2: (7th Grade) Discriminate

58 3 7
                                    

Etong Chapter na ito ay dedicated kay GoToSleep2143. Hahahahaha. Labyu sa inyong lahat.

2: 7th Grade (Discriminate)

-Heart-

[Sa wakas! May kaibigan na ako! Woooh! Ako naman makakausap niyo, tama na muna yung engrish ni Dianne.]

Kumuha na kami ng walis, dustpan, pampunas at kung ano ano pa. Bakit ba kasi doon ang classroom namin? Ayos na yung classroom namin kanina ah.

"Hey Heart, can you help me out here?" narinig kong sabi ni Dianne. Eto naman si Dianne english ng english eh nasa Pilipinas tayo like halleerrr.

"Weyt." sabi ko saka lumapit sa kanya. Ahhh.. Naipit yung mga lampaso.

Tinulungan ko na si Dianne. Narinig namin medyo umingay na. Tapos na siguro ang Flag Ceremony.

'Uy diba mga taga Class A yan?'

'Oo. Malas nga nila. Nasa section na iyon pa sila.'

'Bakit anong meron ba doon?'

'Basta narinig ko, cursed section yan.'

"Don't listen to them, they are not worthy of your ears." biglang sabi ni Dianne.

"Dianne. Wag ka ngang mambigla."

"Yeah. yeah. sorry."

"Pero seryoso, cursed section tayo? ano yun?" tanong ko.

"Don't believe what you have heard believe in what you have seen." sabi niya. Kaloka talaga to si Dianne dumudugo na ilong ko.

"Marunong ka ba magtagalog?" tanong ko.

"Yes."

"Edi magtagalog ka nasa Pilipinas tayo beh." sabi ko sa kanya. Then kumuha ako ng limang lamapaso.

"I don't want to." sabi niya.

"Bakit naman?"

"Well, actually I don't know." Ayyy ewan!

"Sige magengrish ka lang ng engrish." sabi ko then tumayo na ako.

"Hey bring more of these coconut husks." Puteeeekkk. Tama na ang english.

"Ok ok. hintay." sabi ko at kumuha lang ng isa hahahahaha.

"Seriously? Whatever. Let's go." sabi niya. Aba. Wait bilangin ko kung ilan dala niya.

...

...

15?! Pano niya yan nadadala ng di man lang nahuhulog ang iba?

Sakin nga medyo nahuhulog. Daya. Nasan ang hustisya?!

"Try not to panic. And straighten your body posture and try not to move so much." bakit bigla-biglang nagsasalita si Dianne?!

"Nakakabigla ka Dianne."

Nagroll eyes lang siya. Taray talaga nito.

Nasa classroom na namin kami at nagsimula na maglinis.

"Oh, by the way, I forgot to tell you. Class A will have a different uniform."

Ano daw?! Dagdag gastusin nanaman?!

"No Miss Falcon. Your uniforms are free. You'll have 3 extra uniforms. Every Wednesday it's your wash day. Class A is only allowed to go home every holiday."

ANO?! NAKAKAPAGTAKA NA TALAGA NA ITONG TITSER NA ITO. Pero.. Alam ba to ng mga magulang namin?!

"Edi san kami matutulog Ma'am aber?" ampupu. Napasabi ko ng malakas.

"All of you are going to have a dorm. One room could occupy 2-3 people."

Wow. Saan nila nakuha ang pera para dorm namin? Sa gobyerno?

"Fyi, Ms. Falcon this is a private school if you didn't known." MIND READER BA TONG TITSER NA TO. KANINA PA TO AH!

"So, if you have questions feel free to ask me." sabi niya then umalis na siya.

Lahat kami dito nakanganga, except kay Dianne. Ba't parang kalmado tong babaeng to. Di ba siya kinakabahan? Wala akong nabasang ganito sa manual. At walang ganito sa orientation. Ibang iba.

Nakakapagtaka na talaga. At ngayon ko lang nalaman, private pala to hahahahaha. Pinilit lang kasi ako ni Mama ko na pumasok dito. Eh ayaw ko dito. Anlayo na sa pinanggalingan ko.

Naglilinis na kami ng classroom, nagtutulungan naman lahat. Ang iba nga naging magkaibigan na eh. Ayos rin tong activity na to.

Eto naman si Dianne, napakatahimik. Himala na lang kung umingay yan. Ako lang ang daldal ng daldal dito eh. Ang iksi niya pa sumagot. Feeling ko may pinagdaanan to eh.

"Miss! Umalis ka dyan!" sigaw sakin ng isang babaeng kaklase namin. Kaya sinunod ko naman ang sinabi niya.

Tapos biglang may bumagsak na kahoy. OMG. Kung di ako nasabihan baka nasaktan na ako.

Nakita kong lumapit si Dianne doon sa babaeng sumigaw sa akin at lumigtas sakin. Ang seryoso ng mukha ni Dianne. Well, kanina pa yang mukhang iyan. Lumapit naman ako, syempre magtethank you ako.

"How did you predict what just happened?" tanong ni Dianne doon sa babae.

"D-di ko alam." nauutal na sabi nung babae. Nakakatakot kaya ang pagtanong ni Dianne. Kaloka tong babaeng to.

"Tsk. I'll go talk to Ms. Syra regarding this." sabi na lamang ni Dianne at umalis na siya.

"Ahmm.. Ako nga pala si Heart Falcon. Salamat pala sa pagligtas mo sa akin." sabi ko.

"Walang anuman. Ako nga rin pala si Ellyza Maravilla." sabi niya sabay ngiti.

"Yung babae pala kanina, siya si Dianne. Sorry kung medyo natakot ka sa kanya. Ewan ko dyan sa babaeng yan kung bakit ganyan." mahabang sabi ko.

"Hahahaha. Ayos lang. Sige. Patuloy na tayo sa paglinis." sabi niya. Ngumiti naman ako at nagpatuloy na rin ako.

Bakit kaya tinanong ng ganun ni Dianne si Ellyza, Di pwedeng nakita ni Ellyza na nakausli ang kahoy, yung tipong pahulog na.

Sino kaya si Dianne?

to be continued.

++++++

Di ako mag-uupdate hanggat walang comment at vote ang chapter one and two.

Comment or pm me kung gusto mo idedicate ko sayo ang next chapter.

Thank you!!

Vote | Comment | Be a Fan

GalenstagramTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon