna ang chemistry niyo sa monitor para lang matingnan kung bagay talaga kayo."
(Umubo si Nash)
"Nash? Ok ka lang?"
"Ha. Ah. Opo direk. Okay lang ako."
(Tiningnan ni Sharlene si Nash na tipong wag ka nga mag selos)
"Ok Jairus, akbayan mo muna si Shar."
(Inakbay ni Jairus si Sharlene)
"Oh ayan! Nafefeel ko ang chemistry niyo! Kinikilig na ako."
(Napangiti si Jairus at si Shar nakikinig kay Direk habang si Nash napasama ang tingin kay Jairus)
Nash's POV: "Grr! Sarap sapakin si Jairus, feel na feel pa naman niya. Nakaka badtrip!! Hindi kayo bagay! Mas bagay kami ni Shar!"
"Okay. Now, mag hug na kayong dalawa."
(Nagulat si Nash)
"Hug direk? Aba! Sumusobra na yata direk eh! Naka akbay na nga eh. Hug pa!"
(Tiningnan ni Sharlene si Nash at napangiti)
"Naseselos na yata si lover boy eh! Hug lang naman Nash, hindi naman kissing scene. Wag ka mag alala, hanggang dito lang naman ang sweetness ni Jairus at Sharlene eh."
(Napangiti si Jairus at nagalit si Nash)
"Ano ngiti ngiti mo diyan?!"
"Oh.. Oh! Nash, tama na! Wag na kayo mag away! Lumabas ka muna para maka pag cool down ka!"
"Pasensya na direk." (At lumabas si Nash)
"Ah! Pasensya na po direk ha! Um. Mainit lang siguro ulo ni Nash. Labas muna ako para kausapin siya."
"O sige. Si Kobi at Sophia nalang muna ang itetest ko. Puntahan mo na si Nash."
"Ok direk. Thank you po."
"Shar!"
"O ano Jai?"
"Sabihin mo si Nash na wala akong intensyon paselosin siya."
"Sige. Pasensya ka na Jai ha."
(Hinawakan ang balikat ni Shar) "Okay lang yun Shar!"
(Napangiti si Shar) "Ah sige. Puntahan ko muna si Nash."
"Sige."
~At lumabas si Sharlene at nakita niya si Nash sa garden naka upo
"Babe!"
(Nakita ni Nash si Sharlene at pinuntahan niya ito at yinakap siya)
"Babe! Sorry talaga! Di ko napigilan ang emosyon ko eh!"
"Bat ba kasi sinigawan mo si Jai. Mabuti nga hindi nagalit si direk."
"Sorry talaga babe. Si Jai kasi eh."
"Baby talaga. Alam mo naman na ikaw ang love ko, diba?"
"Alam ko naman yun eh. Trust naman kita eh. Kay Jairus lang talaga ako naiinis eh. Feel na feel niya ang pag akbay sayo tapos parang excited pa siya yakapin ka. Mabuti nga lang. Napigilan ko."
"Baby! Eh kelangan natin gawin ang mga bagay bagay para sa trabaho. At tsaka diba, trabaho lang to. Napag usapan na natin to diba."
"Madali lang kasi pag usapan eh, pero kapag nakikita mo na. Nahihirapan ako. Lalo pa sa lalaki naiinisan ko."
(Hinawakan ang mukha ni Nash)
"Baby! Love na love kita. Wag ka mag alala, ikaw lang para sa akin. Wala na akong hahanapin pa."
"Talaga?" (Hinila si Shar palapit sa kanya)
(Napangiti si Shar) "Talagang talaga!"
"Kiss mo nga ako para paniniwalaan kita."
"Kiss mo ang mukha mo! Hahaha! Tara na, pasok na tayo!"
"I love you baby ko!"
"I love you more babe! Tara na!"
"Tara."
~At pumasok na silang dalawa sa loob