CHAPTER 14 HEARTBREAK

1.2K 29 5
                                    

Pagkatapos kumain, tinulungan ni Reese maglinis ng guest room si Saicy.

"Hindi ka ba nalulungkot mag isa dito?" tanong ni ng dalaga habang nagpapalit ng mga punda ng unan.

"Minsan, pero lagi naman akong wala dito kaya ok lang din." Nilinis ni Reese ang aircon at tinanggal ang mga kahon na may nakalagay na ibang gamit.

"Wala ka pa bang girlfriend na pwede kang samahan dito?"

Nang marinig ng guro ang salitang girlfriend, bigla na lang niyang naisip si Avery, 'No, no way.' Pakikipaglaban ng isip niya. "Wala, wala pa kong time sa ganyan."

"E, pwede ka naman magka time kung gugustuhin mo lang."

"Ayoko pa muna, hm, inaantok nako. So, paano ok ka na dito?"

"Wag ka ngang umiwas, come on Red, wala kang nagugustuhan? Sigurado ako na marami ka paring admirer, gaya nung college, napaka pihikan mo naman kasi."

"Meron." Bigla na lang yun lumabas sa bibig ng guro.

"May nagugustuhan ka na?"

"Meron, pero, hanggang dun lang muna ko ngayon." Ayaw niyang isipin ni Saicy na hindi pa rin siya nakaka move on sa dating relasyon nila, pero, totoo naman na may nagugustuhan siya, ayaw lang niyang aminin.

Palabas na sana ng kwarto si Reese ng tawagin siya ng dating kasintahan. Lumingon naman ang guro. "Thank you, sa pagpapatuloy sakin dito."

"Don't mention it. Goodnight." Hanggat maaari ayaw ni Reese na matagal silang magkasama ni Saicy, nandun pa rin kasi yung awkward na pakiramdam, pero ang isang ikinatutuwa niya, yung nararamdaman niya dati para sa dalaga, wala na ngayon, ngayon napatunayan niyang naka move on na talaga siya. Salamat kay Avery.

Kinabukasan pagpasok ni Reese naabutan niyang naka upo sa table niya si Tyre. "Sisirain mo ba yang table ko?"

"Grabe ka, ganun ba ko kabigat?" lumipat sa armchair sa harap ng table ang morenong guro at tumingin ng seryoso sa kaibigan pag upo nito. "So, kamusta ang pag uusap niyo ng ex mong walang puso?"

"Ok lang." sa totoo lang ayaw yung pag usapan ni Reese, dahil para sa kanya hindi nay un mahalagang pag usapan.

"Paanong ok?"

"Ok as in ok. Nag usap lang kami ng normal, gaya ng pag uusap na ginagawa ng mga normal na tao." Pang aasar pa ng guro.

"Red, I'm serious. What's her problem?" mataray na tanong ni Tyre.

"May nakuha siyang trabaho malapit dito, wala siyang matutuluyan kaya naki usap siya na sa bahay muna tumira." Walang gatol na paliwanag ni Reese.

"What?" bulalas ng morenong guro.

Napa kunot ang noo ng kaibigan niya. "Ang OA mo."

"Hindi yun OA. Ganito ang OA." Tumayo si Tyre at nagpamewang habang nakataas ang isang kilay. "What?!" this time mas mataray at mas may emosyon ang pagkakasabi niya. "Ganun ang OA." Sabi pa nito tapos ay umupo siya ulit.

"Adik ka talaga. Anong gusto mong gawin ko? Hayaan ko siyang matulog sa kalsada? Wala siyang kapera-pera."

"E di sana pina utang mo na lang."

"Ayoko naman ng ganun, baka isipin niya binibigyan ko siya ng limos, o kinakaawaan ko siya."

"Utang naman ah. At saka, kapag nalaman to ni Jihan, siguradong riot."

"Hindi naman niya malalaman e, kung ititikom mo yang bibig mo, hanggang sa sumahod si Saicy at maka alis sa bahay."

"Paano kung bigla silang pumunta sa bahay mo?"

Crazy (Forbidden) Love (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon