CHAPTER 26 THE BOY VERSION

874 25 0
                                    

Pagpasok ni Avery, nagtaka siya ng makitang nagkukumpulan ang mga kaklase niya. "Anong meron?" tanong niya kay Vixia na naka upo sa teacher's table.

"Si Mister-perfect-cool-guy mo, bumibida nanaman."

"Ko?"

"Oo, dib a yan tawag mo sakanya nun nagkwentuhan tayo nila Wylen?!" pumungay ang mga mata ni Vixia at bumulong sa kaibigan. "So? Napalitan nab a si Miss-Perfect-Cool-Prof. Reese?"

"Tingnan niyo! Inis-sketch ako ni Xylem, ang galing!" lumapit si Oyen sa dalawa habang hawak ang isang page ng sketchbook.

"Wow! Magaling din pala siya mag-drawing." Tugon ni Avery.

"Ang galing niya noh?" puri ni Oyen.

"Napansin niyo ba?" lumapit din at tumabi si Wylen kay Vixia. "Si Xylem at si Idol, ang dami nilang pagkakapareho."

"Oo nga noh. Matalino din siya, magaling kumanta, maggitara, magluto at magdrawing. Para siyang boy version ni Idol!"

Tama, kaya nga siguro hindi mapigilan ni Avery na pagkumparahin sila, kasi, marami talaga silang pagkaka pareho.

"Hindi no! mas matalino si idol, mas magaling kumanta at maggitara, mas masarap magluto at mas malupet mag drawing." Nakangising sabi ni Vixia. Sobra ang paghanga niya kay Reese at hindi siya makakapayag na ikukumpara lang ito sa taong kakakilala pa lang nila.

"Hello guys!" isang grupo ng mga estudyante ang pumasok sa room nila Avery habang naghihintay sila ng Prof. "We are from Bachelor of Arts, dib alam niyo yung acoustic night? meron ba sa inyong gustong sumali?"

"Si Xylem!" sigaw ng isang estudyante.

"Oo Xy, Sali ka na." udyok ng isa sa mga barkada ng binata.

"Sige, pero samahan niyo ko." dahil sanay naman mag perform si Xylem, hindi na siya tumanggi, namiss na rin niyang tumugtog at kumanta sa harap ng maraming tao, pero, may isang tao na gusto niyang makasamang kumanta. "Ave, Sali ka rin."

Pagkatapos ng klase, nagtext si Tyre na nasa office siya, kaagad naman siyang pinuntahan nila Vixia.

"Where's Avery?" bungad na tanong ng guro pagdating ng mga estudyante.

"Nagre-rehearse po sila para sa acoustic night." Sagot ni Wylen.

"Really? Sasali si Ave? that's nice."

"Sa totoo lang po, hindi po yun nice." Naka ngising sabi ni Vixia.

"Oh, bakit?"

"May shiftee po kaming classmate, at pinopormahan niya si Avery, siya po pumilit kay Ave na sumali e, para daw may kasama siya."

"Wait! He's courting her?"

"Parang hindi naman po, friendly lang po talaga siya." Sagot ni Wylen.

"Pero iba yung trato niya kay Ave, lagi siyang sumasama satin at nagkukwentuhan sila ng matagal, kung anu ano binibigay niya kay Ave, simula din nung nag umpisa sa tayong gumawa ng thesis, hatid sundo na niya si Ave. oh! Hindi ba panliligaw yun?"

"Teka, wag muna tayo mag assume Vixia. Hm.. if ever naman na nanliligaw nga siya, wala tayong dapat ipagalala kasi si Red naman yung gusto niya diba?" walang sumagot kay Tyre, yumuko lang ang mga dalaga na parang nalugi. "Diba?"

"Halos bukambibig napo ni Ave si Xylem." Sagot ni Oyen.

"Sa tuwing nagkakasama po sila, kinukwento niya samin kung gaano, kabait, ka telnted at ka sweet si Xy."

"Wag po kayong mag alala Sir Tyre! Gagawa po kami ng paraan para paglayuin sila!" seryoso ang mukha ni Vixia na parang sasabak sa gyera.

Kahit na sobrang busy ang magkaibigan, gumagawa pa rin ng paraan si Tyre para magkita sila ni Reese.

Pagkatapos ng klase niya, pinuntahan niya ang babaeng propesor sa klase nito.

Nakatayo si Reese at nakasandal sa teacher's desk habang nag-oobserve sa mga estudyante niyang gumagawa ng essay, nang kumatok ang morenong guro sa pinto.

"Bakit?" tanong ni Reese paglapit sa kaibigan.

Bigla siyang hinila ni Tyre palabas ng room. "I have something important to tell you."

"Ano?" nagsalubong ng kilay ng babaeng guro. Naisip niyang seryoso ito, dahil hindi naman pupunta si Tyre sa klase niya kung hindi.

"Nangaganib ang lovelife mo."

Nang marinig ni Reese ang salitang 'lovelife' siya naman ang humila kay Tyre palayo sa sa room. "What the heck!" bulong niya. "Akala ko naman kung ano na. Pwede ba mamaya na natin pag usapan yan?"

"No! this is urgent! Merong nanliligaw sa Apple of the Eye mo."

Huminga ng malalim si Reese, concern din siya sa sinasabi ng kaibigan, pero kailangan niyang kalmahin ang sarili niya dahil gusto niyang maging professional sa trabaho. "Di ba marami naman talagang nanliligaw sa kanya?"

"Yeah, but this is different, yung nanliligaw sa kanya, sabi nila boy version mo daw."

"Boy version?" tugon ni Reese sabay tawa.

"Red, I'm serious. Kaya nga parang nagugustuhan na rin siya ni Ave."

Huminga ng malalim si Reese, mukang seryoso na nga ang mga nangyayari. Nagtatalo ang isip niya ngayon kung ano bang dapat niyang gawin. "Malapit na magtime. Wait for me here."

Crazy (Forbidden) Love (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon