Chapter 12

2.4K 79 41
                                    

(Nagmamaneho si Nash ng kanyang motor sa may area ng ABS)

Nash's POV: "Bakit kaya ako dineny ni Shar? Ano ba problema niya at parang tinakwil niya lang ako. Ano kaya mararamdaman niya kung itakwil ko siya. Masakit kaya. Pero yun nga, hindi ko kaya magawa sa kanya yun noh."

~Habang nagmamaneho si Nash, nakita niya si Alexa sa may gilid ng kalye kasama ang driver nila na inaayos ang sasakyan nila..

"Alexa?"

"Nash?"

(Huminto si Nash, at bumaba sa motor niya) "Oh? Bakit kayo nandito? Ano nangyari?"

"May dina-anan lang kasi ako dito sa ABS eh. Paalis na sana kami pero ayaw mag start ng sasakyan. A-attend pa naman ako ng party. Birthday ng pamangkin ko, kelangan nandun ako. Pero ayaw parin gumana ng car.. kaya ayun dito parin kami.."

"Ah. ganun ba... (Pinuntahan ang driver at tiningnan ang makina ng kotse) Ano problema manong?"

"Ewan ko nga po eh. Parang may nadisconnect na wire. Papunta palang dito ang kakilala ko na mekaniko. Pero nagmamadali na si mam Alexa eh. Baka bumili pa un mga wires.."

"Matagalan po ba ang pag-ayos niyan?"

"Uhm. Medyo po eh.. Kelangan pang palitan ang mga wires na to.."

"Hala! Kuya! Pano na yan? Malelate na ako sa birthday ng pamangkin ko! Hindi din ako makapag text. Low bat na ako! Sira din cp ni Kuya!"

"Teka. Ito cp ko! (Hinanap ang cp niya pero hindi Makita) Halaa! Ang cp ko! Nawawala. Hindi pa ako naka pag text kay Shar."

"Napakamalas naman natin! Low bat din cp ko!"

"Wala bang taxi?"

"Wala nga eh. Kanina pa ako nag hihintay pero walang dumadaan... Pero...."

"Pero ano?"

(Tiningnan ang motor ni Nash)

"Sige na!"

"Ha?! Baka kasi.."

"Baka ano? Maseselos si Shar? Bakit? Friends naman kami. Walang problema yun. Sige na! Maawa ka na sa akin! Pleaseeeeeee!"

(Kinamot ang ulo niya) "Hmmm. Sige na nga! San ba ang party na yun?"

"Yehey! (Yinakap ng mahigpit si Nash) Salamat ha Nashie!"

"Oo na sige na! Bitawan mo na ako, para maka pag alis na tayo."

"Yey! O kuya, ok ka naman dito diba? Sunod ka nalang dun sa party ha!"

"Yes maam! sige po. Ingat kayo!"

"Sige Manong! Alis na kami ni Alexa!"

"Sige boss! salamat!"

(Sumakay si Nash sa motor niya)

"Oh dali! Sakay na!"

(Sumakay din si Alexa at kumapit sa bewang ni Nash)

"Ok na ba? A-andarin ko na ang motor ha!"

"Ok nashie! Ready na ako."

~At umalis na si Nash at Alexa

~At Sharlene's Room

(Nagtwi-twitter habang sinusubukang tawagan si Nash)

"Ano ba yan! Naka ilang tawag at text na ako. Hindi parin ma-contact si Nash! Nakakainis na!"

(Bigla may nakita siya isang tweet ng isang fan)

Tweet:

Anonymous: "OMG! OMG! Nakita ko si Nash at Alexa! Magkasama sila! At naka motor! Ang sweet nila! Feeling ko sila na talaga!"

"Hala! Totoo ba to? O baka chismis lang naman to. Kung totoo to, magtetext sa akin si Alexa or Nash na magkasama sila..."

(Bigla may isang tweet ulit nakita si Shar)

Jasmine: "Si Nash! Nagmomotor! Kasama yung babae na kapartner niya sa Luv U!"

"Ano ba to? Chismis lang yan Shar. Wag mo ng pansinin! Inhale Exhale.."

(Bigla maraming tweet ang lumabas ng nakakita kay Nash at Alexa)

Tweet #1: " Si Nash at Alexa naka motor dito sa may ABS! Baka may something."

Tweet #2: " Si Nash at Alexa spotted!"

Tweet #3: "Hala! Akala ko si Sharlene at Nash ang mag syota. Eh bakit si Alexa ang kasama niya?"

Tweet #4: "Hala! Lagot si Nash kay Sharlene!"

Tweet #5: NLEX FTW! Magkasama silang dalawa! Naka motor! Sweetness overload!!"

"Hindi parin ako naniniwala.. hindi ako naniniwala!"

(Biglang may tweet na may kasamang picture)

Tweet #6: "Paparazzi mode! Ito, nadatnan ko si Nash at Alexa, naka motor silang dalawa" (May kasamang picture ang tweet na naka motor silang dalawa na)

~Umiyak si Sharlene

"Bakit ba kayo magkasama? Walang time mag text o tawag sa akin, may ginagawa pala. Karma ba to? Nasasaktan ako. Ang sakit!"

Just The Bestfriend: Book 2 [NashLene]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon