Chapter 4

3.7K 76 13
                                    

~Pagkalipas ng ilang oras

"Okay guys, since alas dose na. Hahatiin ko nalang kayo into groups, para ang iba maka pag break at yung iba makapag take pa. Uhm. Jai at Shar since wala pa naman kayong scene, sabay ka nalang kina Mika mag lunch. Kayo naman Nash at Alexa mag tetetake pa tayo, ok ba?"

(Pinuntahan si Sharlene) "Pano to babe? Tayo dapat ang sabay kakain eh."

"Ngayon lang naman babe eh. At tsaka may scene pa kasi kayo na dapat kunin eh."

"Haaay. Basta, kain ka ng maigi ha. Wag ka mag papagutom." (hinawakan ang mukha ni Shar)

"NASSSH! Mag uumpisa na tayo mag take."

"Oh. Tinatawag ka na ni direk. Galingan mo ha. I love you!"

"I love you more babe!.

~At umalis si Sharlene at ang tropa para nag lunch

"Ok Nash. Sa scene na to, hahawakan mo ang mukha ni Alexa at tsaka basahin mo ang mga linya mo. Sige na. Tingnan mo ang script mo."

(Tiningnan ang script) "Ang ganda-ganda mo Lexie. Gusto na talaga kita."

(Napangiti si Alexa)

"Ok Alexa. Tapos basahin mo din ang script mo."

(Binasa ang script) "Gusto din kita benj."

"Oh ayan! Diba ayos? Ok. From the top! With gestures na to ha. In 1..2..3 ACTION!!"

"Ang ganda-ganda mo babe! Gusto na talaga kota."

(Nagulat si Alexa at pati na rin si direk)

"CUTTTT!!!! Nash naman! Sinong babe?! Lexie hindi babe!!"

"Ay. Sorry po talaga direk. Nakasanayan lang kasi. Pasensya na po."

"O sya. From the top ulit... In 3..2..1 ACTION!!!"

(Parang matamlay ang pagkasalita) "Ang ganda-ganda mo Lexie. Gusto na talaga kita."

(Magsasalita na sana si Alexa ng line niya then bigla...)

"CUTTT!!! Nash naman! Nasaan ang emotion mo? Nasaan ang paghawak sa mukha ni Alexa? Yung tipong inlove na inlove ka! Alam ko naman na kaya mo yan eh. Mahusay ka na actor. Ang mabuti pa, mag break nalang din kayo at papraktisin niyo ang nga lines niyo. Ok?"

"Sorry po talaga direk."

"O sige na. Lumabas na kayo. Dapat mamaya, mahusay ka na ha!"

"Sige po direk."

~At lumabas na si Nash at Alexa

(Habang naglalakad silang dalawa papunta sa cafeteria)

"Nash? Ok ka lang ba?"

"Huh? Uh. Oo naman. Bat mo napatanong?"

"Wala lang. Eh hindi ka naman ganyan eh. Halos memorize mo nga lahat ng script natin. Kung saan na magagawa na tayo ng sweet scene, parang wala kang gana. Hindi mo ba ako gusto maging katrabaho?"

"Ha?! Ano ka ba Alexa? Syempre gusto. Siguro naninibago lang ako. Kasi, tuwing mga ganitong scenes, eh si Shar lang talaga ang ka-eksena ko eh."

"Ahhh! Masasanay ka din." (Napangiti si Alexa at Hinawakan ang balikat ni Nash)

"Uhh. Salamat Alexa." (Smiles)

~Sa cafeteria

(Magkatabi naka upo si Kobi at Sophia, at sa harapan nila si Mika at Shar naman ang magkatabi)

(Habang kumakain) "Sophia, Memorize mo na ba ang mga lines mo?"

"Ok lang naman. Bakit ikaw Kobi?"

"Medyo. Eh kayo?"

"Uhm. Syempre. At for sure, si Shar memorize niya din ang lines niya. Magaling kaya sa memeorization si Shar."

"Wow mika ha! Ikaw talaga. Siyempre, magaling tayo lahat. (Smiles)"

"Asuss! Pahumble! Asan pala si Jairus?"

"Ayun oh. Bumibili ng pagkain! Ayan na pala. Papunta na siya dito. Ang daming binili!"

(Dumating si Jairus mag hawak na tray na puro sari saring pagkain. Mapa cupcakes, chips, sandwiches at juice)

"Wow! Ang dami naman nyan bro! Gutom ka ba?"

"Eh hindi lang to para sa akin to Kobi eh. (Umubo) Uhm. Shar, gusto mo ba?"

"Ha? Ok na ako sa oatmeal ko."

"Oatmeal? Eh parang hindi ka naman mabubusog niyan eh, sige na! Kuha ka na, binili ko nga yan eh. Para sayo."

"Uyyy. Para kay Shar lang?"

"Syempre naman Mika, kelangan kong alagaan ang loveteam ko eh. (Smiles)"

~Hindi nila napansin na nasa likod pala si Nash at narinig ang lahat na sinabi ni Jairus

(Hinampas ang bag sa mesa) "Ah ganun?!"

"Ay babe! Tapos na kayo ni Alexa sa scene niyo?"

(Tinabihan si Shar at inakbayan siya habang tinitingnan si Jairus) "Yes babe. Irerehearse nalang namin ang lines namin then good to go na kami."

(Napansin ni Shar na parang iinit ang ulo ni Nash kaya pinipilit niyang iwasan si Nash kay Jai)

"Ahhh, oh siya, tara bili na tayo ng pagkain para makakain ka na din."

~Napansin ng tropa na parang naseselos si Nash kay Jairus kaya nananahimik lang sila habang pinakikinggan ang pinaguusapan ni Nash at Shar habang si Jai naka upo katabi si Kobi at tinitingnan din si Nash

(Tinitingnan parin si Jai habang kinakausap si Shar) "Bakit pa tayo bibili ng pagkain eh binilhan ka nga ni Jairus oh. Diba Jai?"

(Nailang bigla si Jair) "Ahh. Ehh.. Oo naman.."

"Babe! Tara na! Tumayo ka na dyan!"

"Bakit naman babe? Tara na.. Sabi niya kasi dapat aalagaan niya daw ang ka-loveteam niya! Hindi nya ba alam na pang onscreen lang siya? Diba?"

(Unti unti na lumalakas ang boses ni Shar) "Baby! Tumayo ka na dyan!!"

(Patuloy parin ang pagsalita ni Nash) "Nakalimutan ata ni Jairus na may boyfriend ka na eh."

(Napasalita si Jairus) "Bro naman! Ah kasi. Concerned lang ako kay Shar eh kasi parang oatmeal lang yung kinain niya eh. Baka nagutom siya, at syempre wala ka kanina kaya ako nalang ang nag alaga muna sa kanya.."

(Tumayo si Nash) "teka teka.. Ano gusto mong palabasin?! Na pina babayaan ko ang girlfriend ko? Ginusto ko ba? Nagtatrabaho lang ako. At hindi ko sya pinababayaan. Iniingatan ko siya.."

(Tumayo si Sharlene) "tama na yan!"

(Napatayo din si Jairus at pinipilit ni Kobi na pigilan siya para hindi na magulo) "Wala naman akong sinasabi na ganyan ah! Alam mo! Ano ba talaga problema mo saakin Nash ha?! Simulat sapul, mainit na talaga ang dugo mo sakin!!"

"Aba! Aba!! Tinatanong pa ba yan ha?! Pano naman kasi! Alam mong may boyfriend ang isang tao, pinapatulan mo!!!"

~Napatayo na ang lahat ng tropa para pigilan si Nash at Jairus para hindi marinig ng staff na nag aaway na sila at sa sobrang gulo hindi na napigilan ni Sharlene sumigaw

(Sumigaw at hinampas ang mesa at nagulat ang lahat) "AHHHHHHHHHHH!!!! ANO BA!!! NAKAKAINIS NA KAYONG DALAWA! AKALA NIYO BA GUSTO KO TO?! PARA KAYONG MGA BATA!!! KANINA PA AKONG NAIINIS SA INYO! KUNG AYAW NIYO PARIN TIGILAN TO, SIGE! MAG SUNTOKAN NA KAYO! HINDI BA KAYO NAHIHIYA SA MGA DIREKTOR, SA MGA MAGULANG NATIN?! MAG ISIP ISIP NGA KAYO!! Ugggghhhh!!!"

~At nag walk out si Sharlene palabas

(Sumigaw si Nash) "Babe!!"

(Habang kumakain ng hotdog si Sophia) "Kayo kasi eh! Tsk tsk"

Just The Bestfriend: Book 2 [NashLene]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon