~Sinundan ni Nash si Shar
(Habang tumatakbo) "Babe! Babe! Teka lang!"
(Huminto si Shar at tumalikod) "Ano?! Gusto mo ulit mag eskandalo dito?!"
"Babe naman, sorry! Hindi ko kasi napigilan ang naramdaman ko.. Si Jai kasi...."
"Ayan! Jai nanaman! Pwede ba? Controlin mo nga ang pagseselos mo. Hindi na cute! Nakakainis!"
"Baby.. Sorry na! Kasalanan ko bang mag selos? Maganda ka, mabait, ako nga yata ang pinaka swerte na lalaki sa buong mundo eh, dahil may gf ako na nakikisabay sa mga trip ko, katulad ng paglalaro ng basketball, maglaro ng dota, psp etc. syempre, maraming lalaki ang may gusto nyan dahil hindi ka maarte."
(Napangiti si Shar at napatuloy parin ng pagsasalita si Nash)
"..syempre naman babe, ayoko mawala ka sa akin. Natatakot ako. Eh si Jairus naman kasi eh, sabi ni direk kanina bagay kayo at tsaka kinikilig siya sa inyo kaya syempre, ako din. Naiinsecure sa kanya."
(Hinawakan ang mukha ni Nash)
"Baby! Diba? Alam mo naman na on screen lang ang lahat ng to diba? At tsaka hindi mo ba alam na ikaw ang lalaking pinaka mamahal ko. Ikaw kaya ang dream boy ko!"
"Talaga? (Yinakap si Shar)"
"Oo nga. Nung bestfriends nga tayo eh, crush na kaya kita."
"Uyyyy! Pero syempre naman, sino naman ang hindi makakacrush sa akin. Diba? (Tumawa si Nash)"
"Ang yabang mo!! Pero baby, please, wag na kayo mag away ni Jairus, mabait lang talaga siya."
"Oo na. Sabi mo eh."
"Ayoko kasi mag away away tayo dito. Tayo na nga lang magkakasama sa project eh. Aapektohan yung trabaho natin pag ganyan."
"Opo babe. Sorry ha."
"O sige na. Mag sorry ka na kay jairus."
"Sige babe. "
"Thank you baby! I love you Nash!"
"I love you too!"
(At naglakad silang dalawa na magkahawak ang kamay papuntang cafeteria)
~Pagdating sa cafeteria
(Nakaupo si Jairus at Kobi, tinawag ni Nash si Jai)
"Jai!"
"Ano?! Nananahimik na nga ang tao."
(Linapitan ni Nash si Jairus)
"Hindi ako naghahanap ng gulo. Gusto ko lang maghingi ng patawad. Pasensya ka ha!"
"Seryoso ka ba?"
"Oo nga. Ayoko ng gulo. Pasensya ka na ulit. Friends? (Inabot ang kamay kay Jai)
(Tiningnan ang kamay ni Nash at shinake ang kamay nito)
"Friends!"
(Napangiti silang dalawa at sumigaw si Kobi)
"Yayyyyy! Group hug!!!!"
(Nag sigawan silang lahat at nag group hug silang lahat)
~pagkalipas ng 30 mins, napansin ni Mika ang oras
"Uy! Kelangan nating bumalik dun baka hinahanap na tayo ni direk."
"Ah sige! Halika na!"
(Umalis na silang lahat at naiwan si Nash at Shar)
"Tara baby! Pasok na tayo!"
"Teka babe! Kelangan ko pa palang pag aralan ang mga linya kong to! Baka pagalitan ako ni direk."
"Huh?! Pag aralan? Bakit? Eh magaling ka naman eh."
"Yung sa kilig moments lang daw ang praktisin ko."
"Sus! Patingin nga ng script!"
(Binigay ni Nash kay Shar ang script)
"Sus! Madali lang to eh! Eto ha, subukan natin. Sasabihin ko ang mga lines ni lexie, tapos ikaw kay benj. Game?'
"Game!
(Hinawakan ang mukha ni Nash) "Alam mo Benj, ngayon lang ako nakaramdam ng ganito. Sigurado na ako na mahal kita."
(Tiningnan si Sharlene) "Ano ibig sabihin nito? Sinasagot mo na ba ako Lexie?"
(Ngumiti si Sharlene) "Yes Benj! Tayo na!"
(Hinila si Sharlene palapit sa kanya) "YESSSS!!! I love you Lexie!!" (At yinakap si Shar)
(Tumawa si Shar) "oh tama na baby! Bitiwan mo na ako! Baka makita tayo dito!"
(Hindi parin bumibitaw sa yakap kay Sharlene) "Ayoko nga! Bahala sila."
"Baby! Tama na! "
(Pumipikit parin si Nash at hindi bumibitaw) "Masarap ang ganito."
"Sige ka baby! Magagalit ako sayo."
"Kiss muna!"
(Hinalikan ang pisngi ni Nash)
"Mwah! Ayan!"
"Sa kabila din!"
"Aba! Sumusobra ka na ah!"
(Tumawa si Nash at bumitaw kay Sharlene)
"Eh bakit pala nahihirapan ka sa lines mo? Eh maganda nga ang pagkadeliver mo ng lines eh."
"Pano naman kasi baby, ikaw yung kasanayan ko na kaeksena eh. "
"Ayan nanaman sya."
"Nakakainis lang kasi eh, sana ako nalang si Drake o ikaw si Lexie para walang problema.."
(Napangiti si Sharlene)
"May dahilan ang lahat.. Okay? Tara pasok na tayo. Baka hahanapin nila tayo"
"Ok babe! Tara"
~at pumasok silang dalawa