CHAPTER 10 SAIREESE

1.2K 36 2
                                    

Gaya ng lagi nilang ginagawa, byernes ng hapon pagkatapos ng klase, pumunta sa Creative Writing Office sila Vixia para magpasa ng article nila Wylen.

"Kinakabahan ako.." malayo pa sa opis, dina mapalagay si Oyen.

"Bakit ka kinakabahan?" tanong ni Vixia.

"Paano kung hanapin nila si Ave? tapos paano kung masabi natin yung totoo, paano kung kamustahin nila yung kalagayan niya, kung nasaan siya?"

"Alam mo Oyen, praning ka. Relax ka lang."

"Bilisan na lang natin pagdating dun, ibibigay ko lang yung article namin kay Ma'am Crimson tapos umalis na tayo agad." Sabi ni Wylen.

Sa opisina hindi mapakali sa paghahanap ng kung ano ang mga guro ng madatnan sila ng mga estudyante.

"Bakit mo ba kasi hinubad?" tanong ni Tyre.

"Naghugas nga ako ng kamay, hindi ko maalala kung dun sa restroom sa 5th floor ko naiwan, o sa room, o dito, parang dala ko pa yun pagbalik ko dito e." paliwanag ni Reese.

"E hinanap na nga natin dito, wala nga."

"Hay, babalik muna ko sa 5th floor." Nasalubong ng babaeng guro sila Vixia sa pinto, binati siya ng mga ito. "Hi, girls." Saka siya nagmamadaling umalis.

"Uy, hello girls."

"Ano pong nangyayari?" tanong ni Vixia.

"Di ba dapat aalis tayo agad?" bulong ni Oyen.

Naglakad papunta sa office ni Reese si Tyre, sinundan naman siya ng dalawa, samantalang pinuntahan naman ni Wylen si Crimson na pagpapasahan niya ng mga article. "Alam niyo yung laging suot na bracelet ni Red?"

"Yung meron pong pangalan?"

"Yun nga, hinubad niya tapos ngayon nawawala na."

"Oo nga po pala Sir Tyre, kaninong pangalan po yung nakasulat dun?"

"Pinagsamang pangalan niya yun saka ng ex-girlfriend niya." Mabilis na sagot ng morenong guro habang naghahanap sa mga drawer. "Shoot!" natigilan si Tyre sa paghahalungkat ng marealize niya kung ano yung sinabi niya.

"Ex-girlfriend?" sabay na tanong ni Oyen at Vixia.

Tumingin ang guro sa kanila at ngumiti.

Hindi na talaga maalala ni Reese kung saan niya nailapag yung bracelet, pero pinipilit niyang alalahanin, kailangan niyang maalala, mahalaga sa kanya ang bracelet na yun.

"Sige, tutal, naging malapit na rin kayo samin, kaya sasabihin ko na." umupo si Tyre sa couch, umupo naman si Vixia at Oyen, ilang saglit pa, dumating din si Wylen. "You see, si Prof. Reese niyo pareho kami."

"Bakla din po siya?" tanong ni Oyen. Natawa sila sa sinabing yun ng dancer.

"Transgender?"

"Hindi, what I mean is, she's also gay, she's a homosexual." Paliwanag ng morenong guro.

Bakit nga ba sinusuot pa rin ni Reese ang bracelet na yun? Sinasabi niya kay Tyre na sinusuot niya yun dahil lang sa accessory yun. Pero sa gilid ng puso niya, may kirot pa rin sa tuwing nakikita niya yun.

"Yung bracelet, galing yun kay Saicy, yung recent ex-girlfriend niya." Kwento pa ng guro.

Dalawang taon na ang nakakalipas, final exams nun ng may tumawag kay Reese habang kasama niya sila Tyre.

"May ibibigay ako sayo." isang magandang dalaga na may kulot na buhok ang lumapit kay Reese.

"Ano yun?"

"Akina yang kamay mo?"

Inabot naman ito ni Reese, isang bracelet na kulay pula ang isinuot ni Saicy sa wrist niya. "Saireese, pinagsamang pangalan natin." Masayang tugon niya.

"Nagustuhan mo ba?"

"Sobra, kulay pula pa, salamat."

"E, paborito mong kulay pula dib a?"

"Oo, sa susunod ako naman magreregalo sayo."

"Di nay un kailangan,"

"Sai, tara na!" isa sa mga kaibigan ni Saicy ang tumawag sa kanya sa di kalayuan.

"Bukas, pupunta ka ba sa birthday ni Cloud?"

"Oo, pupunta kami."

"Kami din, sige kita tayo dun bukas, may sasabihin ako sayo."

"Ano yun?"

"Bukas na lang, sige."

Sa birthday party ni Cloud sinabi ni Saicy ang matagal ng hinihintay na sagot ni Reese. Alam ng mga kaibigan nila kung ano sila, at suportado sila ng mga ito. Naging Masaya sila hanggang sa paggraduate nila.

"Dali! Dali!" patakbong lumabas ng Creative office sila Vixia.

"Teka, bakit ba tayo tumatakbo?" tanong ni Oyen.

"Kasi, excited nakong sabihin kay Avery yung nalaman natin."

"Teka guys, hinihingal nako." Halos hindi na makapagsalita ng maayos si Wylen dahil sa hingal.

Nagpaiwan mag isa si Avery pero ng balikan siya nila Vixia may kasama na siya.

"Sino yun?" tanong ni Vixia habang nakatago sila sa makapal na bilog na poste.

"Sigurado papayag yun, mabait naman dean ng college namin e." sabi ni Avery.

"Ave!" lumapit sila Oyen sa dalaga, saka naman tumayo ang lalaking kausap ni Ave.

"Ah, sige Avery, andito na pala mga kaibigan mo. Salamat ah." Paalam ng lalaking estudyante.

"Sino yun?" umupo si Vixia sa tabi ni Avery.

"Hm... ano nga yung pangalan niya? ...Xylem, accounting student siya, gusto daw niyang mag-shift sa course natin."

"Ah.. teka, Vi, yung sasabihin natin sa kanya!" excited na bumaling si Oyen kay Wylen.

"Oo nga pala, alam mo ba Ave, may nalaman kami." Hindi na nagdalawang isip na magkwento si Vixia.

"Totoo? Baka jino-joke niyo lang ako ah." magkahalong pagkagulat at pagdadalawang isip ang makikita sa mukha ni Avery pagkatapos marinig ang kwento.

"Hindi noh! Tanong mo pa kay Wylen."

Laging pinagtitripan ng dalawa si Avery, minsan lang sila magseryoso sa buhay kaya hirap siyang paniwalaan ang mga ito, sa kanilang magbabarkada, sa tingin ni Ave, sila lang ni Wylen ang may matinong pag iisip.

"Totoo yun, si Sir Tyre mismo nagsabi samin."

Hindi alam ni Avery ang mararamdaman niya, Masaya na nalilito na ewan.

"Uy... anong iniisip mo?" pang aasar ni Vixia.

"Wala, iniisip ko na mas dapat kong iwasan si Prof. Reese ngayon."

"Bakit? Mas may pag asa na ngayon dahil pareho kayo."

"Pareho, paano naging pareho? Gusto din ba siya ni Prof. Reese?" tanong ni Oyen.

"Madali na lang yun, kailangan na lang yan ng konting push."

"Wait, nakakalimutan niyo ba teacher pa rin natin si Prof. Reese. Kaya hindi pwede."

"That's it. Tama si Wylen. Dapat talaga, kalimutan ko na tong nararamdaman ko."

Crazy (Forbidden) Love (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon