Chapter Three – Bleize
Maaga akong nagising, no, maaga akong bumangon kinabukasan. I wasn't able to sleep. I had too much going on in my mind. Pinag-isipan kong mabuti kung paano ko ba kukumbinsihin ang mga magulang ko, pati na ang mga grandparents ko na payagan akong mag-enroll sa school na papasukan ni Misha. At isa pa, that school has been bothering me. Para bang may kung anong dapat akong malaman tungkol sa school na yun.
Kaya naman ng mapalingon ako sa orasan at nakita kong maga-alas sais na ng umaga ay agad akong bumangon para maligo at mag-ayos. Nagpadala na din ako ng breakfast sa room service para sa amin ni Misha. Nang makapag-ayos na ako ay sakto namang nagising na siya kaya sabay na kaming kumain.
"Anong oras ka na bumalik?" pukaw niya sa atensyon ko.
Kinagatan ko yung isang loaf ng tinapay bago ko siya sinagot. "Mga one na siguro. Bakit?"
She shrugged as she took a sip of coffee. "Hindi na kasi kita namalayang bumalik."
Napangisi ako dahil sa sinabi niya. Paano naman niya mapapansin ang pagbalik ko kung 'tulog mantika' naman siya? Was that Filipino expression right? Anyway, Misha is a heavy sleeper. Kapag nakatulog na siya, kahit anong ingay mo ay hindi yan magigising. Kahit pa buhatin siya at dalhin kung saan saan ay hindi siya magigising. That's how she is when she's asleep.
She's like a hibernating animal.
That's why hindi ko siya maiiwan sa kung saan mang school na yun. She's defenseless. Pano na lang kapag may nagtangka sa kaniya habang natutulog siya? She won't be able to protect herself.
"Anyway, ngayon kayo magkikita ng parents mo, right?"
I immediately flinched at her question. Oo nga pala. Ang alam niya ay ang mga magulang ko ang dahilan ng pagpunta namin dito. She thought I would meet them today when in fact, I'm giving her to Tita Shan. Agad naman akong nakabawi.
"Yeah," I sighed as if I was dreading to meet my parents, which is not really far off from the truth. More like I'm dreading to get see their reaction when they hear my 'stupid plan', as Kurt puts it.
"I'm still confused as to why they asked me to go here."
"You can just ask them later," she shrugged.
"I guess so."
Pagkakain namin ay binuksan ni Misha ang TV at nanuod ng anime. Base on the graphics, mukhang luma na yung anime na pinapanuod niya. Mukhang early 2000s pa ata iyon. Napailing na lamang ako. Habang nanunuod siya ay nagbabasa naman ako ng draft na sinned sakin ni Zion. As usual, ang sakit sa ulo ng gawa niya. Talagang malilito ang magbabasa kung sino ba talaga ang killer. Kaya naman sikat na sikat talaga ang mga gawa niya.
This is why I decided to venture on publishing. Mahilig akong magbasa. I prefer reading than playing sports and other games. Unfortunately, masipag lang akong magbasa kapag novels. Mabilis akong inaantok kapag academic books na ang binabasa ko.
Bago pa mananghali ay nag-checkout na kami ni Misha. Susunduin kami ng ilang tauhan nila tita Shan, na ang akala ni Misha ay tauhan namin. We waited for them at the lobby dahil ang sabi ni Tita Shan ay eleven daw darating ang mga tauhan nila.
"Ano na, Bleize?" naiinip na tanong sa akin ni Misha. "Thirty minutes na silang late. What happened?"
Sinilip ko ang cellphone ko para tingnan kung nagtext ba si Tita Shan. Baka kasi ninago niya ang oras kaya lang hindi ko nabasa. Kaya lang, wala akong nareceive sa kaniyang kahit anong message.
![](https://img.wattpad.com/cover/2372787-288-k472790.jpg)
BINABASA MO ANG
How To Be A Gangster
Teen Fiction"I never thought gangsters could be this wicked and sophisticated." - Luxera Bleize Kreifold