CHAPTER 4 MOVING CLOSER

1.8K 64 0
                                    

Chill lang habang naglalakad si Avery, nasanay na siya ngayon na gumising ng maaga. Dala siguro ng impluwensya ni Miss-Perfect-Cool-Prof. Reese. Taas noo siyang umakyat sa hagdan at relax na relax na naglakad papunta sa rum, may fifteen minutes pa bago mag alas diyes.

Pagpasok sa rum gusto niyang tumayo sa pinto at hintayin na dumating ang guro, pero naisip niyang dapat humble lang, kaya umupo na siya sa tabi ng mga kaibigan niya.

"Ang yabang oh." Bungad ni Vixia.

"Ang aga mo ngayon ah." Bati ni Oyen.

"Good morning din sa inyo." Pang aasar naman niyang bati. "naisip ko lang na hindi ako dapat magpatalo sa kanya. Ipapakita ko sa kanya na responsible ako."

"Ok. Relax. Ang laki talaga ng galit mo kay aydol."

Bawat minuto binilang ni Avery, hanggang sa pumatak ang alas diyes.

"Bakit kaya wala pa siya?" tanong ni Vixia.

"Imposibleng malate siya." Sabi ni Wylen.

"Imposible talaga, baka absent siya. Pero hindi naman siya umaabsent." Sabi ni Oyen.

"Hindi!" napako ang tingin ng lahat kay Avery. "Ano 'to? Kung kailan hindi ako late saka siya wala?"

Nagtawanan ang mga kaklase niya sabay kantyaw. "Ave, kaya nga siguro wala siya, kasi naramdaman niyang di ka late. Hahahah...."

Mayroong rule na kailangan maghintay ng 1/3 ng oras bago iconsider na wala ang professor, kaya kailangan pa nilang maghintay ng 45 minutes bago sila umalis.

At lumipas na nga ang oras ng paghihintay. Napagdesisyunan ng magkakaibigan na puntahan ang guro sa opisina niya.

"Wala siya dito e." si Tyre ang naabutan nila sa opisina at walang bakas ni Reese. "kanina kasi, pinatawag siya ni Dean, akala niya siguro saglit lang yung meeting, yung phone niya andun sa office niya."

"Grabe talaga, nakakaasar." Bulong ni Avery.

"Hindi ba siya nag iwan ng number?" tanong ni Tyre.

"Hindi po e."

"Hm, tinutoo pala niya yung sinabi niya."

"Na alin po?"

"Alam niyo kasi yun si Red, I mean si Reese. Pa-mysterious effect yun, sa mga studyante. Di yun nagbibigay ng personal info niya."

"Ganun po ba?"

"Gusto niyo number ko na lang kunin niyo, para ako na lang kontakin niyo if ever."

"Sige po." Inabot ni Oyen ang phone niya sa guro at sinave nito ang number niya.

"Oo nga pala, may writers ba sa inyo? bakit di kayo sumali sa writers club, you will learn a lot here."

"Ito po, si Avery saka si Wylen." Sagot ni Vixia.

Nahikayat naman ang dalawa na sumali, first year palang ay aktibo na sa pagsusulat ang dalawa kaya halos lahat ng academic clubs nasalihan na nila.

"Nung summer lang namin binuo yung club, mahilig din kasi kaming magsulat ni Red." Kwento ni Tyre.

"Ang talented po pala ni Prof. Reese." Nagniningning mga mata ni Vixia sa tuwa.

"Kapag nakilala niyo pa siya ng husto, magugulat kayo sa mga kaya niyang gawin."

"Kaya pala ang arogante niya." Bulong ni Avery.

"Kaya pala ano?" tanong ni Tyre.

"Kaya po pala ang cool niya." Tugon ni Oyen.

"Sinabi niyo pa, kaya ang dami ding nagkakagusto sa kanya."

"Talaga po? Marami pong nanliligaw sa kanya?"

"Ugh! Ugh!" naubo si Tyre sa tanong na yon. Hindi niya alam kung matatawa siya o ano. Naalala niyang walang alam ang mga estudyante kung ano talaga si Reese. "Ah, hahah... oo marami... oo nga pala, may pasok ba kayo sa sabado?" pinilit na lang niyang ibahin ang usapan.

"Wala po."

"Good! Ahm... birthday ko e, treat ko kayo."

"Birthday mo?" napatingin ang lahat sa pinto.

"Oo, Red, nakalimutan mo na? ikaw talaga, di ko alam minsan kung kaibigan talaga kita e." tumawa ng sarcastic si Tyre.

Hindi nagsalita si Reese, sa halip ay nagtaas lang siya ng kilay.

"Oo nga pala, ikaw, di mo sila sinabihan na di ka aatend sa klase nila." Tumingin ang dalawang guro sa mga estudyante.

"Oo nga po Prof. Reese, ang aga pa naman po pumasok ni Ave." sabay tawa ni Vixia.

Nag-chuckle din ang guro. "Talaga? Sayang di ko na witness." Pang aasar pa nito.

"Sige po, may next class pa po kami e." tumayo si Avery mula sa sofa at saka hinila si Wylen.

"Uy, teka!" tumayo na rin sina Vixia at Oyen. "Sige po Prof. Reese, Sir Tyre."

"Sige, sa Saturday ah." Paalam ng guro.

Pag alis ng mga estudyante, si Reese naman ang umupo sa sofa. "Ano nanamang pina plano mo ha?"

"Anong plano? Wala ah." Umupo naman sa couch si Tyre sa tapat ng kaibigan.

"Wala? E paanong bigla na lang nalipat ang birthday mo sa sabado?"

"E kasi... muntik nakong madulas kanina, kaya kailangan kong i-divert yung usapan." Paliwanag ni Tyre habang naka-pout.

Nilapitan siya ni Reese at pinisil ang ilong niya. "Ikaw talaga, ang daldal mo.... E kung i-divert ko kaya tong posisyon ng ilong mo para pag umulan malunod ka."

Crazy (Forbidden) Love (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon